CHAPTER 71

63 2 0
                                    

Nagising ako na wala na si John sa tabi ko kaya agad na akong tumayo sa kama upang bumaba at nakita ko siya sa garden may kausap sa kanyang phone.

"Claire pwede ba huwag mo sa akin hanapin si Demon!"galit na sabi ni John kaya napakunot ang noo ko.

Nag-uusap talaga sila ni Claire.
At tama nga si Garrel kaya dapat hindi ko pagkakatiwalaan si John.

"Oo nasa akin sila kaya kaya please lang Claire huwag mo na kaming pakialaman ni Athena kasi na sayo naman si Demon hindi ba? Ano pa ba ang kailangan mo upang tumahimik kana d'yan?!"galit na tanong ni John.

Nakaraan ang ilang sigundo lalapitan ko na sana siya nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Kaya kong pangalagaan si Athena sa mga kamay ko lalong-lalo na ang mga anak niya!"galit niyang sabi kaya nagulat ako.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"John?"gulat kong sabi kaya napatingin siya sa akin at nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang pagkagulat.

"Buhay ang mga anak ko?"gulat kong tanong sabay tulo ng aking mga luha.

Lumapit siya sa akin at hahawakan niya sana ang kamay ko nang bigla ko siyang sinigawan.

"Magsalita ka! Buhay ba ang mga anak ko?!"sigaw kong tanong at tumango siya at doon na ako umiyak ng umiyak.

"I'm sorry At-"hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko nalang siyang sinampal.

"Traedor ka!"sigaw ko.

"Nasaan sila! Gusto ko silang makita!"sigaw ko sabay hampas ng dalawa kong kamay sa kanyang dibdib.

"Ginawa ko naman iyon upang mapapasaakin ka Athena kasi natatakot ako na maging masaya na kayo ni Demon ng tuluyan."umiiyak niyang sabi.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa akin ngayon John! Kasi hindi mo nararamdaman kung paano masaktan at mawalan! Makasarili ka rin tulad ni Demon! Magkambal ng kayo!"sigaw ko at tinalikuran ko na siya.

Wala siyang kw*ntang tao!

Tama si Garrel.
Pareho lang silang lahat!

DEMON POV

Andito na ako ngayon sa Mansyon kakarating ko lang at agad kong nakita si Claire papalapit sa akin.

"Mabuti umuwi kana."sabi niya sabay yakap sa akin kaya bigla ko siyang tinulak.

"Demon pwede ba! Magiging asawa mo na ako kaya sana mahalin mo rin naman ako tulad ng babae na 'yon!"sigaw niya kaya bigla ko siyang sinakal.

"Hindi ka magiging si Athena!"galit kong sabi sabay bitaw sa kanya at umalis na ako sa harap niya.

Nang makahiga na ako sa kama bigla nalang ako napangiti dahil naalala ko kagabi ang mukha ni Athena.

Kahit si Claire ang kasama ko si Athen parin ang iniisip ko.
Sinusubukan ko namang mahalin si Claire pero bakit hindi ko maibigay sa kanya ang pagmamahal na binibigay ko kay Athena.

ATHENA POV

Andito ako ngayon umiiyak habang nakaupo sa likod ng Mansyon nang hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na si John.

"Tara."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Saan tayo pupunta?"naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Basta!"sabi niya at tumayo na ako upang sumama sa kanya.

Dalawang oras ang nakalipas andito na kami ngayon sa isang bahay.

Kaya pumasok na kami sa loob.

"John."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Tara sa loob."sabi niya kaya sumunod na ako sa kanya.
Nang makapasok na kami sa loob agad kaming may nakasalubong na babae.

"Sir John andito na pala kayo."sabi ng babae.

At umakyat na kami sa taas pagbukas ni John ng pinto agad kong may nakita na babae na na buhat buhat ang isang sanggol habang ang isa naman na sa kama nakahiga habang natutulog.

"Athena 'yan ang mga anak mo."sabi ni John at parang tumigil ang mundo ko nang makita sila.

Napatulo nalang ang mga luha ko sabay lapit sa anak na buhat-buhat ng isang babae.

Ningitian ako ng babae at binigay sa akin ang anak kong babae.

"John."sabi ko sabay tingin kay John at tumulo ang aking mga luha.

Kinuha ni John ang anak ko sa kama at pinatingin ito sa akin.

Parang si Demon ang mukha ng mga anak ko.

Sigurado akong mga anak ko ito dahil ramdam na ramdam ko sa puso ko na sa akin sila nanggaling.

"Mahal na mahal ko kayo."nakangiti kong sabi at hinalikan sila sa noo.

JOHN POV

Napangiti ako habang tinitignan si Athena.

Ngayon lang ako gumawa ng bagay na naging masaya siya.

Noon sakit at lungkot lang binibigay ko pero ngayon babawi ako sa'yo Athena at sa mga anak mo.

"Athena sana matanggap mo ako para maging mabuting ama rin sa kanila."sabi niya kaya napatingin siya sa akin.
Ni hindi man lang siya nagsalita.

Alam ko si Demon parin ang iniisip niya.

Hindi na talaga ako siguro mahal ni Athena.

CLAIRE POV

Andito ako ngayon sa cr habang nakatingin sa salamin na umiiyak.

"Hindi ako papayag na si Athena parin ang mahal mo!"galit kong sabi.

Kung ayaw mo akong mahalin gagawa parin ako ng paraan upang mapapasaakin ka! Kahit ilang ulit pa akong magpakat*nga sa harap mo! Akin ka lang Demon Martinez!

Kaya sinuntok suntok ko ang tyan ko at bigla nalang itong sumakit kaya nakita kong may dugo na umaagos kaya sumigaw ko.

Pinipilit ko ang sakit habang umiiyak.

"Claire!"kinakabahang sabi ni Demon sabay pasok sa loob ng Cr at binuhat niya ako upang dalhin sa Hospital.

Gagawin ko ang lahat Demon kahit mawala pa ang batang ito sa sinapupunan ko magiging akin ka lang!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now