CHAPTER 53

69 4 0
                                    

Gabi na at andito ako ngayon nakahiga sa kama habang katabi ko si Demon na natutulog.

Athena gagawin mo ba ito?

Pero natatakot ako baka magalit siya sa akin.

Bahala na!

Kaya tinignan ko si Demon habang mahimbing ang tulog nito.

Nilapitan ko siya ng kaunti.

Athena naku!

Kinakabahan ako sa gagawin mo.

Kaya heto ako ngayon unting-unti nilalapit ang kamay sa mukha ni Demon upang tanggalin ang bonet nito.

Nakaraan ang ilang sigundo hahawakan ko na sana ang bonet niya nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

Kaya doon na bumilis ang tibok ng puso ko.

At nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit upang hindi ako makagalaw.

"Huwag mo nang ituloy ang balak mo kaya matulog kana."sabi niya.

Hayss ano na ito.

Bantay sarado talaga ako kay Demon.
Pero Athena baka hindi lang ito ang oras na makita mo ang mukha niya.

Kaya gagawa ako ng paraan para makilala kita Demon kung sino ka talaga.

Maaga akong gumising na wala na si Demon sa tabi ko.
Kaya agad na akong bumaba at nakita ko si Yaya Marry Jane na naglilinis kaya agad ko siyang nilapitan upang tanungin kung umalis ba si Demon.

"Yaya si Demon umalis ba?"tanong ko.

"Opo Ma'am."sabi niya.

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?"tanong ko.

"Hindi po Ma'am tanungin niyo nalang po si Lola baka alam niya kung saan pumunta si Sir."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Haist nasaan na kaya ang lalaking 'yon bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya umalis.
Kaya nandito ako ngayon sa kwarto nang bigla nalang nagring yung phone ko.

Si John 'to ah.

Bakit naman kaya siya tumatawag?

"John bakit?"tanong ko.

"Athena ginawa mo ba?"tanong niya.

"Oo."sabi ko.

"Ano nakita mo ba?"tanong niya.

"Ginawa ko pero hindi ko nakita kasi binabantayan niya pala ako, akala ko tulog siya 'yon pala gising."sabi ko.

"Ano na ngayon ang gagawin natin?"tanong niya.

"Basta hindi ako titigil na makita ang mukha niya kahit magalit pa siya sa akin."sabi ko.

Hindi natuloy ni John ang sasabihin niya nang bigla ko nalang pinatay ang tawag dahil  may narinig akong yapak ng paa papasok sa kwartong ito.

"Athena Apo kumain kana."sabi ni Lola kaya nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko si Demon kinabahan ako tuloy.

I'm sorry Demon pero kailangan ko talagang sundin si John.
Kahit mahal kita hindi talaga ako mapakali kung sino at kung ano ang nakaraan namin.

DEMON POV

Andito ako ngayon kausap ang Private Doctor ko.
Gusto kong malaman kung ano ang kondisyon ng puso ni Athena ngayon.

"Boss pasinsya pero kailangan mo talagang pumili sa mag-iina mo."sabi niya kaya bigla ko nalang hinawakan ng kwelyo niya ng sobrang higpit.

"Hindi ba sabi ko sayo gagawin mo ang lahat! At kapag merong mawala ni isa sa kanila papatayin kita!"galit kong sabi sabay bitaw sa kanya.

"Pero Boss mas lalong lumala na kasi ang butas sa puso ng asawa mo at kung siya ang pipiliin mo kisa sa mga anak mo dapat na natin siyang operahan ngayon."sabi niya kaya bigla ko nalang sinuntok ang dingding.

"Paano ang mga anak ko! Alam ko hindi sila makaligtas kapag operahan si Athena ngayon!"galit kong sabi.

"Iyon na nga Boss kaya dapat kayong pumili."sabi niya sabay yuko.

"Wala akong pipiliin sa kanila! Kaya tumahimik ka!"galit kong sabi at tinalikuran ko na siya.

Hindi pwedeng mawala si Athena sa buhay ko gano'n na rin ang mga anak ko!

"BUW*S*T!"sigaw ko sabay suntok sa manibela ng aking kotse.

CLAIRE POV

Andito ako ngayon sa condo ko kasama si GARREL LOPEZ.

Yes

Tama kayo ng binasa dahil buhay si Garrel.

Akala niyo pinatay ni Demon pero hindi!

Ako ang tumulong sa kanya upang mabuhay.

Kaya ikaw Demon nagkakamali ka kasi si Garrel ang gagamitin ko upang patayin ang Athena na 'yan!

"Ngayon galit ka sa Boss mo!"sabi ko sabay ngiti ng sarkastiko habang nakaupo siya sa sofa.

"Pinatay niya ang pamilya ko dahil ANO! Para walang may makakaalam na D*MONYO SIYA!"galit na sabi ni Garrel kaya nilapitan ko siya at umupo ako sa heta niya.

"Kaya gagawa tayo ng paraan upang masaktan din siya tulad ng nararamdaman mo ngayon."sabi ko kaya napatingin nalang siya sa akin.

"MAGBABAYAD SIYA!"galit na sabi ni Garrel.

Haha ngayon Demon maghanda kana dahil may taong maniningil sa'yo!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now