CHAPTER 94

78 4 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig ngayon mula kay Deiven.

"Haha pasinsya kana kasi tinulungan ako ni Lorna na magaling mong Yaya upang hindi ako sisihin ni Athena sa mga nangyari!"galit niyang sabi.

"DEM*NYO KA DEIVEN!"sigaw ni Demon dahil sa sobrang galit.

"Haha nagulat ka? Matalino ka nga Demon pero uto-uto kana man!"galit na sabi ni Deiven.

Hindi ako makapagsalita.

Siya pala ito ang totoong Dem*nyo.

"Kaya ngayon papatayin ko na kayo!"galit niyang sabi at tinutukan ako ng baril.

"Sino sa tingin niyo ang gustong mauna?"sarkastiko niyang tanong habang palipat-lipat niyang tinutok ang baril sa amin.

"Ikaw Athena? Ang walang kw*ntang Asawa!"galit na sabi ni Deiven kaya pumunta si Demon sa harap ko.

"Ako nalang ang patayin mo huwag lang si Athena!"galit na sabi ni Demon kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Hayaan mo siya na patayin ako! Kasi baka d'yan siya magiging masaya na mawala ako!"sabi ko kaya lumapit na ako kay Deiven.

"Athena ano ba!"galit na sabi ni Demon pero hindi ko siya pinansin.

Napatulo ang mga luha ko dahil kaharap ko na ngayon si Deiven.

"Iputok mo ang baril!"utos ko.

"Pinatay mo naman diba ang Lolo ko, mga magulang mo pati na si Lola Lorna! Kaya ngayon patayin mo ako baka d'yan ka magiging masaya!"galit kong sabi sabay tulo ng aking mga luha.

At nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita mula sa likuran ni Deiven.

Si Claire may dalang baril.

"Patayin mo na siya Deiven!"utos ni Claire kaya napatingin si Deiven sa kanya.

"Hindi ba sabi mo papatayin mo si Athena! Tandaan mo Deiven hindi ikaw ang mahal niya at lalong-lalo na hindi sayo 'yang dinadala niya!"sigaw ni Claire.

"PATAYIN MO SIYA!"sigaw ni Claire.

"Hindi mo siya kayang patayin?!"galit na tanong ni Claire kaya napayuko nalang si Deiven.

Anong nangyayari sa kanya?

Kaya tumawa nalang si Claire na parang dem*nyo.

"BUONG AKALA KO DEIVEN KAYA MONG PATAYIN SI ATHENA! PERO NAGKAMALI AKO SAYO!" galit na sigaw ni Claire.

Nababaliw na siya.

Tinignan niya ang baril niya at ngumiti na parang nababaliw.
At tumingin siya kay Demon.

"IKAW DEMON! SA TAGAL TAGAL NG PANAHON NA PINAGSAMAHAN NATIN GINAWA KO ANG LAHAT PARA MAHALIN MO AKO! PERO ANO? KAHIT BOYFRIEND NI ATHENA SI JOHN MINAHAL MO PARIN SIYA! AT PINAASA MO AKO!"sigaw ni Claire sabay tulo ng kanyang mga luha.

"PAREHONG-PAREHO KAYO NI DEIVEN HABOL NA HABOL KAY ATHENA KAHIT NANDITO NAMAN AKO! KAYA NGAYON! PAPATAYIN KO NA ANG BABAENG 'YAN!"sigaw ni Claire sabay tulo ng kanyang mga luha.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

At bigla niya akong tinutukan ako ng baril.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"DAPAT NANG MAMATAY ANG ATHENA NA 'YAN!"sigaw niya sabay ngiti ng sarkastiko.

"CLAIRE IBABA MO 'YAN!"sigaw ni Demon kaya napatingin si Claire sa kanya na sobrang galit na galit at bigla nalang kaming may narinig na putok ng baril.

DEMON POV

Maraming mga pagsubok ang dinaanan ko pero itong pangyayari na ito parang nanghihina ako.

Naging importante ring kaibigan si Claire sa akin at si Deiven naman naging mabuting kakambal ko.

Napatingin ako sa baril na hawak ko dahil binaril ko si Claire habang si Deiven naman nakahandusay sa luha dahil ni ligtas niya si Athena.

"JOHN!"sigaw ni Athena na umiiyak sabay yugyog kay Deiven habang ako naman natulala sa nangyari.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon