CHAPTER 14

140 8 0
                                    

Hindi mawala sa paningin ko ang tattoo sa kanyang leeg.
Imposible!
Pero magkaparehas talaga sila ng Boss ko.
Yung size ng tattoo light basta same na same talaga.

So ang Boss ko at siya ay iisa?

Pero imposible!

Napatingin siya sa akin kaya iniwas ko agad ang aking tingin sa kanya.

"Kumain kana."nakangiti niyang sabi sabay lagay ng plato na may laman na pagkain sa aking harapan.

"Thank you."sabi ko habang pinipilit na ngumiti sa kanya kahit natatakot na ako sa mesteryosong lalaking 'to.

Kaya siya siguro pumapasok sa companya dahil iisa lang sila ng Boss ko.

Pero wala pa akong ebedensya na nagpapatunay na siya talaga.
Kaya dapat maramdaman niya na parang nahuhulog ang loob ko sa kanya para mapalapit kami sa isat-isa at doon ako maghahanap kung sino talaga ang lalaking 'to.

"Bakit tulala kang nakatingin sa akin?"tanong niya kaya bigla ko nalang siyang ningitian.

"Gusto kitang makilala at saka gusto kong malaman kung ano ang rasun bakit mo ako sinusundan."sabi ko.

"Kumain kana!"cold niyang sabi kaya no choice kundi sundin ang lalaking 'to.
Baka magalit na naman sa akin mahirap na.

Habang kumain ako naiilang ako sa lalaking 'to kasi tumitingin sa akin.

"Kamusta na ang mga sugat mo masakit pa ba?"nag-alala niyang tanong habang tinititigan ang mga sugat ko.

"Okay naman."sabi ko.

"Ayokong sinasaktan ka ng kahit na sino! Handa talaga akong pumatay ng tao kung sino man ang gustong lumapit at manakit sa iyo! Dapat ako lang!"cold niyang sabi.

"Nakakapagtaka lang kasi hindi naman kita nakilala at saka paano mo ako nakilala?"tanong ko.
Ano kaya ang sasabihin niya?
Siya kaya ang Boss ko?

"Huwag mo ng tanungin ayokong pinag-uusapan ang tungkol doon!"galit niyang sabi kaya yumuko nalang ako.
Nakakatakot siya magalit.

At bigla nalang nagring yung cellphone niya kaya agad niya iyon kinuha sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Mabuti nagawa niyo! Binigyan niyo na ba sila?"tanong niya.
Hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila ng kausap niya.
Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon?

"Tatawag nalang ako mamaya."sabi niya at agad niya binaba ang tawag sabay tingin sa akin.

"Pagkatapos 'yan magpahinga kana."sabi niya at umalis na siya.

Napatingin ako sa pinto kung saan siya lumabas.

"Makilala rin kita kung sino ka man."sabi ko sa aking sarili.
Gusto kong malaman kung ano ba ang dahilan na nangyayari sa buhay ko at sa pamilya ko.

Maraming araw ang nakalipas andito ako ngayon sa companya.
Habang nag-aayos ng mga documents si Trisha na isipan kong lapitan siya.

"Trisha."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?"tanong niya at agad binalik ang tingin niya sa kanyang ginagawa.

"May dadalhin ka ba ngayon sa office ni Boss?"tanong ko.

"Oo bakit?"tanong niya kaya huminga muna ako bago kumuha ng lakas na loob upang sabihin siya sa kanya na.

"Pwede na ako nalang ang magdala no'n sa office niya?"

Napatingin siya sa sinabi ko.

Siya lang kasi ang pwedeng makipag-usap kay Boss at siya lang ang nakakita kung ano talaga ang mukha ng Boss namin.

"Hindi pwede mapapagalitan ako."sabi niya.

"Please? Gusto ko lang kasing mag-sorry kay Boss kasi palagi nalang akong absent."sabi ko.

"Pero-"hindi niya na natapos ang sasabihin niya kasi bigla nalang ulit akong nagsalita.

"Please Trisha, promise dadalhin ko lang yung pinag-uutos ni Boss sayo tapos aalis naman ako kaagad."sabi ko kaya tumango nalang siya kaya napangiti nalang ako.

"Heto dalhin mo roon."sabi niya kaya agad ko 'yon kinuha mula sa kanyang kamay ang sobrang daming documents.

Haist!

Mabigat naman ito!

Ang hirap naman ng Posisyon ni Trisha rito.

Pero malaki rin naman ang sahod niya kisa sa amin kaya okay na ito sa kanya.

Nang nando'n na ako hindi na ako kumatok ng pinto.
Gusto ko lang humanap ng ebedinsya rito.

Pagbukas ko ng pinto.

Haist!

Mabuti nalang wala ang Boss ko rito kaya nilagay ko ang mga documents sa table niya.
At nagsimula na akong mangialam sa mga gamit niya rito.
Grabe sobrang dami naman nito.

DM Company means Demon Martinez.
At yung companya niya ay tungkol sa paggawa ng mga alak gamot at iba pa.

Napatingin ako sa drawer at may nakita akong I.D ng isang lalaki.

Teka sino 'to?

"Garrel Lopez?"

Bakit nandito ang I.D na 'to sa drawer ni Boss?
Nakakalito talaga!
Bakit wala namang kahit isang picture ang mga gamit ni Boss dito?

Napatingin ako sa pinto kasi naramdaman kong parang may papasok kaya tumakbo ako papunta sa cr upang magtago.

At bumilis ng bumilis ang tibok nito.

Patay na ako nito!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now