CHAPTER 22

129 5 0
                                    

Andito na ako ngayon sa bahay namin kaya agad na akong lumabas sa kotse ni Sir John.

"Sir salamat po."nakangiti kong sabi.

"Your welcome."sabi niya at umalis na siya.
Napatingin muna ako sa bahay namin bago ako pumasok sa loob at agad kong nakita sina Mama at Papa nag-uusap.

"Ma."sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Hindi ba ikaw yung babaeng pumunta rito no'ng kailan lang? Bakit ka nandito?"tanong ni Papa kaya nilapitan ko sila.

"Kamusta na kayo?"tanong ko.

"Okay naman Miss pero huwag mo nga kaming tawaging Mama at Papa kasi hindi ka namin anak."sabi ni Mama kaya yumuko nalang ako.

Nasasaktan ako dahil sa sinabi nila sa akin.

Hindi na talaga nila ako naalala  wala na akong kwenta sa pananaw nila.

Tatalikod na sana ako nang bigla akong tinawag ni Papa.

"Kumain kana ba Miss?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa po."sabi ko.

"Kumain ka muna rito."sabi ni Papa kaya napatingin si Mama sa kanya na mukhang gulat na gulat.

Kaya agad na akong lumapit sa kanila at sabay na kaming kumain.

"Miss may asawa kana ba?"tanong ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Amm."hindi ako makapagsalita sa tanong niya.
Ano na ngayon ang sasabihin ko?

"Bakit mo naman siya na tanong?"tanong ni Papa kay Mama.

"Bilis kasi ng pintig d'yan sa leeg mo buntis ka ba?"tanong ni Mama kaya na pa hawak ako sa leeg ko.

Ang bilis nga.

Kaya ningitian ko nalang sila.

9:40 na ng gabi at nagpaalam na ako sa kanila aalis na pero ang sabi ni Mama gabi na raw at masama na lalabas pa ako dahil buntis ako.

Kaya dito nalang ako na tulog sa dati kong kwarto.

Habang nakahiga ako sa kama bigla ko nalang na isip si Demon baka magalit 'yon kasi hindi ako makauwi.
Napahawak ako sa tiyan ko at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na buntis ako.

Ang sakit na ng ulo ko at parang babagsak ang katawan ko dahil sa pagod.

KATHLEEN POV

Andito kami ni Sheena ngayon naghihintay ng taxi kagagaling lang kasi namin sa Mall bagong sahod kasi haha.

"Alam mo na iinis ako sa Athena na 'yon! Buw*sit talaga!"galit na sabi ni Sheena.

"Akala mo ikaw lang! Malandi talaga at saka magkasama pa sila kanina ni Sir John!"galit kong sabi.

"Kaya nga naiinis si Boss sa kanya kasi malandi!"sabi niya kaya napangiti nalang ako.

Haha duwag ka Athena hindi mo alam ako ang nagdelete ng files mo sa computer mo haha.

Ang galing ko talaga!

Pero nakapagtataka dahil natapos niya agad ang trabaho niya at na approve pa.
Buw*sit!

At mabuti nalang andito na ang taxi kaya agad kaming pumasok sa loob ni Sheena.

Habang nagmamaneho si Manong napatingin ako sa kanya.

Teka?

Bakit siya nakabonet?

Siguro ganyang lang talaga 'yan.

"Haha alam mo girl very good ka talaga dahil sa plano na edelete ang files na ginawa ng Athena na 'yon haha."sabi ni Sheena kaya napatingin ako sa kanya sabay ngiti ng sarkastiko.

"Syempre ako pa! Matalino ako kisa sa babaeng 'yon!"galit kong sabi.

"Kailan pa kaya mawala ang babaeng 'yon sa companya ni Boss?"galit na tanong ni Sheena.

"Sana mamatay na ang Athena na 'yon!"galit kong sabi.
At bigla nalang huminto ang taxi na kina bigla namin ni Sheena.

"Ano ba Manong!"galit kong sabi kaya napatingin siya sa salamin at doon nagtagpo ang aming mga mata.

Nagulat nalang kami nang may kinuha siyang kutsilyo.

"Anong gagawin mo sa amin!"sigaw ni Sheena habang ako naman hindi makapagsalita sa aking nakita.

Nagpanic na kami na buksan ang pinto ng taxi pero nakalock iyon kaya sumigaw nalang kami ng sumigaw.

Bigla nalang lumipat sa amin ang lalaking nakabonet at nakita ko kung paano niya saksakin si Sheena habang ako naman ay takot na takot na nakatingin sa kanya.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha ang kanyang bonet at doon ko naalala ang lahat.

Ang pagbibigay ng kape sa amin tuwing umaga at biglang pagkawala ng mga kasamahan ko sa trabaho at si Athena.

Hindi ako makapagsalita sa aking naalala.

Hindi si Athena simpleng empleyadong kasama ko.

"Bo..ss"nauutal kong sabi.

"At ngayon alam mo na ang lahat! Dapat ka nang mawala!"galit niyang sabi sabay hawak sa bunganga ko at pilit itong binubuka at hinila niya ang dila ko.
At napasigaw ako sa sunod niyang ginawa dahil bigla niya itong hiniwa.

Pinipilit ko ang sarili kong lumayo sa kanya habang punong-puno ng dugo ang bibig ko.

ATHENA POV

Nagising ako sa isang masamang panaginip.

Nahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang kaba ng aking naramdaman.
Napanaginipan ko na sinaksak ako ni Demon.

Napatulo ang luha ko dahil sa takot.

Natatakot ako na baka magkatotoo iyon.

Maaga akong gumising at nakita ko si Mama at Papa nagkakape.

"Miss gusto mong mag-inom ng kape?"tanong ni Mama.

"Hindi na po."sabi ko sabay lapit sa kanila at umupo sa harap nilang dalawa.

"Thank you po."nakangiti kong sabi.

"Para saan?"tanong nila at bigla ko nalang silang niyakap ng sobrang higpit.

"Miss?"gulat na tanong ni Papa kaya binitawan ko na sila.

"I'm sorry po."sabi ko.

Maraming oras ang nakalipas nagpaalam na ako sa kanila na umalis na at andito ako ngayon pauwi na sa Mansyon ni Demon.

Nang makapasok na ako sa loob agad ko siyang nakita na nakaupo habang nakatalikod sa akin.

"Bakit ngayon ka lang!"galit niyang tanong.

"Pinuntahan ko lang sina Mama at Papa."sabi ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Bakit hindi ka nagpaalam!"galit niyang sabi

"Hindi mo naman ako papayagan."sabi ko sabay yuko.

Alam kong sasaktan niya naman ako.

"Ako na ang nagmamay-ari sa'yo! Kaya dapat nagpaalam ka sa akin!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Magpahinga na ako."walang gana kong sabi.
Aalis na sana ako sa harap niya nang bigla nalang siyang nagpaputok ng baril sa gilid ko na kina gulat ko.

"Huwag na huwag kang lumapit sa JOHN NA 'YON KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY ANG MGA MAGULANG MO!"galit niyang sabi.

"Naintindihan mo!"sigaw niya kaya napatango nalang ako.
Umalis siya sa harap ko kaya napatulo ang aking mga luha.
At ngayon asawa ko na siya dapat kong tanggapin na ganito siya lagi sa akin.

Kaya heto nga ang rasun kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya na buntis ako.
Dahil sasaktan din naman niya ako ng paulit-ulit.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDOnde histórias criam vida. Descubra agora