CHAPTER 24

150 5 0
                                    

Gusto kong malaman kung ano ang kinalaman ni Sir John kay Demon.

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na si Sir John.

"Athena kamusta?"tanong niya.

"Okay naman po ako Sir."sabi ko habang ang mga kasamahan ko naman ay nakatingin sa amin.

"Mabuti naman kung gano'n by the way pwede ba tayong mamasyal mamaya?"tanong niya.

"Oh sige po Sir."sabi ko at nakita kong ngumiti siya.

Pwede kong gamitin si Sir John kung ano talaga si Demon kung bakit hindi niya ito pinapatay.

"Sige hihintayin nalang kita mamaya."sabi niya at tumango nalang ako kaya nagpaalam na siya umalis.

"Wow Girl ang haba ng hair mo."nakangiting sabi ni Jessa kaya napatingin ako sa kanya at ningitian.

Sorry Sir John pero gagawin ko ito upang malaman ang katutuhanan kung bakit ganito si Demon at kung bakit ayaw niyang magpakita sa akin.

Maraming oras ang nakalipas andito ako ngayon inaayos ang mga gamit ko baka kasi hinihintay na ako ni Sir sa labas.

Nang nando'n na ako sa parking area agad ko siyang nakita at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumunta sa Mall.

Habang naglalakad kami nakakailang kasi kasama ko ang isa sa pinakamayaman na tao rito sa Pilipinas.

"Athena maganda yung dress gusto mo bilihin ko para sa'yo?"tanong niya kaya napatingin ako sa dress na kulay white.

"Hindi na po Sir."sabi ko at lumapit siya sa dress at kinuha iyon bago pumunta sa cashier.

"Miss ito yung bayad."sabi ni Sir John sabay abot ng bayad sa cashier.

"Ito na po Sir, thank you po."nakangiting sabi ng babae at agad 'yon kinuha ni Sir at inabot sa akin.

"Suotin mo 'yan palagi bagay 'yan sayo."nakangiti niyang sabi.

"Thank you po Sir."sabi ko.

DEMON POV

Napayukom ang aking kamao nang makita ko si Athena na kasama si John!
Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo Athena kaya tuturuan kita ng leksyon!

Nagmaneho na ako papunta sa bahay nila at naabutan ko ang Mama niya nagnunuod ng Tv.

"Sino ka?"agad na tanong ng Papa niya galing sa isang kwarto kaya napalingon ang Mama niya sa akin.

"Magsalita ka sino ka!"sigaw ng Papa niya sabay lapit sa akin.

"Bakit hindi ka nagsasalita! Bakit ka nandito sa bahay namin ng hindi kumakatok!"galit na sabi ng Mama niya kaya agad kong sinaksak sa tiyan ang Papa niya.
Kinuha ko ang bonet at napalaki ang mga mata nila sa nakita sa kanilang harapan.

"Bakit ka nandito! Nasaan ang anak namin!"sigaw ng Mama ni Athena kaya napangiti ako ng sarkastiko.

"Akin lang si Athena!"galit kong sabi.

"Kahit kailan hinding-hindi mapapasa iyo ang anak namin! Alam mo naman na iba ang gusto ni Athena pero ano ang ginawa mo sa kanya! Gina-"magsasalita na sana siya nang bigla ko siyang binaril gano'n din ang asawa niya.

At ngayon naalala na nila ang nangyari noon dapat lang sa kanila na mamatay.

ATHENA POV

Marami ang mga oras ang nakalipas at masaya akong kasama si Sir John.
Ang bait-bait niya talaga at parang may naramdaman ako na parang kilala ko siya.
Hindi ko na pala namalayan na nakatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya ng kotse.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now