CHAPTER 96

67 4 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas andito kami ngayon sa Mansyon tapos na kasi ang libing ni Deiven.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang pakamatay niya.

At hanggang ngayon hinahanap parin siya ng mga anak ko.

Ang sakit-sakit parang tinuring siya ng mga anak ko na totoong ama.

"Mom namimiss po namin si Daddy."umiiyak na sabi ni Nic sabay tulo ng kanyang mga luha kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

FLASHBACK

Pagkatapos kong manganak sa kambal ko heto ako ngayon inaalagaan ni John.

"Athena kumain ka ng marami para sa kambal."sabi ni John sabay bigay sa akin ng pagkain.
As in sobrang dahil.
Hay naku John ginawa mo naman akong baboy nito.

"Thank you."nakangiti kong sabi.

"Walang ano man at saka huwag kang mag-alala kahit hindi ako ang totoong ama ng mga anak mo ituturing ko sila na parang mga anak ko."nakangiting sabi ni John kaya bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit.

"Salamat talaga, kung wala ka hindi ko talaga alam ang gagawin ko."sabi ko sabay tingin sa kanya kaya hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad.

"Mahal na mahal kita."sabi niya kaya ningitian ko lang siya.

Hindi ko parin kayang sabihin sa kanya iyon dahil si Demon parin ang tinitibok ng puso ko.

"Marami pa akong niluto doon sabihin mo lang kung kulang haha tumataba ka na nga haha."sabi niya habang tumatawa kaya bigla ko siyang binatukan.

"Pinapakain mo lang ako dahil gusto mong tumaba ako baliw ka eh no."sabi ko habang siya naman hinihimas ang kanyang ulo haha ang cute.

After 1 year
Andito ako sa sala kasama si John at ang kambal ko.

Nakatingin ako kay John habang buhat-buhat niya si Ice.

Mahal na mahal niya talaga ang mga anak ko.

Okay na siguro na hindi na kami magkabalikan ni Demon ang importante andito si John mahal na mahal ang mga bata

"Anong tinitingin mo d'yan?"nakangiti niyang tanong sabay lapit sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Wala."sabi ko.

"Alam mo Athena habang lumalaki si Ice parang naging kamukha ko siya haha."sabi ni John kaya napatingin ako sa kanya haha.

Pero parang totoo.

Siguro gano'n talaga 'yon kasi kambal niya si Demon.

"Ang layo naman."sabi ko haha yung reaction niya ang pangit.

"Yung ilong, mata at lips kahawig ko kaya."sabi niya.

"Humanap ka nalang kasi ng Girlfriend."sabi ko kaya lumapit siya sa akin.

"Bakit pa ako maghahanap kasama ko naman kayo at saka okay na ako kina Ice at Nic."sabi niya at hinalikan niya si Ice sa pisngi haha ang cute.

"Ang cute talaga."sabi niya.

"Sana ganito nalang tayo lagi."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at ningitian siya.

"Maraming salamat sa lahat John."sabi ko at ngumiti siya.

"Palagi mong tatandaan mahal na mahal ko kayo ng mga anak mo."sabi niya kaya tumulo na ang aking mga luha at pinahid niya iyon gamit ang palad niya.

"Naku huwag kang umiyak ang pangit mo."sabi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Malaki talaga ang utang na loob ko sa'yo, sana hindi ka magbago."sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Oo naman ako pa."nakangiti niyang sabi at bigla nalang umiyak si Nic at Ice.

"Haha ayaw bantayan mo."sabi ko sabay tayo sa sofa upang umakyat sa taas.

Tawag siya ng tawag sa akin dahil sabay-sabay umiyak ang dalawa.

Haha ang cute niya para na rin siya iiyak.

END OF FLASHBACK

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil sunod-sunod nalang ito na pagtulo.

"Hindi kita makakalimutan John."sabi ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon