CHAPTER 36

88 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa labas umiiyak sa labas ng building.

Mabuti nalang kaunti lang ang tao rito dahil nandito ako sa gilid.

Bakit gano'n nalang magsabi si Demon sa akin?

Wala talaga siyang pakialam sa akin.
Hindi niya alam na nasasaktan na ako.

"Ito panyo."sabi ng lalaki sabay bigay ng panyo na kulay white kaya napatingin ako kung sino.

"Sir John?"gulat kong tanong kaya umupo siya sa tabi ko at pinahid ang aking luha gamit ang panyo na hawak niya.

"Nag-away ba kayo dahil sa akin?"tanong niya kaya yumuko nalang ako.

"I'm sorry."sabi niya.

"Okay lang po."sabi ko sabay tayo.

"Mauna na po ako."sabi ko.
Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong tinawag kaya napatingin ako sa kanya.

"Hatid na kita."sabi niya.

"Hindi na po Sir okay na po ako."sabi ko pero hinawakan niya ang aking kamay at dinala niya ako sa kotse niya.

Haist!

Baka makita na naman ako nito ni Demon sigurado akong magagalit na naman 'yon.

Andito na kami ngayon sa gate ng Mansyon hindi kasi pwedeng pumasok si Sir John sa loob.

"Thank you po Sir sa paghatid."nakangiti kong sabi.

"Your welcome."nakangiti niyang sabi.

"Pasok na po ako Sir."sabi ko.

"Athena pwedeng John nalang ang tawagin mo sa akin asawa kana man ni Demon."sabi niya.

"Pero-"magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Athena please? Ayoko kasing tinatawag mo akong Sir."sabi niya kaya pinilit ko nalang ang sarili kong tumango.
Baka kasi maabutan pa kami rito ni Demon lagot na naman ako nito.

"Pasok na po ako Si-- este John."nakangiti kong sabi at ngumiti nalang siya bago tumango sa akin.

Ang gwapo niya.

Pero bakit parang magkahawig ang mga mata nila ni Demon?

Hayyss bahala na nga.

"Mag-iingat ka."sabi ko.

"Sige."sabi niya at pumasok na siya sa loob ng kanyang kotse at pinahurot niya ito.

Andito na ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama.

"Nakakapagod naman."sabi ko sa aking sarili.
Hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod.

Nagising ako banda 9:30 ng gabi.

Nabigla nalang ako nang bumukas ang pinto akala ko si Demon 'yon pala si Lola may dalang tray.

"Apo kumain kana."sabi niya.

"Si Demon po?"tanong ko.

"Tumawag siya hindi raw siya makakuwi ngayon dahil may meeting sila ni Claire."sabi niya.

"Ilagay niyo nalang d'yan Lola kakainin ko nalang 'yan mamaya."sabi ko at tumango naman siya bago umalis.

Hindi siya makauwi?

Tapos makakasama niya magdamag ang Claire na 'yon!

Bahala sila!

Habang kumakain ako bigla nalang pumasok sa isip ko ang  tungkol sa pamilya ni Demon.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt