CHAPTER 48

75 6 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto.
Naiinis ako kay Demon haist ang sarap batukan talaga promise.

Kung nakikita niyo lang ang reaction niya nang hinihimas ni Claire ang Dibdib niya hay naku naka ka high blood talaga promise.

Tapos ang Claire naman 'yon saan kaya pinaglihi ang babaeng 'yon bakit palagi nalang siyang dumidikit kay Demon?

May nakaraan ba sila?

Kasi parang close na close sila.

"Athena huwag mo ngang isipin ang babaeng 'yon baka magulat ka nalang na kamukha ni Claire ang mga anak mo! Naku hindi dapat 'yon pwede!"galit kong sabi sa aking sarili.

Pero bakit hindi ako sinundan ni Demon dito sa kwarto?

Buw*sit talaga!

Siguro naglalandian na naman sila.

DEMON POV

"Claire ayokong mamasyal ngayon at saka samahan ko si Athena rito."sabi ko at nakita ko na bigla nalang sumimangot ang mukha niya.

"Please Demon, kahit sandali lang."sabi niya sabay hawak sa kamay ko kaya agad kong kinuha ang kamay niya.

"Umalis kana pupuntahan ko pa si Athena."sabi ko.
Tatalikod na sana ako nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Pwede ba Demon layuan mo ang Athena na 'yon! Hindi ba sabi mo anak lang ang habol mo sa kanya at saka mamatay din naman siya."sabi niya at bigla nalang uminit ang ulo ko kaya bigla ko siyang hinarap at sinakal ng sobrang higpit.

"Huwag na huwag kang magsasalita ng ganyan sa Asawa ko! Mabubuhay si Athena at ang mga anak ko!"galit kong sabi sabay tulak sa kanya kaya napasubsob siya sa sahig.

"Umalis kana bago pa kita patayin!"galit kong sabi kaya napangiti siya ng sarkastiko bago tumayo at hinarap ako.

"Hindi ba sabi mo Fiance mo ako? Binigyan mo nga ako ng sing sing dahil ang sabi mo sa akin magpapakasal tayo! Pero bakit bigla nalang nag-iba ang Demon na nagsabi sa akin no'n!"galit niyang sabi.

"Umalis kana!"galit kong sabi.

"Please Demon, kaya ko naman ibigay lahat ng hindi mabibigay ni Athena sa'yo, ako yung totoong nagmamahal sayo noong una pa lang, bakit ba palagi nalang si Athena ang iniisip mo! Promise aalagaan ko ang mga anak mo at kaya kong ibigay sa kanila ang mga kailangan nila."umiiyak niyang sabi sabay luhod sa harap ko.

"Mahal na mahal kita Demon."umiiyak niyang sabi.

"Tumayo kana d'yan."sabi ko at pinatayo ko na siya.

"Ako na ba ang mamahalin mo?"parang baliw niyang tanong sa akin.

"Hindi ako ang lalaking para sa iyo kaya layuan mo na ako dahil si Athena lang ang mamahalin ko hanggang mamatay pa ako."sabi ko kaya bigla niya akong sinampal.

"Demonyo ka talaga! Manluluko ka! Ginawa ko lahat ng gusto mo para lumigaya ka pero bakit Demon?! Ako ang dapat mong mahalin hindi si Athena!"sigaw niya habang hinahampas ang dibdib ko gamit ang dalawa niyang palad kaya hinawakan ko iyon nang mahigpit.

"Umalis kana! At sa'yo nalang 'yang sing sing mo."sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Kailangan kong puntahan si Athena dahil nakikita ko sa mukha niya ang galit kanina nang dumating si Claire.

CLAIRE POV

"Ma'am lumabas na po kayo."sabi ng Guard sabay hawak sa akin.

"BUW*S*T BITAWAN MO NGA AKO!"sigaw ko dahil sa sobrang galit habang tumutulo ang aking mga luha.

Lumabas na ako sa Mansyon ni Demon at andito na ako ngayon sa kotse ko.

"HINDI AKO PAPAYAG NA MAGING MASAYA KAYO! KAYA ATHENA MAGBABAYAD KA DAHIL PAPATAYIN KITANG BABAE KA!"sigaw ko sa loob ng aking kotse.

"SISIGURADUHIN KONG MAGIGING EMP*Y*RNO ANG BUHAY NIYO!"sunod kong sigaw.

Tandaan mo 'yan Demon!

Hindi mo ako kilala kaya gagawin ko ang lahat mawala ang babaeng minamahal mo at ang mga anak niyo!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now