CHAPTER 8

134 7 0
                                    

Nagising ako na umaga na pala na hindi ko namalayan napatingin ako kung saan pinatay ng lalaki si Sandro at wala na ang bangkay ng kaibigan ko.

Pagtingin ko sa pinto agad kong nakita ang lalaki nakatingin sa akin.

"Kung gusto mong magtrabaho 'yan ang gamit mo inihanda ko."sabi niya sabay turo sa upuan katabi ng kama.

"Pero isaksak mo palagi sa kukuti mo na wala ibang may makalapit sa iyo kundi ako lang!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at ngayon kaharap ko na ang lalaking ito.

"Bumaba ka at kumain alam kong nagugutom kana."sabi niya bago umalis sa loob ng kwarto.

Napatingin ako sa clock na nasa dingding kaya agad na akong tumayo ng kama upang pumunta sa companya baka ma lelate pa ako nito.

Nang nando'n na ako agad akong may nakita na matandang babae pinapaalis ni Kuya Guard.

"Bawal ka po rito baka mapapagalitan kayo ng Boss namin."sabi ni Kuya at napatingin ang matanda sa akin.

Teka?

Masakit ang tingin niya nakakatakot.

Aalis na dapat ako nang bigla siyang nagsalita.

"Alam kong may mga bagay na hindi mo ma intindihan sa buhay mo na nangyayari ngayon sa iyo pero parte iyon ng buhay mo na ayaw mong mawala sa iyo kahit nakalimutan na ng isip at puso mo."sabi niya sabay lapit sa akin.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Hindi ko siya maintindihan.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"tanong ko magsasalita na sana siya nang biglang may tumawag kay Guard.

"Opo Boss."sabi niya at binaba na ang tawag kaya agad niyang nilapitan ang matanda.

"Lola tumawag po sa akin ang Boss namin kailangan mo nang umalis."sabi ni Kuya habang hinahawakan ang matanda sa braso.

"Bitawan mo ako!"galit na sabi ng matanda pero hinila parin siya ni Kuya at napatingin ulit ang matanda sa akin.

"Mag-iingat ka dalikado ang buhay ng mga magulang mo."sabi ng matanda at tuluyan na silang umalis sa paningin ko.

Ano ang ibig niya sabihin?

Hindi ko talaga maintindihan.

Naalala ko sina Mama at Papa kaya pagkatapos mamaya ng trabaho ko pupuntahan ko sila.
Mag-iingat lang ako upang hindi ako masundan ng lalaking 'yon.

Kaya lumakad na ako papunta sa office namin.
Nang hindi ko malayan na nakabangga na pala ako nang isang magandang babae.

"Shit!"sigaw niya sabay tulak sa akin.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!"sigaw niya kaya napayuko nalang ako sa harap niya.

"Pasinsya na po Miss."sabi ko habang nakayuko sa harap niya.

"Sa susunod tumitingin ka naman sa dinadaanan mo!"galit niyang sabi.

"Buw*sit!"sunod niyang sabi at umalis na siya sa harap ko.

Sino kaya ang babaeng 'yon?

Bakit ngayon ko lang siya nakita?

Naku Athena huwag ka ngang mag-isip about sa babaeng 'yon pumunta ka nalang sa office baka mapapagalitan kana naman.

Nang nando'n na ako agad kong nilapitan si Jessa.

"Jessa wala na si Sandro."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Sandro? Sino naman ang sandro na 'yan?"tanong niya na kinagulat ko.

Hindi niya kilala si Sandro?

Napatingin ako sa kay Julius na nag-iinom ng kape.

"Saan galing ang kape niyo na 'yan?"tanong ko kay Jessa at napatingin siya sa kapeng iniinom niya.

"Dito sa office always kaya sila rito nagbibigay sa amin at saka ikaw hindi ka binibigyan hindi ko nga alam eh."sabi ni Jessa kaya tumango nalang ako.

"Pwede ko inumin?"tanong ko kay Jessa.

"Ngayon kapa mahihingi paubos na 'yan eh."reklamo niya.

"Heto Athena sa'yo nalang 'to."sabi ni Julius sabay abot ng cup na may laman na kape kaya agad ko 'yon kinuha at inamoy.

Inumin ko na sana nang bigla nalang bumukas ang pinto at nakita namin si Trisha papalapit sa akin.

"Athena hindi sa'yo 'yan!"galit niyang sabi.

"Binigay ito ni Julius sa'kin eh."sabi ko.

"Gusto mo bang paalisin ka rito ni Boss?"tanong niya kaya huminga ako ng malalim bago nilagay ang cup sa table ni Jessa.

"Okay hindi ko na iinumin."sabi ko at tinalikuran ko na siya bago ako pumunta sa table ko.

Napatingin ako sa mga taong kasama ko sa office.

Lahat sila binibigyan ng kape except lang sa akin.
Nakapagtataka talaga may kinalaman kaya ang lalaking nakabonet sa nangyayari rito?

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now