CHAPTER 59

65 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa taas umiiyak.

Napangiti ako nang maalala ko  ang sinabi ni Demon sa kwartong ito na ako lang ang mahal niya.

"Apo."umiiyak na sabi ni Lola.

"Kailangan ko na sigurong umalis."sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Saan ka pupunta? Dito ka lang Apo aalagaan kita."umiiyak na sabi ni Lola kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Kahit papaano para naging ina ka sa akin Lola kaya salamat talaga ng marami."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

Ngayon na buntis si Claire wala na talaga akong Chance kay Demon.

Kaya inayos ko na ang mga gamit ko upang umalis sa Mansyon na 'to.

Nang makababa na ako hindi ko na nakita ang dalawa.

"Ma'am mag-ingat po kayo."malungkot na sabi ni Yaya kaya ngumiti nalang ako ng mapait sa kanya.

"Aalis na po ako Lola."sabi ko sabay tingin kay Lola at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka Apo."sabi niya sabay tingin sa akin kaya tumango nalang ako.

Andito ako ngayon sa daan naglalakad.

Hindi ko maiwasang umiyak dahil naalala ko na naman ang nangyari.

Wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Nabigla nalang ako nang mayroong tumigil na kotse sa harap ko.

At bumaba ang isang lalaki.
Teka?
Parang kilala ko ang itsurang ito.

Tama siya iyong Garrel Lopez na nagpanggap na Boss ko.

"Sabay kana sa akin Miss."sabi niya sabay lapit sa akin pero lumayo ako sa kanya.

"Mabait ako Miss, wala akong gagawin na masama sa'yo."sabi niya.

Kaya heto ako ngayon sumabay na sa kanya.

Habang nagmamaneho siya ng kotse hindi ko talagang iwasan tingnan ang mukha niya.

Gwapo naman siya pero ang layo sa mukha ni Demon at John.

Pero kasing tangkad siya ni Demon kaya hindi halata na siya ang nagpanggap noon na Boss.

"Alam kong kilala mo ako."sabi niya.

Teka?

Paano niya nalaman?

"Ako si Garrel Lopez ang nagpanggap na Boss noon."sabi niya sabay tingin sa akin.

"Kilala mo ba ako?"tanong ko kaya ngumiti siya.

"Oo kilalang-kilala."sabi niya.

Bakit pakiramdam ko may gagawin siya masama sa akin.

Hindi ko siya kilala pero Haist ano ka ba Athena siya na nga itong tumulong sa'yo tapos pag-iisipan mo pa siya ng masama.

"Saan mo  gustong pumunta?"tanong niya kaya napaisip ako.
Saan nga ba?

"Amm d'yan lang ibaba mo nalang ako."sabi ko.
Wala talaga akong tiwala para akong kinakabahan sa kanya.
Mas mabuti pa nga siguro kay John ako lumapit.

Pero bakit hindi niya tinigil ang kotse?

"Ibaba mo na ako."sabi ko kaya napatingin siya sa akin sabay ngiti na parang dem*nyo.

"Ano ba! Ibaba mo ako!"sigaw ko sa loob habang pinipilit na buksan ang pinto ng kotse pero nakalock iyon.
Kaya doon na ako kinabahan.

"Sandali lang may gagawin pa kasi ako sa'yo."dem*nyo niyang sabi sabay lapit sa akin.
At bigla niyang hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"Sabihin mo sa Demon na 'yon papatayin ko siya! Naintindihan mo!"sigaw niya.

"At saka hindi mo ba alam na kasabwat namin ni Claire si John? Haha kawawa kana man."sabi niya habang ako naman sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"Malalaman ito ni demon!"galit kong sabi at bigla nalang siyang tumawa na parang dem*nyo.

"Asa ka kasi naniniwala na si Demon kay Claire! Haha."sabi niya.
Tama siya.
Hindi na nga ako mahal ni Demon pero kailangan niyang malaman na papatayin siya ng Garrel na 'yon.

"Ang ganda mo talaga Athena Robert Martinez, hindi mo ba alam na gusto kita no'ng nagtatrabaho ka sa companya ni Demon haha."sabi niya habang hinihimas ang aking braso.

Anong gagawin niya sa akin?

"Kaso ito namang si Demon palagi kang binabantayan kaya ito na ang pagkakataon."nakangiti niyang sabi.
Kaya umiyak nalang ako ng umiyak.

Napakasama niya!

"Lumabas kana!"sigaw niya kaya doon na ako lumabas at umiyak ng umiyak.

Bakit ganito sila sa akin!

"Ano ba ang kasalanan ko sa inyo!"sigaw ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon