CHAPTER 98

68 4 0
                                    

Andito kami ngayon sa isang Restaurant kasama ang dalawa kong anak at si Demon.

"Daddy thank you."sabi ni Ice sabay yakap kay Demon.

"For what?"tanong ni Demon sabay tingin kay Ice.

"Para sa pagmamahal na binigay mo sa amin at kay Mommy mahal na mahal ka po namin diba Mommy?"nakangiting tanong ni Ice sabay tingin sa akin.

At kinuha naman ni Nic ang kamay ko at kay Demon.

"Ang swerte po namin kasi kahit wala na si Daddy Deiven may isa pa kaming totoong Daddy na mahal na mahal din kami."nakangiting sabi ni Nic kaya ngumiti ako at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Mommy dapat ako rin."malungkot na sabi ni Ice at niyakap niya rin ako nang mahigpit.

Haha selosa talaga itong si Ice.

Halos lahat ng ugali nila namana nila kay Demon.

"Kumain na tayo."sabi ni Demon kaya heto kumain na kami.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang tatlo.

Hinawakan ko ang tiyan ko habang nakangiti.

Malapit na kaming maging lima kaya dapat handa na talaga ako sa maraming pasaway sa bahay kasama ang Daddy nila.

Agad nagring yung phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

Teka?

Sino 'to?

"Hello?"sabi ko.

"Ikaw ba si Athena Robert?"tanong ng babae sa kabilang linya kaya napatingin si Demon sa akin.

"Bakit?"tanong ko.

"Ma'am pwede po ba tayong magkita mamaya sa bahay niyo may kailangan lang kasi akong sabihin sa'yo."sabi niya.

"Oh sige."sabi ko.

"Sige po Ma'am salamat."sabi niya.

"Your welcome."nakangiti kong sabi at binaba ang tawag.

"Sino 'yon?"tanong ni Demon.

"Hindi ko alam basta gusto niya lang makipagkita mamaya  sa mansyon."sabi ko.

"Baka masamang tao 'yan ha."sabi ni Demon kaya hinawakan ko ang kamay niya sabay ngiti.

"Wala nang masamang mangyari sa akin kasi nandito kana."sabi ko.

"Ang sweet niyo naman Mommy, Daddy."kinikilig na sabi ni Ice haha ang cute parang dalaga na.

"Syempre Mommy andito rin ako kaya kitang protektahan sobrang big kaya ng muscle ko."sabi niya habang pinapakita ng muscle niya haha baliw talaga itong si Nic ang yabang minsan.

"Haist! Ang liit."sabi ni Ice kaya napatingin si Nic sa kanya habang nakasalubong ang kilay nito haha ayan na naman sigurado akong mag-aaway na naman sila.

"Nic, Ice please huwag kayong mag-away."sabi ni Demon kaya napatingin silang dalawa kay Demon.

"Yes Daddy."sabi ni Ice.

"Kumain nalang kayo."sabi ko.

Kaya napatingin si Demon sa akin.

Haist ang gwapo niya.

Ang hot niya kaya kung makatitig.

Naku Athena buntis ka kaya huwag ka ngang ganyan naku ikaw talagang babae ka.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now