CHAPTER 33

90 4 0
                                    

"Umalis kana!"galit na sabi ni Demon sabay lapit sa akin.

"Pero-"hindi natuloy ang sasabihin ni Sir John kasi bigla nalang nagsalita si Demon.

"Hindi ka ba nakakaintindi! Umalis ka sa harap ng pamamahay ko ngayon!"galit na sabi ni Demon.

"Athena alis na ako."sabi ni Sir John kaya tumango nalang ako.

Nang makaalis na siya agad na akong hinila ni Demon papunta sa loob ng Mansyon sa kwarto namin.

"Sinabi ko ba na pumunta ka sa labas!"galit niyang sabi at ang mga mata niya umaapoy sa galit.

"Nakita ko lang kasi si Sir John sa labas-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang sinuntok ang dingding na kinabigla ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!"sigaw niya.

"Ano ba ang mali doon ha! Hindi naman ako isang preso rito upang ikulong mo sa mansyon mo! At saka mali ba na nagkita kami ni Sir John?"galit kong tanong kaya lumapit siya sa akin.

"At ngayon marunong ka nang magsalita ng ganyan sa akin!"galit niyang sabi.

"Hindi naman sa gano'n pero-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang niyang hinawakan ang aking braso nang sobrang higpit.

"Sa ayaw at sa gusto mo! Dito kalang sa loob! Hindi mo ba na intindihan? Hintayin mo manganak ka bago ka lumandi sa ibang lalaki!"galit niyang sabi kaya napatulo ang aking mga luha.

Ang sakit niyang magsalita.

Bigla niya akong binitawan at lumabas na siya sa loob ng kwarto at doon na ako umiyak ng umiyak.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Hindi ako magkakagusto sa iyo!"galit kong sabi.

Maaga akong gumising na wala na si Demon sa Mansyon.
Lalabas na sana ako pero bakit hindi ko mabuksan ang pinto.

Kaya agad kong nilapitan si Lola lorna sa kusina.

"Lola bakit hindi ko mabuksan ang pinto?"tanong ko.

"Sorry Apo inutusan kasi ako ni Demon na huwag kang palabasin dito."sabi niya na kinagulat ko.

"Teka! Hindi naman tama ito Lola."sabi ko.

"Pasinsya talaga Apo pero kailangan kong sundin si Demon."sabi niya sabay alis sa harap ko.

Buw*sit na lalaking iyon!

Kaya heto ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama.

Ano na ngayon ang gagawin ko rito napakaboring.

Haist!

Maraming oras ang nakalipas nakita kong bumukas ang pinto at nakita ko si Demon papasok sa loob na may kasamang babae.

Hindi ba siya yung babaeng nakita ko sa companya?

Bakit sila magkasama?
Nakita kong dumiretso si Demon sa taas ng hindi man lang ako pinansin at ang babae niyang kasama lumapit sa akin.

"Hi ikaw pala ang asawa ni Demon."sabi ng babae sabay tingin sa akin ulo hanggang paa at bigla nalang tumaas ang kaliwa niyang kilay.

"Ikaw sino ka?"tanong ko at napangiti siya ng sarkastiko.

"Ako si Claire Santos isa sa Business Partner ni Demon."sabi niya at lumapit si Demon sa amin kaya napatingin ako sa kanya.

"Athena umakyat ka muna sa taas may pag-uusapan lang kami."sabi niya.
Bakit niya pinapunta ang babaeng 'yan dito!

"Nakakaintindi kana man hindi ba Mrs Martinez? May pag-uusapan kami ng asawa mo importante lang."sabi niya kaya tinignan ko si Demon bago umalis sa harap nila.

Magsama sila!

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa kwarto nakatayo habang pabalik-balik na naglalakad.

Bakit parang gusto kong puntahan si Demon sa baba.

Buw*sit na lalaking 'yon may kasama pang babae rito!

Hay naku Athena huwag mo nang isipin ang lalaking 'yon at saka mabuti ngang mag ka gusto siya sa iba upang hayaan kana niya.

Pero bakit parang ayaw kong mag ka gusto si Demon sa babaeng 'yon!

Haist!

Ano na ba itong iniisip ko!

Kaya heto hindi ko na napigilan lumabas na ako ng kwarto.
Nang nando'n na ako sa sala bakit wala sila rito saan sila pumunta?

Kaya pinuntahan ko si Lola at Yaya Resie sa kusina upang magtanong kung nasaan sina Demon.

"Apo nasa Pool pero bawal ka roon pumunta."sabi ni Lola kaya nagtataka ako sa sinabi niya.

Bakit bawal?
At saka pumupunta naman ako roon.

"Amm anong ginagawa niyo?"tanong ko.

"Naghahanda ng meryenda para kay Ma'am Claire."sabi ni Lola.

"Kilala niyo ang babaeng 'yon Lola?"tanong ko.

"Oo Apo at saka close na close sila ni Demon."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Pwedeng ako nalang ang maghatid 'yan sa kanila?"tanong ko sabay turo sa tray na nasa mesa.

"Bawal ka nga pumunta roon Apo."sabi ni Lola.

"Dito ka lang huwag kang aalis dadalhin ko lang ito sa kanila."sabi ni Lola at tumango nalang ako bago siya umalis sa harap ko.

Nang makaalis na siya.

"Yaya pupunta muna ako sa taas."sabi ko.

"Opo Ma'am."sabi niya.

Nang makalabas na ako ng kitchen aakyat na sana ako sa taas nang bigla ko nalang nahagip ng aking mga mata ang daan papunta sa pool.

Bakit ayaw ni Lola pumunta ako roon?

Kaya heto naglakad na ako papunta roon.
Nang malapit na ako sa pool nakita ko palabas si Lola kaya nagtago ako sa gilid upang hindi niya ako makita.

DEMON POV

Andito kami ngayon ni Claire sa pool nag-uusap.

Nagtatanong ba kayo kung bakit dito kami mag-uusap?
Kasi gusto lang naming pag-usapan ang tungkol sa nakaraan.

"Hay naku Demon kilala kita ulo hanggang paa."nakangiti niyang sabi sabay inom ng alak.

"Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko kaya sana huwag mo akong lukuhin!"galit kong sabi at nakita kong napangiti siya ng sarkastiko.

"Hindi 'yon mangyayari Demon."sabi niya sabay tayo sa upuan at lumapit sa akin sabay upo sa heta ko.

"Wala pwedeng makakaalam tungkol sa ginawa natin sa Pamilya mo at kay Athena."nakangiti niyang sabi sabay kuya ng bonet ko sa aking mukha.

"Kaya sana ibigay mo rin ang kailangan ko."sabi niya sabay halik sa akin kaya ginantihan ko rin siya ng halik.

ATHENA POV

Nang makaalis na si Lola agad na akong pumunta sa pinto na glass at nakita ko ang Claire na 'yon nakaupo sa heta ni Demon.
At nakaraan ang ilang minuto bigla nalang niyang hinalikan si Demon sa labi kaya sobrang nagulat ako sa aking nakita.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now