CHAPTER 66

67 3 0
                                    

JOHN POV

Andito ako ngayon sa Companya sa office ni Demon.
Gusto ko siyang makausap.

"Anong ginagawa mo rito?!"galit niyang tanong habang nakatalikod sa akin.

"Totoo ba na kambal kita?!"galit kong tanong at nakita kong napayukom ang kanyang kamao.

"Ipakita mo nga ang mukha mo sa akin Demon ng malaman ko! Kasi pati ako naguguluhan!"galit kong sabi kaya napatingin siya sa akin pero nakabonet parin siya.

"Bakit ha! Binigay ko naman si Athena sa'yo pero bakit kailangan mo pa makita ang mukha ko!"galit niyang sabi kaya nilapitan ko siya.

"Bakit? Natatakot ka na sa oras makita ko ang mukha mo maalala ko ang lahat? Kung wala kana talagang gusto kay Athena tanggalin mo 'yan bonet mo!"galit kong sabi at nakita ko sa mga mata niya na napangiti siya ng sarkastiko.

"Umalis kana!"galit niyang sabi.

"Kaya siguro hindi ka nagustuhan ni Athena noon kasi ang sama ng ugali mo!"galit kong sabi at nagulat nalang ako nang bigla niya akong sinuntok kaya sinuntok ko rin siya.

"Bakit kailangan pa natin itong pag-awayan ito Demon! Hindi ba si Claire na ang mahal mo kaya ibigay mo na ang hinihingi ko kasi gusto ko maalala kung gaano ko talaga ka mahal si Athena!"sigaw ko.

"Huwag mong sabihin kung bakit hindi ako nagustuhan ni Athena dahil masama ang ugali ko! Dahil sa totoo lang ikaw naman itong sinasaktan siya noon! Kaya kung gusto mo talagang maalala ang lahat, sige! Tingnan mo ako!"sigaw niya sabay kuha ng bonet niya.

Nagulat ako.

Hindi ako makapaniwala.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

Naalala ko kung paano pinatay ni Demon ang mga magulang namin.

Lumabas ako sa office niya.

Napatulo ang mga luha ko sa mga alaala na nangyari noon.

ATHENA POV

Maraming araw ang nakalipas andito na ako ngayon nakatira sa Mansyon ni John.
Hindi ko alam kung bakit parang may kulang sa buhay ko.
Parang hinahanap ko parin ang pagmamahal ni Demon sa akin.
Ang masakit lang kasi ni hindi man lang niya ako hinanap.
Masaya na siya siguro kay Claire.

Kaya heto ako ngayon nakahiga sa kama nang hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si John.

"Athena."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na wala siyang damit.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hahalikan niya na sana ako sa labi nang bigla nalang ako umiwas.

Hindi ko kaya.

"Alam ko si Demon pa rin ang iniisip mo."sabi niya.

Bakit ako nahiya sa kanya?

Totoo ba ang sinabi niya na si Demon parin ang nasa isip ko?

Napatingin ako sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.

"John i'm sorry."sabi ko at niyakap niya nalang ako ng mahigpit.

"Sana kalimutan mo na siya Athena at saka alam naman natin na tayo ang para sa isa't-isa simula noon kaya kitang tanggapin kahit kasal kayo noon ni Demon dahil sa ginawa niya sa'yo."sabi niya.

FLASHBACK

"Lolo."umiiyak kong sabi sa harap ng lolo ko na sobrang galit na galit dahil nalaman niyang may nangyari sa amin ni Demon.

Sinungaling si Demon!
Sinabi niya sa Lolo ko na lasing kami at inakit ko siya.

Kaya galit na galit siya ngayon sa akin.

"Lolo ginahasa po ako ni Demon! Maniwala po kayo sa akin!"umiiyak kong sabi kaya napatingin ako kay Deiven na tahimik na nakatingin sa akin.

"Dapat magpakasal kayo sa mas lalong madaling panahon!"galit na sabi ni Lolo at umalis na sa harap namin kaya umiyak ako ng umiyak.

Nilapitan ko si Deiven at nakita ko na mayroong tumulo na luha sa kanyang mga mata.

"Maniwala ka sa akin."umiiyak kong sabi sabay luhod sa harap niya.

"Please tulungan mo ako Deiven ayokong magpakasal kay Demon! Sinaktan niya ako! Ginahasa ako ng kakambal mo!"umiiyak kong sabi kaya napatingin siya sa akin.

"Athena hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko kasi mayroon akong nakitang video na ginawa niyo iyon ni Demon."sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Hindi ko siya maintindihan.

"Hindi kita ginalaw kasi malaki ang respeto ko sayo! Pero bakit sa kakambal ko pa!"galit niyang sabi kaya sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"Hindi kita maintindihan! Totoo yung mga sinabi ko Deiven! Ginahasa ako ni Demon!"umiiyak kong sabi at kinuha niya yung phone niya at pinakita ang video sa akin.

Bakit ako itong babaeng kasama ni Demon?

Bakit wala akong alaala at saka hindi totoo ito!

"Deiven hindi totoo 'yan!"galit kong sabi habang umiiyak kaya napangiti nalang siya ng sarkastiko sabay tulo ng kanyang mga luha.

"Hindi totoo ito tapos yung totoo 'yang mga sinasabi mo? Sa tingin mo maniniwala ako sayo Athena?!"galit niyang sabi kaya bigla ko siyang niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

"Tama ang Lolo mo, siguro maghiwalay na tayo at magpakasal ka nalang kay Demon!"galit niyang sabi at umalis na siya kaya doon na ako humagulhol.

END OF FLASHBACK

"Patawarin mo ako sa mga sinabi ko sayo noon Athena, pero ngayon alam ko na ang totoo kaya babawiin na talaga kita sa kanya dahil unang-una sa lahat naging akin ka."sabi niya.

Bakit parang ayaw ko?

Namimiss ko na si Demon.

Athena please huwag mo nang saktan ang puso mo para sa Demon na'yon!

Si Claire na ang mahal niya hindi ikaw!

Andito na si Deiven kaya pilitin mo ang sarili mong mahalin siya ulit.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now