CHAPTER 34

90 4 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

May relasyon si Demon at ang Claire na 'yon?

Hindi ko alam ang gagawin ko matapos makita kong naghahalikan sila.

Napatingin si Claire sa akin at hindi man lang siya nagulat.
Si Demon naman kinuha niya ang Bonet sa table na hindi man lang tumitingin sa akin at sinuot niya ito bago siya tumayo sa upuan.

"Bakit ka nandito!?"galit na tanong ni Demon sabay lapit sa akin kaya napangiti nalang ako.

"Bakit naistorbo ko ba kayo?"tanong ko.

Para na akong iiyak sa harap niya pero hindi pwede!

Ayoko siyang iyakan!

"Nagseselos ka ba?"tanong ni Claire sabay lapit sa akin.

"Bakit naman ako magseselos? Sana sinabi niyo kanina sa akin na gagawin niyo 'yan upang ipahiram ko naman sa'yo ang kwarto namin ng ASAWA KO!"galit kong sabi at tumawa nalang siya.

Buw*sit!

"So nagseselos ka nga!"sabi niya.

"Claire umalis ka muna."sabi ni Demon sabay tingin sa kanya.

"Huwag mo siyang paalisin! Ako nalang ang aalis rito baka kasi na bitin ka."sabi ko at tinalikuran ko na sila

Habang naglalakad ako bigla nalang tumulo ang aking mga luha.

Bakit ko ito nararamdaman!

Bakit parang tinutusok ang puso ko nang makita ko silang naghahalikan!

Akala ko ako ang mahal niya!

Hindi ko na pala namalayan na nakasalubong ko na si Lola.

"Apo saan ka ba pumunta? Teka? Anong nangyari sa'yo?"nag-alala niyang tanong pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko.

Andito ako ngayon sa kwarto umiiyak.

Buw*sit ka talaga Demon sinasaktan mo ako lagi!

"Athena."sabi niya sa tabi ng pinto pero hindi ko siya pinansin.

"Mag-usap tayo."sabi niya sabay lapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano pa ang pag-uusapan natin? Okay lang sa akin na makipaghalikan ka sa babae mo! Kaya umalis kana sa harap ko!"galit kong sabi.

"Bakit ka pumunta sa pool?"tanong niya.

"Bakit bawal ba? Kung hindi ako pumunta roon hindi ko kayo nakita na naghahalikan!"galit kong sabi.

"Akala ko asawa mo ako! Sabihin mo naman kung ayaw mo na sa akin aalis na ako rito!"galit kong sabi at bigla niya nalang hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit.

"Ano ba Demon nasasaktan ako!"galit kong sabi.

"Aalis ka tapos sumama sa John na 'yon?!"galit niyang sabi kaya napangiti nalang ako.

"Iba ka talaga no! Ikaw pwedeng lumapit sa Claire na 'yon pero ako bawal lumapit kay Sir John? Hayaan mo akong lapitan siya dahil ginagawa mo rin naman iyon sa ibang babae!"galit kong sabi.

"At saka mabuti pa nga ang Claire na 'yon nakikita ang mukha mo samantalang ako hindi!"galit kong sabi kaya binitawan niya na ako.

"Nagseselos ka ba?"tanong niya kaya bigla nalang akong tumahimik.

"Sumama kana doon sa babae mo!"galit kong sabi at humiga na ako sa kama ng hindi siya pinapansin.

Ang sakit ng braso ko sa pagkakahawak niya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now