CHAPTER 52

74 3 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas heto parin ako sa Mansyon hindi pinapansin ni Demon.
Tuwing pumasok siya sa companya hindi na siya nagpapaalam sa akin.

Hindi ko nga alam baka nagkikita pa sila ng Claire na 'yon.

Kaya heto ako ngayon sa Mansyon nakatunganga.
Hayss ang boring nga parang gusto ko nang lumabas pero hindi ako papayagan ni Lola.
Grabe ang higpit talaga ni Demon pagdating sa akin.

"Malapit na kayong lumabas excited na ako."nakangiti kong sabi habang hinihimas-himas ang aking tiyan.

"Sana healthy kayo tulad ng Papa niyo at ana huwag kayong magmana sa akin ha, na mahina."sabi ko sabay ngiti ng mapait.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako.

Bakit nagkaroon ako ng ganitong sakit.

Hindi ko pala namalayan na nasa tabi ko na si Claire.

Teka?

Anong ginagawa niya rito?

"Athena please layuan mo na si Demon! Ibigay mo na siya sa akin!"parang baliw niyang sabi pero hindi ko siya pinansin.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso.

Akala ko hindi na siya pwede pumunta rito bakit nandito ang babaeng ito?

Baka kasama niya si Demon.

"Bitawan mo nga ako!"galit kong sabi habang pinipilit na kunin ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Ibigay mo si Demon sa akin! Kasi hindi siya nararapat sa iyo!"galit niyang sabi.

Nababaliw na ba siya?

"Si Demon ang kausapin mo hindi ako!"galit kong sabi kaya binitawan niya na ako.

"Akin lang siya! Kaya kung hindi mo siya ibibigay sa akin mas mabuti pang patayin nalang kita!"sigaw niya sabay kuha ng kutsilyo sa kanyang bag.

Napalaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Parang natulala ako na natatakot.

Saksakin niya na sana ako nang bigla nalang may humawak sa kamay niya na sobrang higpit at parang nadudurog ang buto niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya Demon sa kanya.

"Nasasaktan ako Demon."umiiyak niyang sabi at kinuha ni Demon ang kutsilyo at tinapon sa gilid.

"Bakit ka pumunta rito?!"gakit na tanong ni Demon sabay tulak sa kanya kaya napasubsob siya sa sahig.

Tutulungan ko na sana si Claire nang pigilan ako ni Demon.

Naaawa ako sa kanya.

Bakit ganyan nalang si Demon sa aming mga babae.

Bakit niya kami sinasaktan physically.

"UMALIS KANA KUNG AYAW MONG ISAKS*K KO SAYO ANG KUTSILYO NA DALA MO!"sigaw ni Demon kaya napatingin si Claire sa kanya na umiiyak.

"NAGING GANITO AKO DEMON NANG DAHIL SA'YO! KAYA HINDI AKO PAPAYAG NA MAGING MASAYA KAYO!"sigaw ni Claire bago umalis sa harap namin.

Nang makaalis na siya agad kong tinignan si Demon.

"Bakit mo 'yon ginawa!"galit kong sabi kaya napatingin na rin siya sa akin.

"KUNG HINDI KO 'YON GINAWA NA SAKSAK KANA SANA!"galit niyang sabi.

Kaya tinalikuran ko na siya at  bigla nalang siyang nagsalita.

"I'm sorry kung ganito ako sa iyo pero sana intindihin mo naman ako."sabi niya habang ako naman ay nakikinig sa kanya.

Hayss bahala siya naiinis ako sa kanya.

Hindi ko na pala namalayan na niyakap niya ako mula sa likuran.

"Ano ba!"galit kong sabi habang pinipilit na kunin ang kamay niya na nakayakap sa akin.

"Mahal na mahal kita Athena Robert Martinez."bulong niya sa tenga ko.

Sh*t!

Bakit ako kinikilig.

Naku Demon Martinez tumahimik ka nga!

"Please patawarin mo na ako hindi ko kaya na ganito tayo."malungkot niyang sabi kaya huminga nalang ako nang malalim.

"Mamatay ako Athena kapag wala ka sa buhay ko, hindi ko kaya na hindi mo ako pinapansin."sabi niya.

Haist siya nga itong hindi namamansin eh.

Pina-ikot niya ako upang makaharap sa kanya at hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad.

"Ayokong sinasaktan ka ng iba at ayokong nakikita kitang nasasaktan dahil sa akin, please patawarin mo na ako."sabi niya kaya tumango nalang ako sabay ngiti kaya bigla niya ulit akong niyakap ng mahigpit.

Tama 'yan Athena.

Dapat gumawa kana ng paraan para makita mo na ang mukha ni Demon Martinez upang masagot na ang mga katanungan mo.

Patawarin mo ako Demon pero ginagawa ko naman ito para sa relasyon natin.

Kasi kahit anong mangyari sa nakaraan na iyon ikaw parin ang mamahalin ko at ang mga anak natin.

Hindi mo man sinasabi sa akin ang tungkol doon pero alam ko na may secreto kang tinatago na ayaw mong malaman ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora