CHAPTER 21

127 6 0
                                    

Andito ako ngayon sa loob cr umiiyak.
Hindi ko talaga nahanap yung files na ginawa ko at saka imposible naman hindi na save iyon.

Nakaraan ang ilang minuto pumasok sina Kathleen at Sheena sa loob.

"Naku Athena bukas na pala yung report mo kay Boss handa kana ba?"tanong ni Kathleen kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam kong may ginawa ka kaya lumayo kana sa akin ayokong ng away!"sabi ko pero tumawa lang silang dalawa ni Sheena.
Aalis na dapat ako nang biglang hinawakan ni Kathleen ang balikat ko ng sobrang higpit.
Bakit ba paborito nilang hawakan ang balikat ko!

May pasa pa naman ako tapos dagdagan niya lang!

"Bitawan mo ako!"sabi ko habang pinipilit siyang itulak.
At mabuti naman nabitawan niya ako at agad akong lumabas ng cr pero sumusunod parin silang dalawa sa akin.

"Hoy kinakausap ka pa namin!"galit na sabi ni Sheena sabay tulak sa akin mula sa likuran kaya napasubsob ako sa sahig.

Buw*sit ang sakit ng puson ko.

"Hindi mo kami kaya! Kaya bagay lang na denelete ko ang files na 'yon!"sabi ni Kathleen at umalis na silang dalawa habang ako naman ay nakaupo sa sahig.

Hindi ko na pala namalayan na tumutulo na ang aking mga luha.

Naalala ko bigla sina Kent at Sandro sila lang kasi ang tumutulong sa akin tuwing may mga problema ako rito.
Pero wala na sila!

Wala na siguro akong magagawa kundi hayaan nalang ang mga tao ritong nagbibigay problema sa akin.

Hindi ko na pala namalayan na may kamay na nag-offer sa akin upang tumayo ako at napatingin ako kung sino si Sir John pala.

Kaya tinanggap ko ang kamay niya at heto na ako ngayon kaharap ang isang mabuting tao.

"Sinong may gawa sayo 'yan?"tanong niya sabay tingin sa braso ko na merong pasa at may marka pa na kuko.

Kaya agad ko iyon tinago.

"Wala po Sir."sabi ko.

"Malaki yung eyebags mo anong oras ka nakatulog?" Tanong niya.

"Wala po ito sir at saka may ginawa lang po kasi ako kagabi ."sabi ko at tumango naman siya.

"Balita ko ikaw daw ang magrereport sa amin bukas about sa project niyo."sabi niya at yumuko nalang ako bigla.

Nahihiya ako.

Hindi ko pa napag-aralan ang mga sasabihin ko at wala naman akong alam sa ginawa nilang report ni Jessa.
Ano na ang gagawin ko?

"Tulungan kita."nakangiti niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
Ang bait-bait niya talaga sobra.

"Hindi na po Sir kaya ko na po."sabi ko.
Gusto ko ng tulong ni Sir John  pero ayokong magalit si Demon sa akin at baka ano pa ang magawa niya sa akin.

"Sige na gusto talaga kitang tulungan."sabi niya at nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.

"Hindi niya kailangan ng tulong mo upang ma approve yung project nila! Hindi ba Ms. Robert?"tanong ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

Nakakatakot na naman siya

"Pero Mr. Martinez hindi naman pwedeng si Athena nalang ang gagawa ng lahat ng documents para rito sa companya at saka hindi ba marami namang empleyado? Pwede mo namang hatiin sa kanila yung iba pang-aasikasuhin para rito."sabi ni Sir John.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now