CHAPTER 93

73 3 0
                                    

ATHENA POV

Andito ako ngayon buhat buhat ni Demon.

"Lalayo tayo rito."sabi niya kaya napatulo ang mga luha ko.

Mabuti nalang dumating siya kung hindi pinatay na ako ni Deiven.

"Demon hindi ko na kaya."sabi ko kaya tumigil siya sa malaking punto at sinandal ako roon upang makaupo.

"Please kumapit ka, dadalhin kita sa Hospital."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Kailangan kong mabuhay para sa mga anak ko.

"ATHENA! DEMON!"rinig naming sigaw ni Deiven kaya binuhat ako ulit ni Demon habang dala-dala niya ang baril niya.

DEIVEN POV

Buw*sit!

Makikita ko lang kayo papatayin ko na kayong lahat!

Pati na ikaw Athena!

Babalatan kita ng buhay kasama ang mga anak mo!

Kung hindi man lang kita makakasama mas mabuti pang sabay-sabay na tayong mamatay!

At bigla nalang nagring yung phone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Claire.

"Bakit?"tanong ko.

"Deiven andito na ako ngayon sa isla."sabi niya.

"Tulungan mo akong maghanap kina Athena at Demon!"galit kong sabi.

"Bakit ba?! At saka paano nalaman ni Demon na dito ka pumunta?!"galit niyang tanong.

"Ang buw*sit ko na driver nagsumbong!"galit kong sabi.

"Nasa kamay mo na si Athena pinakawalan mo pa! Haist!"sabi niya kaya pinatay ko na ang tawag.
Nakakainis kausap ang babaeng 'yon!

"Kaya Athena magtago kayo ng mabuti ni Demon!
Kasi malapit na ang pagwawakas niyo!"galit kong sabi sabay ngiti na parang demonyo habang nakatitig sa baril na hawak ko.

ATHENA POV

Andito na kami ngayon ni Demon sa isang helicopter na dinala ni Deiven kanina.

"Bilisan natin."sabi niya.

Nagulat nalang ako nang bigla nalang kaming may narinig na putok ng baril kaya sabay kaming napatingin ni Demon kay John nakangiti na parang dem*nyo.

"TATAKAS KAYO?!"galit niyang sigaw at tinutukan niya si Demon ng baril.

"DEIVEN ANO BA! TAMA NA 'TO!"umiiyak kong sigaw sabay tulo ng aking mga luha habang nakatingin sa kanya.

Ayoko silang nakikita ni Demon na nag-aaway.
Hindi sila ganito noon no'ng una ko silang nakilala.

"PLEASE DEIVEN! MAAWA KANA MAN SA AKIN AT SA MGA ANAK KO!"umiiyak kong sabi habang siya naman nakikinig sa akin.

"SABI MO SA KANILA MAHAL NA MAHAL MO SILA! HINDI NILA INAKALA DEIVEN NA SASAKTAN MO SILA NG GANO'N! KASI SA TOTOO LANG NO'NG KINUHA SILA NI DEMON UPANG ILAYO SA IYO IKAW ANG LAGI NILANG HINAHANAP!"sigaw ko habang umiiyak at nakita kong parang iiyak siya pero iniwas niya ang tingin sa akin.

"PINIPILIT KONG INIINTINDI SA KANILA NA SI DEMON ANG  TOTOONG DADDY NILA PERO WALA AKONG MAGAWA KASI IKAW PARIN ANG MAHAL NILA!"sabi ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"BAKIT ATHENA! TAHIMIK NA SANA TAYO NGAYON PERO BAKIT GUSTO MO PANG BUMALIK KAY DEMON!"sigaw niya sabay turo kay Demon.

"BAKIT HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN? HINDI BA SABI MO NOON SA AKIN AKO LANG ANG PAPAKASALAN MO HINDI SI DEMON! PERO BAKIT UMABOT SA PUNTO NA  MINAHAL MO SIYA KISA SA AKIN!"sigaw niya sabay tulo ng kanyang mga luha.

"Kaya dapat mamatay na kayong dalawa!"galit niyang sabi sabay tutok kay Demon ng baril.

"Kaya mong patayin ang kakambal mo?"mahina kong tanong kaya humahalakhak siya sa tuwa.

Anong nakakatuwa?

"Hindi ko pa pala na sabi sa inyo ni Demon na ako ang totoong pumatay sa Lolo mo Athena at sa mga magulang natin Demon!"galit niyang sabi sabay ngiti ng sarkastiko na kinagulat ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now