CHAPTER 7

135 7 0
                                    

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na ang lalaking ito.

"Anong gagawin mo sa anak namin!"galit na sabi ni Papa.

"Palayain mo kami! Wala kaming kasalanan sa iyo!"galit na sabi ni Mama kaya napatingin ang lalaking nakabonet sa kanila.

Lalapitan niya na sana sina Mama at Papa nang bigla kong hinawakan ang kamay niya habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Huwag mo silang saktan."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Kung gano'n pumapayag kana ba sa gusto ko?"tanong ko habang nakatingin sa akin.

Napatingin ako kina Mama at Papa naaawa ako sa kanila.
Ako lang naman ang kailangan ng lalaking ito at ayokong umabot sa punto na pagsisihan kong hindi ko siya susundin sa gusto niya.

Kaya pinilit ko nalang ang sarili kong tumango.

"Basta palayain mo lang sila."sabi ko.
Kaya nilapitan niya sina Mama at tinanggal ang tali sa mga paa at kamay nito.

"Kapag nagsumbong kayo sa mga Pulis alam niyo ang gagawin ko sa anak niyo! Na intindihan niyo!"galit na sabi ng lalaki kaya napatingin si Mama sa akin habang umiiyak.

"Umalis na kayo Ma!"sabi ko yayakapin ko na sana ang mga magulang ko pero bigla akong pinigilan ng lalaking ito.
May kinuha ang lalaki sa kanyang bulsa at gamot ito na kulay puti.

Ano 'yan?

"Lunukin niyo ngayon din!"galit na sabi ng lalaki.

"Ano 'yan?"tanong ni Papa.

"Kapag sinabi ko na lunukin niyo susundin niyo!"galit na sabi ng lalaki kaya dali-dali iyon kinuha ni Mama at Papa at nilunok.

"Go!"galit na sabi ng lalaki.

Ayaw sana ni Mama umalis at ni Papa pero pinipilit ko silang sinabihan.

Hindi namin kilala ang lalaking ito kaya hindi ko rin malalaman kung ano ang pwede niyang gawin sa mga magulang ko kapag nagbago ang isip niya.

"Simula ngayon Asawa na kita! At dito kana titira!"sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

Napatulo nalang ang mga luha ko sa nangyari.

Sino ba ang lalaking 'to!
Marami namang babae ang pwede niyang kunin bakit ako pa!

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang umiiyak.

"Huwag ka nang umiyak."sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
Adik ba siya?

"Ano na ngayon ang trabaho ko! Ang pamilya ko! Pwede mo namang ipakita ang mukha mo! Sabihin mo nga sa akin kung meron man akong kasalanan sa'yo!"galit kong sabi sabay tingin sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha.
Pero hindi niya ako pinansin.

"Kilala ba kita? Wala naman akong boyfriend noon sino ka ba!"galit kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang aking braso.
At ngayon galit na naman siya.

Hindi ko siya maintindihan.

"Tumahimik kana!"galit niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko.
Sigurado akong magkakapasa ako mamaya ang sakit-sakit kasi ng pagkakahawak niya sa akin.

"May surprisa pala ako sa'yo."sabi niya sabay labas ng kwarto at after 5 minutes pumasok siya kasama si Sandro?

Teka?

"Ten!"sabi ni Sandro habang puno-puno mg dugo ang mukha niya.

Lalapitan ko na sana siya nang biglang nagsalita ang lalaking nakabonet.

"Sige lumapit ka!"sabi ng lalaki kaya natulala nalang ako habang nakatingin sa kanila.

"Huwag mong saktan ang kaibigan ko!"galit kong sabi.

"Alam mo naman ang hindi ko gusto hindi ba!"galit niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Ten tulungan mo ako."natatakot na sabi ni Sandro habang tinutukan siya ng baril sa ulo.

"Palayin mo ang kaibigan ko!"sabi ko at nagulat ako sa sunod na nangyari dahil bigla niyang binaril sa ulo si Sandro sa mismong harapan ko pa.
Hindi ako makapagsalita sa nangyari.
Sunod-sunod nalang ng pagtulo ang aking mga luha habang nakatingin sa bangkay ni Sandro.

"KAPAG SINABI KONG AKIN KA! AKIN KA LANG! WALA IBANG MAKAKALAPIT SAYO KUNG HINDI AKO LANG!"galit niyang sabi bago nilisan ang kwarto.
Napaupo ako sa sobrang takot na naramdaman ko ngayon.

Bakit ang mga taong nasa paligid ko sinasaktan niya!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now