CHAPTER 54

72 3 0
                                    

ATHENA POV

Maraming araw ang nakalipas hero ako ngayon malapit ng manganak.

Gusto ko sanang sumama kay Demon sa companya pero ayaw niya kasi baka atakihin ako roon mahirap na.

Kaya heto ako ngayon kausap si John sa phone gusto niya kasing magkita kami pero ayaw ko baka magalit si Demon pagnalaman niya at sigurado talaga akong magagalit talaga 'yon.

Pero ito naman John pinipilit ako hayss ano kaya ang sasabihin niya sa akin.

"Athena please makinig ka importante ito."sabi niya.

"I'm sorry John pero magagalit si Demon."sabi ko.

"Ano ba ang importante Athena? Ang magalit si Demon o malaman mo ang katutuhanan tungkol sa mga plano niya?"tanong niya kaya tumahimik nalang ako.

Ano ba ang mas importante Athena?

Mag-isip ka naman!

Pero natatakot ako na baka ito na naman ang dahilan ng pag-aaway namin ni Demon.

"Please Athena sandali lang ito."sabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"Oh sige saan ka ba ngayon?"tanong ko.

"Andito sa Niña Restuarant."sabi niya.

"Sige pupunta ako r'yan."sabi ko at binaba na ang tawag.

Kaya nag-ayos na ako upang puntahan si John at mabuti nalang may pinuntahan si Demon kaya heto ako ngayon nagmamadali.
Baka maabutan pa ako lagot na talaga.

Ayaw sana ako palabasin ni Lola at ni Manong Guard kaya sinabi ko na pinapunta ako ni Demon sa Companya kaya heto basta marinig lang nila ang pangalan ni Demon papayag sila agad.

Maraming minuto ang nakalipas andito na ako ngayon sa Niña Restaurant at agad kong nakita si John sa gilid umuupo hinihintay ako kaya agad ko siyang nilapitan.

"John."sabi ko sabay upo sa upuan kaya napatingin siya sa akin.

"Mabuti nandito kana."sabi niya.

"Ano ang importanteng sasabihin mo sa akin?"tanong ko.

"Athena nanganganib ang buhay mo kasi alam ko na anak lang ang habol ni Demon sa'yo."sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Nagpapatawa ka ba John? Kasi ang sinabi ni Demon sa akin gagawin niya ang lahat maligtas lang kami."sabi ko.

"D'yan ka nagkakamali Athena, ito panuorin mo."sabi niya sabay pakita ng video sa akin.

"CLAIRE PWEDE BA LUMAYO KA MUNA SA AKIN!"galit na sabi ni Demon habang pinipilit na kunin ang kamay ni Claire sa bewang niya.

Teka?

Sa office ito ni Demon.

Akala ko hindi na sila nagkikita ng babaeng 'yon at akala ko hindi na lumalapit si Demon sa kanya.

"Pwede naman tayong magkita kahit sandali lang Demon, please pansinin mo naman ako."umiiyak na sabi ni Claire kaya napatingin si Demon sa kanya.

"Buntis si Athena at kailangan ako ng mga anak ko ayokong mawala sila sa akin."sabi ni Demon habang si Claire naman umiiyak.

"Gagawin ko ang lahat mapapasakin kalang Demon, kaya ko naman alagaan ang mga anak mo at saka hindi ba sabi mo sa akin mamatay din naman si Athena kapag manganak siya, please ako nalang ang pili-in mo."umiiyak niyang sabi.

At parang may tumusok na maraming karayom sa aking puso.

Sinabi iyon ni Demon?

Kunsabagay narinig ko naman 'yon mula sa kanya.

"Minahal kita Claire alam kong ikaw lang ang nagmamahal sa akin simula noon pa man kaya ko nga ito ginagawa para sa'yo, alam mo naman kung ano ang habol ko kay Athena hindi ba?"tanong ni Demon at doon na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Mas nadagdagan pa ito nang bigla nalang kinuha ni Claire ang kanyang bonet pero hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya.

Napatulo ang mga luha ko ulit nang bigla nalang siyang hinalikan ni Claire sa labi at alam ko na tumugon si Demon sa halik niya.

Hindi ko na kaya ang nakita ko kaya binalik ko nalang kay John ang phone niya habang umiiyak.

"I'm sorry Athena kung kailangan ko itong ipakita sa iyo, nagulat nga ako kung sino ang nagsend sa akin 'to."sabi niya.

"Okay lang."sabi ko.

"Mauna na ako."sabi ko sabay tayo sa upuan habang umiiyak.
Mabuti nalang wala pang tao rito kaya walang may makakita na umiiyak ako.

"Athena please layuan mo na si Demon para naman sa'yo 'to, kaya kitang ipagamot."sabi ni John habang ako naman ay nakatalikod sa kanya.

Napatulo ulit ang mga luha ko.

Ang sakit sakit marinig na galing iyon sa lalaking mahal na mahal mo.

"Kung ang gusto niyang mamatay ako, okay ibibigay ko sa kanya kasi ako minahal ko siya John, kaya nga buong akala ko mahal niya rin ako."umiiyak kong sabi sabay tingin sa tiyan ko na malaki na.

"Kung mamatay man ako sana John huwag mong pababayaan ang mga anak ko."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha at umalis na roon.

Napaupo ako sa isang bench habang umiiyak.

"Demon bakit mo ito ginagawa sa akin! Sana sinabi mo naman sa akin na hindi mo ako mahal, yung pagligtas mo sa akin laban kay Claire akala ko totoo iyon ano ba ang kasalanan ko sa'yo! Wala naman akong ginawa sa'yo!"umiiyak kong sabi.

"Ang t*nga-t*nga ko!"umiiyak kong sabi.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now