CHAPTER 39

90 7 1
                                    

ATHENA POV

Andito na kami ngayon sa Mansyon at agad niya akong dinala sa kwarto.

"Hinding-hindi kana makakalabas dito!"galit niyang sabi sabay tulak sa akin sa kama.

"Hindi mo ako pagmamay-ari Demon! Inagaw mo lang pala ako kay John!"galit kong sabi kaya bigla niya akong nilapitan at sinakal ng sobrang higpit.

"Pero ako parin ang pinakasalan mo! Kaya akin kalang!"sigaw niya kaya napatulo ang aking mga luha kaya agad niya rin akong binatawan.

"Pinakasalan? Sigurado ka, na gusto kong pakasalan ka!"sigaw ko.

"Magkakaanak na tayo kaya dapat sa akin ka lang!"galit niyang sabi sabay labas ng kwarto at agad niya 'yon nilock.

"Demon please palabasin mo ako rito!"sigaw ko habang umiiyak.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko siya maintindihan.

Bakit siya ganito sa akin!

Pwede niya naman sabihin kung ano ang dahilan upang malaman ko kung bakit niya ako ginaganito.

Napatingin ako sa kama at wala na ang album doon.

Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin at sa anak ko.

Napatulo nalang ang mga luha ko sabay upo sa sahig.

Pagod na pagod na ako!

DEMON POV

"Alam niya na kapatid ko si John!"galit kong sabi kay Claire sabay inom ng alak andito kasi siya ngayon sa Mansyon.

"Ano na ang gagawin mo kay Athena?"tanong niya.

"Hintayin ko nalang manganak siya bago ko sila patayin ni John!"galit kong sabi at napangiti si Claire ng sarkastiko.

Pagod na akong pilitin ang babaeng mahal ko na sumama sa akin.
Kaya patayin ko nalang siya kung hindi ko makukuha ang pagmamahal na dapat sa akin!

"Sigurado ka bang mapapatay mo siya?"tanong niya sabay lapit sa akin.

"Napatay ko nga ang mga magulang ko siya pa kaya?"sarkastiko kong tanong kaya napangiti nalang siya.

"Sige, kung gano'n hintayin ko nalang na manganak si Athena   at huwag kang mag-alala Demon kasi andito naman ako para alagaan ang anak mo."sabi niya.

ATHENA POV

Gabi na at andito parin ako sa kwarto.

Habang nakaupo ako sa sahig sa gilid bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Claire.

Teka?

Bakit siya nandito?

"Hi Athena."sarkastiko niyang tanong sabay lapit sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Kawawa ka naman dito."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at tumayo na ako upang harapin ang babaeng 'to.

"Kung wala kana mang magandang sasabihin sa akin pwede ka nang umalis sa BAHAY KO!"galit kong sabi kaya napangiti siya bigla.

Nababaliw na talaga siya.

"Anong ningingiti mo!?"galit kong tanong.

"Ngayon! Bahay mo ito dahil asawa ka ni Demon pero hintayin mo nalang manganak ka dahil mapapasakin lahat ng ito!"galit na sabi ni Claire sabay tingin sa paligid.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now