CHAPTER 23

128 5 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama.
Iniisip ang nangyari kanina.

Bakit ganito nalang lagi si Demon?

At saka hindi naman ako lumalapit sa ibang lalaki sila naman yung pinipilit na lapitan ako.

Hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa totoong Mansyon ko kaharap ang isang katulong na matagal na ditong nagtatrabaho.
Si lola Lorna.

Siya lang at ang mga magulang ko ang nakakita sa totoo kong mukha.

Dahil siya ang nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako.

"Kailan mo siya rito dadalhin?"tanong ni Lola.

"Hindi ko pa alam."sabi ko.

"Magpakita kana sa kanya asawa mo naman siya hindi ba, alam kong matatanggap niya ang nangyari noon."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Kapag makita niya ang mukha ko maalala niya ang lahat at ayokong mangyari iyon!"galit kong sabi.

ATHENA POV

Nagising ako sa oras na 2:07pm ng hapon.

Masama ang pakiramdam ko at parang babagsak na ang buong katawan ko.

Buw*sit parang lalagnatin ako nito.

Bigla nalang kasing tumutulo ang luha sa mga mata ko na hindi ako umiiyak.
Ganito siguro kapag lalagnatin.

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinti kaya napatingin ako kung sino ang pumasok, walang iba kundi si Demon.

"Magbihis kana may pupuntahan tayo!"sabi niya.

"Ayoko."sabi ko.

"Kapag sinabi kong magbihis ka! GAWIN MO!"sigaw niya kaya pinipilit ko nalang ang sarili kong tumayo kahit babagsak na ang katawan ko.

Habang nakatingin ako sa salamin bigla nalang umikot ang paningin ko at doon na ako nawalan ng malay.

JHON POV

Andito ako ngayon sa Mansyon ni Demon kaya agad na akong nagdoorbell at mabuti nalang pinasok ako sa loob ni Guard.

Nang nando'n na ako sa loob agad ako nakita ni Lola Lorna.

"Apo andito ka pala."nakangiting sabi ni Lola.
Nagtataka ba kayo kung bakit close kami ni Lola?
Hindi ko alam nakalimutan ko na at saka parang magaan ang loob ko sa bahay na 'to at kami ni Demon?
Okay naman kami pero pagdating kay Athena parang ang init ng ulo niya sa akin.

Sa totoo lang ako lang yung Business partner niya na hindi siya nagpapakita sa akin.

Hindi ko nga alam kung bakit.

Hindi ko nga alam kung ano yung nakaraan ko.

Akala lang ng mga empleyado na kilala ko si Demon pero siguro noon kilala ko pero ngayon i don't know kung ano talaga siya.

Nagkapagtataka lang kung bakit magaan ang loob ko kay Athena.
Iba kasi siya sa ibang empleyado.
Mabait, masipag at maganda.

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko si Lola.

"Lola nasaan si Demon?"tanong ko.

"May pinuntahan lang Apo, nga pala gusto mo bang magmeryenda?"tanong niya.

"Oh sige po."nakangiti kong sabi.

ATHENA POV

Nagising ako sa isang malambot na kama.

Teka?

Anong nangyari sa akin?

Tatayo na sana ako nang biglang may nagsalita sa tabi ng pinto.
Si Demon.

"Humiga kalang!"galit niyang sabi kaya ayon sinunod ko nalang ang sinabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi na masama ang pakiramdam mo!"galit niyang sabi sabay lapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano ko sasabihin, nauna pa nga yung galit mo sa sasabihin ko." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Huwag ka munang pumasok sa companya bukas maintindihan naman SIGURO ng BOSS mo."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Alam niya na talaga na alam ko  siya at yung Boss ko ay iisa.

"Siguro maintindihan niya kung alam niyang masama ang pakiramdam ko pero kung hindi sigurado akong lilindol talaga ang building sa galit niya at pagpahiya sa akin."sabi ko at nakita ko sa mga mata niya na nag-iba ang expression niya.

"Minsan nga gustong-gusto ko ng magresign doon, hindi ko nga alam kung bakit AKO lagi ang pinapagalitan habang yung mga iba kong kasama okay lang at kahit masama nag pakiramdam ko papasok ako bukas baka ako na naman ang gagawa ng lahat ng mga documents doon!"sabi ko.

"Oh sige pumasok ka kung gusto mo at kapag malaman ko na nahimatay ka roon! Dagdagan ko talaga 'yang pakiramdam mo!"galit niyang sabi at lumabas na siya ng kwarto kaya napatulo ang aking mga luha.

Ang sama niya talaga kahit kailan.

Hindi talaga siya magbabago.

Kaya andito ako maagang gumising upang pumasok sa trabaho.

Nang nando'n na ako sa office namin napatingin ako sa table ni Sheena at Kathleen.

Teka?

Bakit iba na yung umuupo roon at saka ngayon ko lang sila nakita.

Ibig sabihin yung taong nanakit at lumalapit sa akin ay nawawala.

At bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Sir John.

"Hi Sir."nakangiting pagbati ni Trisha.

"Hello."sabi ni Sir John.

"Ang gwapo niya talaga."kinikilig na sabi ni Jessa.

Pero nakapagtataka dahil kapag si Sir John ang lumalapit sa akin hindi siya namamatay.

Anong kinalaman niya?

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now