CHAPTER 70

72 4 0
                                    

Hayss andito ako ngayon naglalakad.
Naku naman Demon binigyan mo talaga ako sakit sa ulo.
Dinala nga niya ako sa Hospital pero lalakarin ko rin naman pauwi.

Nakakainis.

Nagulat nalang ako nang biglang may huminto na kotse sa harap ko.
Syempre walang iba kundi si Demon.

Wow may awa pa pala siya sa akin?

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya nang bigla siyang nagsalita.

"Naiwan mo rito sa kotse!"cold niyang sabi sabay bigay ng tsenilas ko.

Kaya napalaki ang mga mata ko sa gulat.

"Akala ko-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Ito pamasahe."sabi niya sabay bigay ng isang libo sa akin at pinahurot niya na ang kanyang kotse.

Buw*sit talaga ang lalaking iyon as in!

Na high blood ako sa kanya!

DEMON POV

Napangiti ako sa reaction ni Athena haha ang cute niya.

Pero hindi ko naman siya iiwan talaga susundan ko lang siya para siguradong ligtas siya.

Gusto ko lang siyang asarin haha.

Maldita kasi kaya ayon.

FLASHBACK

Andito kami ngayon ni Athena nagpapaturo siya sa akin sa Science.
Hindi kasi 'yan marunong alam niyo ang favorite subject niya Math At English same sila ni Deiven.

Kaya ayon kapag hindi nila alam ang sagot sa Science sakin nagpapaturo minsan nga hindi na nagpapaturo kasi ako na nagsasagot ng mga assignments nila.

Hayss tamad talaga.

"Hate ko talaga ang Science!"galit niyang sabi kaya napangiti nalang ako.

"Alam ko hindi mo nga alam kung gaano katagal ma-digest ang pagkain d'yan sa tiyan mo haha."sabi ko habang tumatawa.

"Gano'n? Wala akong paki!"napipikon niyang sabi.

"Kasi ang alam mo lang ang umutot haha."sabi ko kaya bigla niya akong binatukan.

"Masakit."sabi ko kaya tumawa siya.

"Idol mo ba si Albert Einstine para kasi gusto mo siyang gayahin eh haha papangit ka n'yan at saka hahaba ang buhok mo hindi kana na liligo haha."sabi niya habang tumatawa.

Wow alam niya kung sino ang pinakamagaling na Scientist?

May utak din pala itong si Athena haha.

"Wala akong paki."sabi ko habang siya naman ay tumatawa.

"Demon Martinez isang pinakamagaling na Scientist na gumagawa ng ibat-ibang uri ng gamot."sabi niya sabay tingin sa akin.
Okay na sana 'yan kaso bigla na lang siyang nagsalita na kinagalit ko.

"Demon Martinez isang mabait  at matulungin na Pari kaso Dem*nyo ang pangalan haha."

Kaya bigla kong tinakpan ang bunganga niya na tawa ng tawa.

Naku Athena Robert.

"Ano..ba!"sigaw niya habang tumatawa kaya bigla nalang kami nahulog sa sofa at na aksidenteng na halikan ko siya sa labi.

Napalaki ang mga mata niya sa gulat kaya tumayo na ako at lumayo sa kanya ng kaunti.

Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

END OF FLASHBACK

Kahit sinong lalaki hindi talaga magkagusto kay Athena.

Bigla nalang nawala ang ngiti ko nang maalala na galit siya sa akin at sinusuklaman ako.

ATHENA POV

"Salamat po Manong."sabi ko kaya bumaba na ako sa taxi at pumasok sa loob ng mansyon ni John.

3:40Am na nang umaga.
Naku Athena kapag merong may nakakita sayo rito lagot kana talaga.

Kaya heto nakarating na ako sa kwarto na walang may nakakita sa akin at pagbukas ko ng ilaw agad kong nakita si John masama ang tingin sa akin.

"Saan ka pumunta?"tanong niya.

"Ako?"kinakabahan kong tanong kaya napangiti siya at lumapit sa akin.

"Oo alangan naman si Yaya Esterlita tatanungin ko ikaw naman ang kaharap ko."sabi niya.

"Baliw."sabi ko.

"Nag-alala ako sayo akala ko hindi kana uuwi rito."sabi niya sabay hawak sa mukha ko gamit ang dalawa niyang palad.

"Mahal na mahal kita Athena."sabi niya at unting-unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

At hindi ko na pala alam na hinahalikan niya na ako at doon ko naalala si Demon kaya natulak ko siya.

"I'm sorry."sabi ko at nakita kong biglang nag-iba ang expression niya.

"May gusto kana ba kay Demon?"tanong niya.

Hindi ko alam.

Gusto ko na ba si Demon?

"John i'm sorry."sabi ko nalang kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso na mayroong bandage kaya napasigaw ako sa sakit.

Kaya nabitawan niya ito sa gulat sabay tulo ng aking mga luha.

Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni John sa akin ngayon.

"I'm sorry."mahina niyang sabi.

Kaya umalis na ako sa harap niya upang humiga sa kama.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko para si Demon parin ang gusto kong makasama hindi siya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now