CHAPTER 49

78 4 0
                                    

ATHENA POV

Bakit wala pa rito si Demon!

Haist!
Naiinis na talaga ako sa lalaking 'yon kanina pa siya wala rito!

Kaya tumayo na ako sa kama upang lumabas.

Baka ano na ang ginagawa ng dalawang 'yon!

Athena?

Ano ba itong iniisip mo!

Nang buksan ko ang pinto agad ko siyang nakita na nakatingin sa akin syempre may bonet parin siya.

"Nagulat naman ako sayo!"galit kong sabi at mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa kasi bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit.

"Mahal na mahal kita."sabi niya sabay tingin sa aking mga mata.

Anong nangyari sa kanya?

Okay lang ba siya?

Oh baka may lagnat lang siya?

"Anong nangyari sa'yo? At saka na saan na ang Claire na 'yon?!"galit kong tanong.

"Umuwi na siya."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Bakit?"tanong niya.

"Baka nagmamadali siyang magpakasal na sa'yo."sabi ko sabay yuko.

Nasasaktan parin ako kasi nagpropose na siya kay Claire habang asawa niya pa ako.
Hindi man lang niya hinihintay na mamatay ako bago niya ginawa sa ibang babae ang mga bagay na 'yan.

"Hindi na matutuloy iyon."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama buong buhay ko."sabi niya.

Bakit ako kinilig?

Naku Athena tumahimik ka nga d'yan ikaw din naman ang masasaktan sa huli.

"Hindi ko mahal si Claire at hinding-hindi ko siya mamahalin dahil ikaw lang nilalaman nito."sabi niya sabay turo sa kanyang puso.

Demon Martinez please tumahimik ka nga r'yan para na akong tatalon nito sa sobrang kilig.

Sino ba naman hindi kikilig.
Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya alam na alam ko na mas gwapo siya kisa kay John tulad sa litrato na nakita ko.
Baka si Demon talaga iyon.

"Mahal na mahal kita Demon."sabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang ngiti.

Kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"Gusto ko ganito lang tayo lagi."sabi niya.

JOHN POV

Andito ako ngayon palabas na ng companya nang bigla nalang lumapit si Claire sa akin na umiiyak.

Anong nangyari sa kanya?

"John."sabi niya sabay yakap sa akin na umiiyak.

Teka?

Hindi naman kami close ng babaeng ito kung makayakap parang kilala ko siya.

"Anong nangyari sa'yo?"tanong ko.

"Mahal parin ni Demon si Athena."umiiyak niyang sabi.

"Tapos?"tanong ko.

"Gusto mo sabihin ko sa'yo ang totoo? John alam kong mahal mo si Athena kaya dapat gumawa ka ng paraan upang kunin siya kay Demon."sabi niya.

"Naguguluhan talaga ako sa'yo Claire ni hindi ko nga alam kung ano ko ba talaga si Athena at saka Oo mahal ko si Athena pero hindi ibig sabihin aagawin ko siya kay Demon!"galit kong sabi kaya napangiti siya ng sarkastiko.

"Hindi mo alam kasi wala kang maalala! Kaya ang dapat mong gawin para maalala mo ang lahat ng mga nangyari noon dapat mong makita ang mukha ni Demon! Kasi may ginawa siya upang makalimutan ninyong lahat ang mga alaala niyo pati si Athena!"galit niyang sabi.

"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko sabay hawak sa braso niya.

"Kumilos kana John para bumalik si Athena sa'yo! Dahil alam ko ang mga nangyari sa inyo noon!"sabi ni Claire at umalis na siya.

Hindi ko siya maintindihan.

May nakaraan kami ni Athena?

At ano ang mga secreto at mga ginawa ni Demon sa amin?

Ang sabi ni Claire dapat kong makita ang mukha ni Demon.

Pero paano?

"Tama ka Claire, mahal ko si Athena kaya dapat sundin ko ang mga sinabi mo, dapat kong maalala ang lahat tungkol sa nakaraan namin ni Athena kasi kapag alam ko na may nakaraan kami ni Athena babawiin ko siya sayo Demon! Babawiin ko ang dapat nasa akin!"galit kong sabi sa aking sarili.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now