CHAPTER 92

86 4 0
                                    

"Deiven ayokong iwan ang mga anak ko."sabi ko at doon na ulit tumulo ang aking mga luha kaya lumapit siya sa akin sabay hawak sa aking braso na sobrang higpit.

"Pumili ka! Papatayin ko sila o sumama ka sa akin?"galit niyang tanong.

Hindi ako makapagsalita.

"Tumayo kana r'yan aalis na tayo."sabi niya.

Paano ako makatayo masakit ang sugat ko.

Nagulat nalang ako nang binuhat niya ako at dinala sa kotse.

"Gusto ko munang makita ang mga anak ko."umiiyak kong sabi at bigla niya nalang akong sinakal ng sobrang higpit.

"Tumahimik ka!"sigaw niya sabay bitaw sa akin.

At nagmaneho na siya ng kotse.

DEMON POV

Andito na kami ngayon sa lumang bahay kung saan kami pumupunta noon.

Tumakbo ako papasok sa loob at narinig ko sa isang kwarto na may umiiyak kaya agad ko 'yon binuksan at nakita ko si Nic at Ice umiiyak.

"Daddy!"sigaw ni Ice sabay lapit sa akin kaya lumapit din si Nic sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Where's your Mom?"kinakabahan kong tanong sa kanilang dalawa.

"I don't know Daddy, Daddy Deiven locked us here."umiiyak na sabi ni Ice kaya niyakap ko sila nang mahigpit.

"Please find Mommy."umiiyak na sabi ni Ice.

"Don't cry, I'II find your Mommy."sabi ko at dinala ko na sila sa kotse habang si Claire naman sumusunod sa amin.

"Daddy we're so scared kasi baka anong gawin ni Daddy Deiven kay Mommy and he has a gun."sabi ni Nic at napayukom ang aking kamao habang nagmamaneho.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Athena.

"Claire may alam ka pa bang pwedeng puntahan ni Deiven?"tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Wala na."sabi niya.

Kaya ayon dinala ko muna ang mga bata kay Trisha siya lang kasi pinagkakatiwalaan ko.

Andito ako ngayon sa kotse hinihintay na baka tumawag si Deiven.

"Hayaan mo na kasi si Deiven."sabi ni Claire kaya napatingin ako sa kanya.

"Claire pwede ba! Gulong-gulo na ako! Ang gusto ko lang ngayon mabawi si Athena!"galit kong sabi sabay suntok ng manibela ng kotse.

Kaya napagdesisyonan kong ibaba si Claire nabubw*sit lang ako sa kanya!

"Demon!"sigaw ko pero pinahurot ko na ang kotse.

At nagulat nalang ako nang biglang nagring yung phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ng dati naming driver sa mansyon na close ni Deiven.

"Sir alam ko na po kung saan dadalhin ni Sir Deiven si Ma'am Athena."sabi niya.

"Saan?"tanong ko.

"Sa isla na pagmamay-ari ng lolo ni Ma'am Athena."sabi niya kaya agad kong binaba ang tawag at pinahurot ang kotse.

Kailangan kong pumunta roon.

Nakalipas ang maraming minuto andito na ako at nakita ko ang mansyon na sobrang tahimik.

At bigla nalang lumabas si Deiven habang hawak hawak si Athena na tinutukan ito ng baril.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka rito!"galit na sabi ni Deiven habang ako naman ay nakatutok sa kanya ng baril.

"Sige barilin mo ako! Para magsama-sama na kami ni Athena!"galit niyang sabi at tumawa na parang dem*nyo.

"John please maawa ka sa akin."umiiyak na sabi ni Athena.

"Haha ano na ngayon Demon! Pasalamat ka nga binuhay ko pa mga anak mo!"galit na sabi ni Deiven.

"Ibaba mo ang baril!"galit kong sabi.

"Demon! Na sayo na ang lahat ng  pagmamay ari ng mga magulang natin! At ang companya! Kaya pwede ba ibigay mo na sa akin si Athena!"galit niyang sigaw.

At bigla nalang siyang sinipa ni Athena kaya doon ako kumuha ng pagkakataon na barilin siya.

Kaya tumakbo ako papunta kay Athena upang buhatin siya.

"BUW*SIT DEMON!"rinig kong sigaw ni Deiven sa loob ng mansyon.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now