CHAPTER 43

81 4 0
                                    

DEMON POV

"Apo kawawa naman si Athena parang namumutla siya."nag-alalang sabi ni Lola.

"Haist! Hayaan nalang natin ang babaeng 'yon!"galit na sabi ni Claire.

"Wait lang."sabi ko at umalis na sa kanilang harapan.

Tinawag ako ni Claire pero hindi ko siya pinansin.

Kailangan kong makausap si Athena kung bakit siya pumunta rito.

"Nakita mo ba si Athena?"tanong ko sa Guard.

"Opo Sir kakalabas lang po mukhang umiiyak nga eh."sabi niya.

"Saan siya dumaan?"tanong ko.

"Dito po Sir."sabi niya at tinuro ang kaliwang daan kaya agad na akong tumakbo upang sundan siya.

Mahal ko parin si Athena at ang sinabi ni Claire na magpapakasal kami? Totoo iyon dahil para rin naman maka move on ako kay Athena.

Pero bakit tuwing nakikita ko si Athena parang bumabalik ang pagmamahal ko sa kanya.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko siyang kayakap si John kaya napayukom ang aking kamao.

Demon huwag mo nang ituloy ang galit mo!

Kasi kapag ginawa mo naman iyon kay Athena mas lalo niyang sasaktan ang sarili niya.

Kaya hayaan mo nalang siya kasama si John.

Kaya tumalikod na ako.

Masaya na siya siguro kay John.

ATHENA POV

Andito kami ngayon ni John sa kotse.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Athena anong plano mo ngayon?"tanong ni John.

"Hindi ko alam."sabi ko.

Pero bakit bigla bigla nalang tumutulo ang aking mga luha?

"Athena umiiyak kana naman."sabi niya sabay hawak sa kamay ko kaya agad ko iyon kinuha at pinahid sa pisngi ko.

Teka?

Bakit parang hindi ako makahinga?

"Athena okay ka lang?"nag-alalang tanong ni John sabay tigil sa kotse.

Pero heto parin ako inahabol ang paghinga ko.

Kaya agad niya akong dinala sa Hospital.

JOHN POV

Andito ako ngayon kausap ang Doctor.

Ngayon ko lang nalaman na may sakit pala si Athena sa puso.
At kailangan daw ng puso para kay Athena para ma buhay siya.
Pero dalikado parin ang buhay niya kasama ang anak nila ni Demon.

Bakit ako nasasaktan para sa kanya?

"Pwede mo na po Sir puntahan ang pasyente."sabi ng Doctor.

Kaya agad kong pinuntahan si Athena sa loob.
At nakita ko siyang naka oxygen.

"Athena."sabi ko sabay lapit sa kanya.

DEMON POV

"Demon excited na ako sa kasal natin."nakangiting sabi ni Claire sabay upo sa hita ko habang pinapakita sa akin ang singsing sa daliri niya.

"Marami pang proseso para mangyari iyon."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit naman?"galit niyang tanong.

"Wala! Umuwi kana kailangan ko pang magpahinga may meeting pa ako bukas."sabi ko at pinatayo ko na siya.
Haist ang bigat.

CLAIRE POV

"Demon pwede bang unahin mo naman yung kasal natin bago yung mga meeting na 'yan!"galit kong sabi kaya napatingin siya sa akin.

"Importante ang companya! Kaya pwede ba? Makapaghintay kana man siguro Claire sa kasal na 'yan!"galit niyang sabi kaya napangiti ako ng sarkastiko.

"Ma paghintay? Permahan na sana ni Athena ang papers na 'to!"galit kong sabi sabay kuha ng envelop sa table.

"Kaso inagaw mo dahil ano? Ayaw mong ma annul. Kayo ng babaeng 'yon! Kaya pwede ba Demon gumising kana sa katotohanan na hinding-hindi ka mamahalin ni Athena dahil sa totoo lang si John naman talaga ang mahal niya hindi ikaw!"galit kong sabi at bigla niya nalang ako sinakal ng sobrang higpit. 

"KUNG GUSTO MONG MATULOY ANG KASAL NA PINAPANGARAP MO! MAGHINTAY KA!"sigaw niya sabay tulak sa akin kaya napasubsob ako sa sofa.

Parang tutulo ang mga luha ko sa ginawa ni Demon.

Mahal niya pa talaga si Athena!

Kaya dapat ikaw Athena mamatay kana sana!

"UMALIS KANA BAGO PA KITA IPAKALADKAD SA GUARD!"sigaw ni Demon sabay turo sa pinto kaya tumayo na ako at umalis sa Mansyon niya.

"BUW*S*T!"sigaw ko dahil sa sobrang galit.

ATHENA POV

Nagising ako sa isang kwarto na halos puti lahat ang makikita mo.
Napatingin ako kay John sa tabi ko na nakaupo habang nakatingin sa akin.

"Athena okay kana ba? Kamusta ang pakiramdam mo?"nag-alala niyang tanong sabay hawak sa kamay ko.

"Okay na ako."sabi ko habang siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin.

Anong nangyari sa kanya?

"Bakit?"tanong ko.

"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka?"tanong niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ko naman sasabihin."sabi ko.

"Athena hindi ba asawa mo si Demon? Pwede mo namang sabihin sa kanya ang totoo."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi na at saka magpapakasal na sila ni Claire hindi niya na ako kailangan."sabi ko.

"Pero Athena buntis ka makakasama 'yan sa baby niyo ni Demon."sabi niya.

"Pwede ba John huwag mo na akong pakialaman! Kaya ko naman ang sarili ko kahit wala si Demon! Kaya pwedeng pahingi ng favor sayo."sabi ko.

"Ano naman 'yon?"tanong niya.

"Huwag mong sasabihin sa kanya na may sakit ako."sabi ko.

"Paano ko sasabihin ni hindi nga kami nag-uusap no'n! At saka ako na ang magpapagamot sa'yo."sabi niya.

"Pero-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nalang siyang nagsalita.

"Please pumayag kana para sa baby."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Kaya simula ngayon sa bahay kana tumira upang mabantayan kita kasama 'yang anak niyo ni Demon."sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

Kaya ningitian ko siya.

Iba si Demon sa kanya.

Mabait si John pero bakit si Demon ang gusto kong makasama?

Tama nga ang sabi nila sa huli nga ang pagsisisi.

Hindi ko alam nang bigla ko nalang siyang niyakap sabay tulo ng aking mga luha.

"Salamat."mahina kong sabi.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt