CHAPTER 62

71 5 0
                                    

"Ayoko!"umiiyak kong sabi habang umiiyak.

"BAKIT AYAW MO! IMULAT MO PARA MALAMAN MO ANG TOTOO! HINDI BA ITO NAMAN ANG GUSTO MO! ANG MAKITA ANG MUKHA KO!"sigaw niya kaya humagulhol na ako sa iyak kahit nakapikit.

Ang sakit sakit.

Hindi ko kaya.

Ayokong magbago ang lahat.

"AYAW MO!"sigaw niya.

"Please Demon umalis kana!"umiiyak kong sabi kaya nagulat ako sa sunod niyang ginawa kasi bigla niya akong hinalikan sa labi.

Hindi ko alam ang gagawin ko madiin niya akong hinalikan na parang miss na miss niya ako.

Kaya doon na tumulo ang aking mga luha kahit nakapikit ang aking mga mata.
Hindi ko alam nang bigla niya nalang pinatay ang ilaw at doon na may nangyari sa amin.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag basta ang alam ko mahal na mahal ko siya kahit hindi ko parin nakikita ang mukha niya.

Sobrang sakit marinig sa kanya na si Claire na ang mahal niya at magkakaroon na sila ng anak.

Pero ito na yata ang huli naming pagsasama.

Gusto ko nang lumayo sa kanya pagkatapos nito.

Kahit sabihin man na marupok ako pero hindi eh.
Iba kapag nagmahal ka.

Nagising ako na wala na akong damit at tanging kumot lang ang nakabalot sa aking katawan.

Napatingin ako sa tabi ko pero wala na roon si Demon.
Tumayo ako habang tinatakpan ang aking katawan gamit ang kumot.

At agad kong nakita si Demon sa terrace nakatayo na walang bonet na suot.

"Malaking kasalanan ang ginawa nating 'to!"galit niyang sabi.

"Huwag kang mag-alala aalis na ako at hinding-hindi na ako magpapakita sa iyo."sabi ko.

CLAIRE POV

Nagising ako na wala parin si Demon.

Buw*sit! Nasaan na kaya 'yon kagabi ko pa siya hinihintay at syempre nakatulog na ako sa ka kahintay sa lalaking 'yon!

Haist!

Hindi man lang siya nagsasabi kung saan siya pupunta.

Akala ko ako na ang asawa niya!

Haist!

Nakakainis talaga!
Kaya heto ako ngayon bumaba at syempre agad kong nakita ang matanda masama ang tingin sa akin kaya hindi ko siya pinansin.

Baka maawa pa ang mukha ng anak ko sa mukha niya haha ang pangit!

JOHN POV

Andito ako ngayon sa isa kong bahay sa Alabang kasama ang dalawang Yaya na nag-aalaga sa anak ni Demon at Athena.

Oo

Tama kayo ng binasa.

Buhay ang anak ni Demon at Athena dahil inutusan ni Claire ang Doctor na pa pili-in si Demon.

At nang pinili ni Demon si Athena agad namang dinala ni Doctor Nicole Margarette ang kambal kay Claire.

Pero ito namang si Claire ayaw alagaan ang mga bata at sakin niya dinala.
Sasabihin ko sana kay Athena pero sinabihan niya ako na kapag binalik ko ang mga bata magiging happy family sina Demon at Athena.

Kaya heto ako ngayon nakatingin sa kambal nilang anak na babae at lalaki.

Inutusan ko ang dalawang katulong na si Roselyn at Lia na ayusin ang mga dala kong gamit para sa kambal.

"Pasinsya na kayo, ginawa ko naman ito dahil mahal ko ang Mama niyo."sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Pero huwag kayong mag-alala kasi kapag malaman ko na ang katutuhanan tungkol sa nakaraan namin ng Mama niyo, ako ang tatayong Ama niyo at mamahalin ko kayo."sabi ko at hinalikan ko na silang dalawa.

Athena sana mapatawad mo ako.

ATHENA POV

"Pero Demon mahal na mahal kita."sabi ko sabay lapit sa kanya at tumulo na naman ang mga luha ko

"Huwag mo na akong mahalin!"galit niyang sabi.

"Bakit! Hindi ko kaya Demon na kalimutan ka!"umiiyak kong sabi.

"Pwes tingnan mo ako para mawala na ang pagmamahal mo sa akin!"galit niyang sabi.

"Kahit hindi na 'yon kailangan kasi gusto ko lang sasabihin sa iyo na niluluko ka lang ni Claire hindi mo anak ang nasa sinapupunan niya."sabi ko.

"Tama na Athena! Buo na nag desisyon ko na si Claie na ang mamahalin ko at gusto kong makasama hanggang buhay kaya tumigil kana."sabi niya kaya umiyak nalang ako ng umiyak.

Wala na talaga siyang pakialam sa akin kahit may nangyari sa amin.

Tama nga siya.

Tumigil kana!

Maawa kana man sa sarili mo!

"Kung iyan ang gusto mo tumingin ka."mahina kong sabi sabay tulo ng aking mga luha.
Hindi pa ako handa na makita siya pero dapat ko 'yon gawin upang tumahimik na kami pareho.

At unting-unti siyang tumingin sa akin at nakalipas ang ilang sigundo bigla nalang napatulo ang mga luha ko.

"Demon."sabi ko at ngayon nakikita ko na siya.

At mismong kaharap ko na ang Demon na nakilala ko noon.

Ang mga mata niya na alam kong may natitira pa siyang pagmamahal sa akin.

At doon ko naalala ang nangyari noon.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanya o mahahalin ko pa siya.

Parang gumulo ang isip at puso ko.

Kaya humagulhol nalang ako.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now