CHAPTER 81

64 3 0
                                    

ATHENA POV

Andito kami ngayon sa labas ng bahay naglalaro ang mga anak ko ng Volleyball.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Masaya ako dahil dumating sila sa buhay ko, mahal na mahal ko sila lalong-lalo na si Demon.

Nagulat nalang kami nang biglang may tumigil na kotse sa harap namin at lumabas si Demon.

"Athena."sabi ni Demon.

"Why are you here?"galit na tanong ni Nic sabay lapit kay Demon.

Hay naku kumukulo talaga ang dugo niya kay Demon.

"Hi."nakangiting sabi ni Ice.

"Wait."sabi ni Demon at may kinuha siya na malaking teddy bear na kulay pink sa loob ng kotse at binigay ito kay Ice.

As in sobrang laki parang kasing laki ng 8 years old na bata.

"Wow it's so big."masayang sabi ni Ice habang yakap yakap ang teddy bear habang si Nic naman masama ang tingin kay Demon haha.

Grabe talaga itong magalit ang anak ko parang dragon haha.

"This is for you."nakangiting sabi ni Demon sabay bigay sa akin ng chocolate.

Kaya sabay napatingin ang dalawa kong anak sa akin haha favorite kasi nila itong chocolate kaso pinagbabawalan kami ni John kumain nito.

"Thank you."nakangiti kong sabi.

Tatalikod na sana si Nic nang bigla siyang hinawakan ni Damon sa kamay.

"Wait."sabi ni Demon habang ang dalawang kilay ni Nic nakasalubong haha nakakatakot.

At na bigla kami nang may kinuha si Demon na malaking car na toy na pwedeng sakyan ni Nic.

"Of course I won't forget you. This one is for you."nakangiting sabi ni Demon habang ang mga mata naman ni Nic hindi makapaniwala na binigyan siya ni Demon haha.

"Wow it's so cool."nakangiting sabi ni Ice habang hinahawakan ang car ni Nic at bigla nalang pinalo ni Nic ang kamay ni Ice na nakahawak sa car niya haha mahina lang naman na palo.

"Don't touch it, this is mine!"galit na sabi ni Nic.

"What will you say?"tanong ko sa dalawa kaya sabay silang napatingin kay Demon.

"Thank you."sabay nilang sabi.

At pumasok na sila sa loob.

"Ang cute nila."nakangiting sabi ni Demon sabay tingin sa akin.

"Thank you sa chocolate at sa mga toys."sabi ko at tumango naman siya.

"Paano mo nalaman na wala rito si John?"tanong ko kaya ngumiti nalang siya.

Hayss nakalimutan ko, binabantayan niya nga ako noon kahit saan ako pumunta ngayon pa kaya.

Athena ang assuming mo talaga no!

Binigyan ka lang ng chocolate at pinupuntahan ka rito ganyan na ang iniisip mo?

Haist kaya ka lagi nasasaktan.

"Athena hiwalayan mo na si John."sabi niya sabay hawak sa aking kamay.

Gustong-gusto kitang makasama Demon pero natatakot ako sa banta sa akin ni John.

"I'm sorry."sabi ko sabay kuha ng kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin.

"Mahal na mahal kita."sabi niya sabay yakap sa akin pero tinulak ko siya.

Hindi ko alam pero ang tanging pumapasok lang sa isipan ko ang mga sinabi ni John.

"I'm sorry Demon pero hindi na talaga kita mahal."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Alam kong mahal na mahal mo parin ako Athena kasi nararamdaman ko iyon noong may nangyari sa atin!"sabi niya kaya agad kong pinahid ang aking mga luha.

"Hindi Demon nagkamali ako, siguro nadala lang ako sa tukso kaya ko 'yon ginawa, alam ko kung paano mo tratuhin ang mga anak ko at salamat sa mga toys na binigay mo sa kanila at saka please lumayo kana sa amin."sabi ko.

"Hindi ako naniniwala Athena."sabi niya.

"Masaya na ako kay John."sabi ko at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
Gustong-gusto kong gumanti sa halik niya pero hindi ito tama Athena!

Lumayo kana kay Demon para sa kapakanan ng mga anak mo.

Kaya tinulak ko siya at sinampal sabay tulo ng aking mga luha.

Nalulungkot ako dahil sinaktan ko ang lalaking pinakamamahal ko.

Patawarin mo ako Demon.

Kung alam mo lang.

Sana maintindihan mo.

"Please lumayo kana sa akin!"sigaw ko habang umiiyak at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

Kaya tinalikuran ko na siya, ayoko siyang nakikitang nasasaktan nang dahil sa akin, dahil malabo na talaga na magkasama kami.

I'm sorry Demon,

Mahal kita pero mas mahal ko talaga ang mga anak natin, isang beses na silang na walay sa akin at ayokong mangyari iyon dahil sa walang kw*ntang banta sa akin ni John.

"Alam ko na anak ko sina Demonice at Demonic!"galit niyang sabi kaya napatigil ako sa pag-iyak.

Paano niya nalaman.

"Athena huwag ka nang magsinungaling sa akin dahil alam ko na ang totoo!"galit niyang sabi na parang nalulungkot.

Hindi ko siya maintindihan paano niya nalaman ang tungkol sa mga anak ko.

"Anak ko sila kaya may karapatan ako sa kanilang dalawa Athena!"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.

"Pwede ba Demon umalis kana!"galit kong sabi sabay tulak sa kanya at hinawakan niya ang aking kamay.

"Mahal na mahal kita pero sana ibigay mo rin ang karapatan ko bilang tunay na ama sa mga anak ko, babawiin ko kayo!"sabi niya sabay bitaw sa akin at tinalikuran niya na ako.

Umiyak ako ng umiyak nang makaalis na siya

Ano na ang gagawin ko!

Nasa gitna na ako ngayon ng problema dahil sa kanilang dalawa.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now