CHAPTER 57

72 2 0
                                    

ATHENA POV

Pagmulat ng aking mga mata agad kong nakita ang ilaw banda sa itaas ko kaya napapikit ako.

"Athena Apo."nag-alalang sabi ni Lola sa gilid ko pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Pakiramdam ko wala akong lakas.

"Doc!"sigaw ni Lola kaya pumasok ang Doctor sa loob upang icheck ako.

"Kamusta siya Doc?"tanong ni Lola.

"Okay na po siya at saka hintayin nalang natin maging stable ang pakiramdam niya."sabi ng Doctor at lumabas na siya.

Habang ako naman ay rinig na rinig ko ang usapan nila pero hindi parin ako makagalaw.

"Lola."sambit ko kaya napatingin siya sa akin sabay hawak sa aking kamay.

"Kamusta ang mga anak ko?"tanong ko at bigla nalang siyang tumahimik at napalitan iyon ng iyak.

"Wala na sila Apo."umiiyak na sabi ni Lola kaya napatulo ang aking mga luha.

"Nasaan si Demon?"tanong ko.

"Nandon siya sa Mansyon."sabi  niya.

"Gusto ko na pong lumabas kailangan ko po siyang makausap."umiiyak kong sabi habang pinipilit ang katawan ko tumayo pero hindi.

Masakit parin.

"Lola."umiiyak kong sabi.

"Ikaw ang pinili ni Demon."umiiyak na sabi ni Lola.

Bakit ako?

"Hindi ba sabi ko sa kanya na ang mga anak ko ang pili-in niya hindi ako!
Lola! Bakit niya 'yon ginawa!"umiiyak kong sabi kaya niyakap niya nalang ako.

"Mahal ka ni Demon Apo."sabi niya.

"Lola yung mga anak ko!"sigaw ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"Tama na Apo."umiiyak niyang sabi.

"Gusto kong makausap si Demon papuntahin mo siya rito."umiiyak kong sabi.

"Iyon na nga Apo, kahit siya hindi niya alam ang mga ginagawa niya ngayon tatlong araw na ang nakalipas pero ando'n parin siya sa Mansyon hindi ko na siya makakausap."umiiyak na sabi ni Lola.

Ang sakit sakit.
Bakit nangyari sa amin ito?

"Apo nakikita ko sa mga mata ni Demon kung paano ka niya pinili kisa sa mga anak niya, kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko pero siya na kaya niya dahil mahal ka niya."umiiyak na sabi ni Lola at sunod sunod nalang na pagtulo ang aking mga luha.

Sinisisi ko ngayon ang sarili ko kung bakit namatay ang mga anak ko.

Wala akong kw*ntang ina!

"Kaya please Apo magpakalakas ka, huwag mong sayangin ang buhay na binigay ng mga anak mo sayo."sabi ni Lola.

Hindi ko maintindihan kung saan kumuha ng heart donor si Demon para sa akin.

Pero ang mas hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinili niya kisa sa mga anak niya.

Alam kong may kasalanan ako kung bakit nangyari 'to sa amin.

DEMON POV

"Sir may nag..haha..nap po sa iyo."takot na sabi ng katulong ko kaya bigla ko nalang binato ang bote na hawak ko kaya nagulat sila sa ginawa ko.

"BUW*S*T! HINDI BA SABI KO SA INYO HUWAG NIYO AKONG KAUSAPIN!"sigaw ko kaya napayuko sila.

Hindi ko alam kung bakit magagalit ba ako kay Athena!

Kasi kung sinunod niya lang sana ang sinabi ko hindi ito nangyari sa kanya at sa mga anak ko!

Hindi ko rin alam kung bakit pangalan niya ang lumabas sa bibig ko upang pumili.

Lungkot at galit ngayon ang naramdaman ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin matatanggap ang pagkamatay ng dalawa kong anak.
Ni hindi ko man lang sila nakita at narinig na umiyak.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa relasyon namin ni Athena.

"Demon."sabi ni Claire sabay lapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka nandito?"walang gana kong tanong sabay inom ng alak.

"Namiss lang kita at saka gusto ko lang kamustahin ka dahil nalaman ko ang nangyari kay Athena at sa kambal mo."malungkot niyang sabi.

"Umalis kana!"galit kong sabi sabay talikod sa kanya upang pumunta sa kwarto.

Ayoko siyang makausap gusto ko ma pag-isa.

"Demon gusto ko lang sabihin sa iyo na buntis ako."sabi niya kaya napahinto ako sa aking paglalakad.

May nangyari ba talaga sa amin no'ng lasing ako? No'ng hindi ako nakauwi rito.

"Demon baka hindi lang talaga si Athena ang nararapat sa iyo."sabi niya sabay lapit sa akin kaya kaharap ko na siya.
Kinuha niya ang Pregnancy test sa bag niya at pinakita iyon sa akin.

"Tingnan mo Demon, magiging ama kana sa anak ko."masaya niyang sabi habang ako naman ay nakatingin sa PT na mayroong dalawang line.

"Andito ako at ang magiging anak natin, hindi ba sabi ko sayo kaya kong ibigay ang hindi kayang ibigay ni Athena sa'yo."sabi niya sabay yakap sa akin.

Totoo ba talaga na buntis siya?

Hindi ako makapaniwala.

Pero tama siguro si Claire, hindi nga kami ni Athena ang para sa isa't-isa.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz