CHAPTER 51

70 4 0
                                    

Nagulat nalang ako nang may narinig akong may kotseng paparating kaya doon na ako nagpanic.

"John umalis kana!"kinakabahan kong sabi.

"Athena please maniwala ka sa akin sundin mo ang sinabi ko para naman 'to sa atin."sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang may nagsalita mula sa aking likuran.

"Bakit ka nandito?!"parang binuhusan ako ng isang malamig na tubig sa boses na narinig ko.

"Umalis kana!"galit na sabi ni Demon kay John sabay hawak sa kamay ko.

"Athena."sabi ni John at umalis na siya.

Hindi ako makatingin kay Demon.

Parang natatakot ako sa kanya.

"Pumasok na tayo."sabi niya kaya sumunod na ako sa kanya upang pumasok sa loob.

Nang nando'n na kami sa aming kwarto.

"Anong pinag-usapan niyo?"tanong niya pero ako hindi ko parin kayang tumingin sa kanya.

What if kunin ko ang bonet na nakatakip sa mukha niya.
Ano kaya ang malalaman ko tungkol sa nakaraan namin.

Gusto ko talagang malaman ang ginawa ni Demon sa amin.

Kasi ang nalalaman ko lang yung album na nakita ko na magkapatid sila ni John at mayroon akong Lolo.

Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari ngayon.

Kaya dapat kong sundin si John.

"ATHENA TINATANONG KITA!"sigaw niya kaya doon ako nagulat.

Nagseselos na naman siya.

"TUMINGIN KA SA AKIN!"sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya kahit pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko sa boses niya.

"ANONG PINAG-USAPAN NIYO!?"galit niyang tanong.

"Kinamusta niya lang ako."sabi ko sabay yuko.

"Alam kong nagsisinungaling ka sa akin kaya sabihin mo ang totoo!"galit niyang sabi sabay hawak sa aking braso ng sobrang higpit.

Kaya doon na tumulo ang aking mga luha.

Pakiramdam ko bumalik ang dating Demon kung paano magalit.

"Hindi ba sabi ko sundin mo ang mga gusto ko! Buntis ka Athena at anak ko ang mga 'yan! Kaya kapag nangyaring masama sa mga anak ko hindi ko talaga alam ang magagawa ko sayo at sa John na 'yon!"galit niyang sabi sabay bitaw sa akin.

"Paano kapag sabihin ko sayo na hindi na ako lalapit kay John basta ipakita mo lang ang mukha mo sa akin! Gagawin mo rin ba!"galit kong sabi kaya bigla niyang sinuntok ang dingding ng sobrang lakas kaya nakita ko ang kamay niya na umaagos ang dugo nito.

At doon na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"HINDI MO PA AKO KILALA KAYA HUWAG KANG MAGSALITA NG GANYAN SA AKIN!"sigaw niya.

"AT BAKIT? SABI MO MAHAL MO AKO DEMON! PERO SANA NAMAN MAGPAKILALA KANA SA AKIN KUNG SINO KA MAN! KASI PARA NA AKONG MABABALIW SA KAKAISIP KUNG SINO KA BA TALAGA!"sigaw ko habang umiiyak kaya lumapit siya sa akin habang tumutulo ang dugo sa kamao niya.

"SI JOHN BA ANG NAGSABI NG MGA 'YAN SA IYO? OH SIGE MANIWALA KA SA KANYA! PERO SISIGURADUHIN MONG MAKAKAYA NIYO AKO!"galit niyang sabi.

"MAHAL KITA DEMON! MAHAL NA MAHAL! LAHAT NG SECRETO, BUHAY KO ALAM MO! KAHIT PINATAY MO ANG MGA MAGULANG KO MINAHAL PARIN KITA! KAYA SANA NAMAN MAGPAKATOTOO KANA MAN SA AKIN BILANG ASAWA MO! KASI HIRAP NA HIRAP NA AKO EH!"umiiyak kong sigaw kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso.

"IYAN ANG PROBLEMA SA'YO KASI NAKARAAN NA IYON PERO ANO? GUSTO MO PARING MALAMAN!  KAHIT ILANG ULIT KA PANG IIYAK SA HARAP KO HINDING-HINDI AKO MAGPAKILALA SA IYO! LANDI KASI ANG INUUNA MO BAGO ANG KAPAKANAN NG MGA ANAK KO!"sarkastiko niyang sabi kaya bigla ko siyang sinampal.

Wala na akong pakialam kung papatayin niya ako!

Ang sakit niyang magsalita.

Akala ko magbago na siya pero hindi!

Malabong mangyari siguro 'yon!

"HINDI MO AKO KILALA! KAYA KONG MAMATAY NG TAO KAHIT SINO! KAHIT KAPATID KO PA! KAYA MAG-INGAT KA SA MGA KINIKILOS MO!"galit niyang sabi sabay labas ng kwarto kaya doon na ako umiyak ng umiyak.

Napakasama niya!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now