CHAPTER 37

91 5 1
                                    

Narinig kong parang may kotse na paparating sa labas.
Kaya tiningnan ko ito mula sa bintana.

Lagot!

Si Demon paparating na rito.

Kaya dali-dali kong sinarado ang cabinet at lumabas sa kwarto na iyon dala-dala ang album na kulay black.

Ang mga susi naman binalik ko kung saan ko kinuha.

At dinala ko ang album sa kwarto namin ni Demon at tinago ko iyon sa ilalalim ng closet.

Nabigla nalang ako nang bumukas ang pinto at nakita ko si Demon nakatingin sa akin.

"Bakit gising ka pa!"galit niyang sabi.

"Hindi pa kasi ako inaantok."sabi ko.

"Kumain kana ba?"tanong niya sabay lapit sa akin.
Nakita ko na ang mukha mo Demon Martinez sa litrato.

At alam ko na kapatid mo si John.

"Kinakausap kita!"galit niyang sabi kaya tinalikuran ko nalang siya nakakainis ang lalaking 'to!

"Tapos na at saka hindi naman ako gutom."sabi ko.

"Bakit hindi mo kasama si Claire akala ko meron kayong meeting at hindi ka makakauwi sabi mo kay Lola, bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Tapos na ang meeting."sabi niya.

"Matulog na ako."sabi ko at humiga na ako sa kama.
Nakakapagod!

Bukas ko nalang tingnan kung ano ang laman ng album na 'yon!

Nagising ako dahil mayroong akong narinig na may kausap si Demon sa cellphone.

"Patay na siya kaya hindi na iyon magsasalita tungkol sa akin!"galit na sabi ni Demon.
Akala niya natutulog ako pero rinig na rinig ko.
Sino ang kausap niya?

At sino ang pinatay niya?

"At si John! Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman ang totoo!"galit niyang sabi.

"Kasi kapag nalaman ko na merong nakakaalam sa secreto natin Claire! Papatayin ko!"galit niyang sabi at parang nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

Nakakatakot ang binitawan niyang salita.

Alam ko na ang totoo at baka kapag malaman niya na pinakialaman ko ang mga gamit niya sigurado akong malalagot talaga ako nito.

Binaba niya ang cellphone niya at lumapit sa akin kaya pinikit ko ang aking mga mata kahit takot na takot na talaga ako.

"Mahal na mahal kita Athena! Kaya kong patayin ang lahat ng mga lalaki na lumalapit sa iyo lalong-lalo na ang kambal ko na si Deiven! Kaya hindi mo dapat malaman ang katutuhanan dahil ayokong mawala ka sa akin ulit!"galit niyang sabi.

Nakalipas ang isang minuto umalis na siya dahil narinig kong nagsara ang pinto.

Kaya minulat ko ang aking mga mata at doon na tumulo ang aking mga luha.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Naging kami ba noon ni Demon?

Paano?

Bakit hindi ko matandaan!

Napatingin ako sa pinto kung saan siya lumabas.

"Kung mahal mo ako bakit mo ako ginaganito? Pwede mo namang ipakita ang mukha mo sa akin upang makilala kita at baka matandaan ko ang lahat, ano ba talaga ang secreto mo Demon? Bakit si Claire alam niya ang lahat tungkol sayo?"sabi ko habang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin