CHAPTER 26

115 5 0
                                    

Andito ako ngayon nasa loob ng kanyang kotse habang si Demon naman nagmamaneho.

Saan kaya kami pupunta?

Ayoko siyang tanungin baka magalit lang ito sa akin.
Nakalipas ang isang oras pinasok niya ang kotse niya sa isang malaking gate.

At napatingin ako sa isang pinakamalaking Mansyon.

Teka?

Parang palasyo ito at saka yung tinitirahan namin maliit lang kisa rito na sobrang malawak at maganda ang garden nila.

Bumaba na kami ng kotse at pumasok na siya sa loob habang ako naman ay sumusunod sa kanya.

Nang makapasok na kami lahat ng mga katulong ay nakayuko kay Demon at sa akin.

"Apo."masayang sabi ng matandang babae sabay lapit kay Demon at niyakap ito.

Napatingin ang matanda sa akin na sobrang gulat na gulat.

"Athena Apo mabuti nandito kana."masayang sabi ng matanda sabay yakap sa akin.

Teka?

Kilala niya ako?

Paano?

"Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng pagkain umupo muna kayo riyan."masayang sabi ng matanda at inalayan niya akong umupo sa sofa.

Parang familiar ang mukha ng matandang ito at parang kilala ko siya.

Pero kahit anong pilit kung alahanin parang hindi ko talaga siya nakita.

Ano na ba itong nangyayari sa akin!

Ito na siguro ang kinalabasan ng pananakit sa akin ni Demon.

"Bakit tayo nandito? Sinong bahay ito?"tanong ko kay Demon habang nagbabasa ng magazine.

"Akin."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Hindi na ako magtataka mayaman talaga siya marami nga siyang companya sa iba't-ibang bansa.

"Amm pwede ba akong mag-cr?"tanong ko.

"Yaya samahan mo muna si Athena."sabi ni Demon at tumayo na ako sa sofa at agad na akong sinamahan ng isa niyang katulong.
Habang naglalakad kami.

"Ma'am parang nakita na po kita."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Baka sa companya empleyado kasi ako ng Boss niyo."sabi ko at tumango naman siya.

"Andito na po tayo Ma'am."sabi niya.

"Miss huwag mo na akong hintayin babalik din naman ako kaagad sa sala pagkatapos nito."nakangiti kong sabi.

"Gano'n po ba sige po Ma'am."sabi niya at umalis na siya.

Pagpasok ko sa loob ng cr nila grabe.

Napamangha ako.

Napakalawak at halos crystal lahat ang makikita mo rito.

Sobrang linis talaga parang ayokong gumamit ng tubig dito.

Napatingin ako sa salamin at agad kong nakita ang pasa sa bandang tenga ko.

Grabe naman ng salamin nito makikita mo talaga ang pasa mo sa sobrang kintab.

Nakalipas ang ilang minuto andito parin ako sa loob ng cr.
Kaya lumabas na ako.

Habang naglalakad ako napatingin ako sa isang bukas na kwarto.

Ayokong pansinin baka hanapin na ako ni Demon doon.
Kaya naglakad na ako at bigla nalang akong huminto.

Pero bakit gustong-gusto ko pumasok sa kwarto na 'yon?

Bumalik ako kung saan ang pinto na nakabukas.

Wala naman sigurong masama kung titignan ko kung ano ang na sa loob.

Andito na ako ngayon sa loob.
Grabe sobrang dilim talaga at mabuti nalang meron akong cellphone binigyan kasi ako ni Demon.
At syempre siya lang ang contact ko dito ano pa ba.

Haist!

Pinindot ko na ang flashlight ng cellphone.

At may nakita akong mga malaking box rito.

Ano kaya ang laman nito?

Kaya tinggal ko ang tape sa box upang buksan ito.

Nakaraan ang ilang minuto na buksan ko na ang box at mayroon akong nakita na mga album.

"Ano naman kaya ito?"tanong ko sa sarili ko at bubuksan ko na sana ang album nang bigla nalang akong may narinig na parang papalapit sa kwartong ito kaya doon na ako nagpanic.

Buw*sit Athena kapag maabutan ka rito ni Demon lagot ka talaga!

At mabuti nalang may isang pinto akong nakita sa kwartong ito pagbukas ko ng pinto.
May hagdan akong nakita pababa teka?
Underground pala ng Mansyon na 'to kaya agad kong sinarado ang pinto at bumaba na ako roon.

"Nasaan si Athena!"rinig kong galit na sigaw ni Demon mula sa pinto sa taas habang ako naman ay tinatakpan ang aking bibig.

"Hanapin niyo siya!"sigaw niya.
At nakaraan ang ilang sigundo parang wala na siya sa kwartong iyon.

Kaya binuksan ko na ang ilaw ng cellphone ko at agad akong
Napatingin sa aking likuran.

Teka?

Bigla ko nalang tinakpan ang bibig ko sa gulat at takot dahil may nakita akong bungo at buto ng mga tao.

At nakita ko sa kabilang banda si Joseph?

Nakahandusay sa gilid.
Bakit siya nandito?

Kaya agad ko siyang nilapitan teka?

Buhay pa siya.

"Ten? Ano..ng gi..na..ga..wa mo ri..to?"nauutal niyang sabi habang umaagos ang dugo sa kanyang bibig kaya napatulo ang aking mga luha dahil sa aking nakita.

"Teka! Dadalhin kita sa hospital."umiiyak kong sabi.
Bestfriend ko kasi siya at siya lang ang naiwang kakampi ko.

Akala ko bumalik siya sa America.

"Dinala ka ba ni Demon dito?"tanong ko.

"Lu..ma..yo ka sa..kanya Ten tuma..kas ka..na!"nauutal niyang sabi kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Please huwag mo akong iwan!"umiiyak kong sabi at bigla niyang tinuro sa gilid namin ang dalawang bangkay kaya tinignan ako at sobra akong nagulat dahil sina Mama at Papa iyon.

"Bakit niya ginagawa sa atin ito! Sabihin mo! Baka may alam ka!"galit kong sabi habang umiiyak.

"Da..hil sa..yo."sabi niya at bigla nalang nagring yung phone ko kaya doon na ako nagpanic.
Si Demon tumatawag.

Pinipilit kong icancel pero huli na kasi pagtingin ko sa pinto nakita ko si Demon kasama ang isang matandang babae.

Agad akong nilapitan ni Demon at kinaladkad malayo kay Joseph.
Kinuha niya ang baril at tinutok iyon kay Joseph.

"Please Demon! Huwag mo siyang patayin! Parang awa mo na!"umiiyak kong sabi sabay luhod sa harap niya nagmamakaawa.
Kaya napatingin siya sa akin dahil tinawag ko siya sa pangalan niya.

At sobra akong nagulat dahil bigla nalang pumutok  ng apat na beses ang baril.

Kaya natulala ako sa nangyari.

Binaril niya si Joseph sa ulo.

"Walang hiya ka talaga demonyo ka!"sigaw ko sabay tayo at hinampas-hampas ang dibdib niya at bigla niya akong hinawakan sa braso ng sobrang higpit.

"GUSTO MO TALAGA NANG PARUSA!"sigaw niya sabay sakal sa akin.

"Apo tama na! Maawa ka kay Athena!"sabi ng matanda pero hindi niya iyon pinansin habang nakatingin sa mga mata ko na sobrang galit na galit.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now