CHAPTER: 06

553 25 1
                                    

Dalawang araw ng nagmumokmok si Elara sa loob ng kaniyang kwarto, walang ganang kumain o makisalamuha sa iba. Lagi siyang tulala at iniisip pa rin kung totoo ba ang lahat, pero kahit anong gawin niyang pagsampal o pananakit sa kaniyang sarili ay nanatili pa rin siyang nakaupo sa ibabaw ng kama sa loob ng kwarto niya.

"Totoo ang lahat, alam kong totoo ang lahat," bulong ni Elara at hinimas ang kaniyang tiyan. Masakit pa rin sa kaniya ang mga nangyari, hindi matanggap na niloko siya ng mga taong mahal niya at namatay ang kaniyang anak.

"Elara! Kumain kana ba?" Napalingon si Elara sa pagpasok ni Melody, ang best friend niya na nag-aalaga sa kaniya ngayon habang wala si Calisto at sina Fernanda at Fiona.

Napatingin si Melody at nakitang ni hindi man lang ginalaw ni Elara ang inihanda niyang pagkain, ngayon niya lang nakitang ganito ang kaibigan kaya nagtataka siya sa kung ano ba talaga ang tunay na nangyari rito.

"May sakit ka pa rin ba?" Nagaalalang tanong ni Melody saka hinipo ang noo ni Elara, naramdaman niyang normal naman ang temperatura nito at wala ng lagnat.

"May masakit ba sa'yo? Ano bang problema, Elara? Sabihin mo sa'kin, nag away ba kayo ni Elijah?" Tanong ni Melody dahil kilala niya ang best friend niya, hindi naman ito basta-basta malulungkot at magmumokmok ng ganito kung walang malalim na dahilan o nangyari sa kanila.

Alam niya rin an si Elijah lang ang may kakayahan na saktan si Elara ng ganito, hindi apektado at nagkikimkim lang ng lungkot si Elara pagdating sa ibang bagay pero kung tungkol sa relasyon nila ni Elijah ay madali itong naapektuhan— dahil ganoon kamahal ni Elara si Elijah.

"Maniniwala ka ba sa akin kung sabihin kong gusto kong gumanti sa kanila?" Nakatingin sa labas ng bintana si Elara habang hindi iniisip ang mga sinasabi sa harap ni Melody.

"Ikaw gaganti? Hahaha ang bait-bait mo kaya, saka sino naman ang gagantihan mo?" Tanong ni Melody sabay upo sa tabi ni Elara.

Naging magkaklase ang dalawa sa wolf academy at naging matalik na magkaibigan, si Melody ang madalas kasama ni Elara at Elijah noon, nagkahiwalay lang sila nung nagpasya ang pamilya ni Melody na sumama kay Alpha Damian para itatag ang Nighthraven Pack dahil masugid na tigasunod ang pamilya nila sa mga Ashford na ina ni Damian.

"Si Elijah," mahinang sagot ni Elara pero sapat na ito para marining ni Melody na gulat na gulat dahil tama ang hinala niya, nag away ang magkasintahan.

"Seryoso? Akala ko nag jo-joke ka lang, so magkaaway nga kayong dalawa ni Alpha Elijah?" Usisa ni Melody, alam niyang malaking gulo ito sa relasyon ng dalawa dahil hindi naman magiging ganito ang reaksyon ni Elara kung hindi malaki ang pagkakamali ni Elijah.

"Fated mate niya si Fiona, at pipiliin niya si Fiona pagtapos ng coming of age ninto," sagot ni Elara na lalong kinagulat ni Melody, napatakip si Melody sa kaniyang bibig sa sobrang gulat, at ang mga bilugan at asul nintong mata ay talaga naman nanlaki dahil sa balita na narinig niya.

"Paano ka naman nakakasigurado d'yan, gurl? Saka kung fated mate sila, ikaw pa rin naman ang chosen mate ni Alpha Elijah," tugon ni Melody pero umiling lang si Elara at humarap sa best friend niya.

"Ramdam ko kay Elijah na hinahanap hanap niya ang scent ng wolf ni Fiona tuwing napunta siya sa bahay, siguro ay matagal niya nang alam na fated mate sila ni Fiona pero dahil hindi pa ganap na she wolf si Fiona kaya wala pang alam ni Fiona na ang fated mate niya ay si Elijah," paliwanag ni Elara at mapait na ngumiti sa harap ni Melody.

Naawa si Melody sa kaibigan, alam niya kung gaano kamahal ni Elara ang nobyo nito at kung gano kalaki na ang tinaya ni Elara para lang magtagal ang relasyon nila ng apat na taon. Tapos ngayon maririnig niya na ang stepsister pa ni Elara ang ipapalit ni Eljiah sa bestfriend niya?

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now