CHAPTER: 69

353 26 5
                                    

"Algern, buti naman at bumalik ka na? Akala ko ay hindi ka na magpapakita pa sa pack hahaha," biro ni Alpha Diego nang dumating ang matalik niyang kaibigan sa kaniyang opisina. Ngumiti naman si Algern at inalis ang kaniyang sumblero sabay salampak sa upuan, medyo marumi ang damit ninto, binabalot din ng makapal na bigote ang kaniyang bibig at halatang hindi naaalagaan ang kaniyang sarili habang wala sa pack house.

"Pwede ba 'yun? Ito lang ang pack na tumanggap sa akin, medyo busy lang ako sa mga pinapahanap mo sa akin noon at nag enjoy na rin mabuhay s acentral kaya pasensya ka na kung wala akong gaanong ambag sa pack, babawi ako ngayon," tugon ni Algern habang hinahalungkat ang kaniyang bulsa.

"Nahanap ko na ang gamot na sinasabi mo, ano ba kasi ang pinasok ng anak mo at nilason siya ng sarili niyang mate," natatawang tanong ni Algern kay Diego at napabuntong hininga na lamang si Diego dahil hindi niya rin lubos maisip na nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Elara.

"Mahabang kwento, oh ito ang bayad," sagot ni Alpha Diego at binato ang isang sobre na puno ng pera at ganoon din si Algern at binato kay Diego ang isang lalagyan na may laman ng medikasyon para sa pagiging paralisado ni Elijah.

"May gagawin ka ba ngayon? Nais kong ikaw na muna ang magbantay sa fated mate ng anak ko, pinagbubuntis niya ang apo ko kaya hindi ko siya maparusahan sa ginawa niya kay Elijah, gusto ko na ikaw ang magbantay sa kaniya dahil medyo tuso ang isang iyon," tugon ni Diego at hindi alam ang sinasabi niya.

Sisindihan sana ni Algern ang hawak niyang sigarilyo nang mapatagil sandali nang marinig niya ang balita na dala ni Diego, hindi niya inaakala na mabubuntis si Fiona, pero alam niya naman kung nasaan si Fernanda.

"Teka, nasaan si Calisto?" Tanong ni Algern sabay hithit sa sigarilyo niya, kailangan niya maghanap ng mga impormasyon bago gumawa ng hakbang dahil ang totoo niyan ay bumalik siya sa pack na ito dahil kailangan niyang kunin ang mag ina niya.

"Nasa misyon pero baka umuwi na iyon sa susunod na linggo o mga araw, paniguradong magugulat siya dahil nasa dungeon ngayon ang chosen mate niya, at sa ginawa ng ampon niya si Fiona," sagot ni Diego, hindi niya maiwasan mapailing dahil alam niyang masasaktan si Calisto kapag nalaman niya ang mga nangyayari sa pamilya niya.

"Paniguradong magugulat talaga siya," mahinang tugon ni Algern habang nakatingin sa phone niya at hinahanda ang mga plano niya.

Si Algern ang fated mate ni Fernanda, isang Delta sa Forestheart noong kabataan niya, kasabay niyang umanib sa pack na ito si Calisto at naging malalapit na magkakaibigan silang tatlo nila Diego, siya ang laging inaatasan na magbantay sa mga border at magturo sa mga warrior ng pack, sa pamamalagi niya sa labas ay mas ginusto niya pang tumira sa city kaysa sa loob ng pack house nila at doon niya nakilala si Fernanda na kaniyang fated mate, nabuntis niya ito at agad sila nagkaroon ng anak na si Fiona, pero dahil hindi niya maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya niya ay iniwan siya ni Fernanda dala-dala ang anak nila.

Matagal siyang naging lone wolf, hindi niya naisipan na bumalik sa pack niya dahil patuloy niya pa rin naman ginagawa ang trabaho niya bilang bantay sa border pero dahil sa lungkot ay nalulong siya sa droga at iba pang masasamang bisyo at trabaho para makakuha ng easy money na magagamit niya sa mga bisyo niya.

Nang napagpasyahan niya dumalaw sa pack ay doon niya nakita na ang kaniyang fated mate na si Fernanda ay naging chosen mate ng matalik niyang kaibigan na si Calisto. Nakita niya kung gano kaganda ang buhay ni Fernanda at ng anak niya kaya naman hinayaan niya na lang ang mga ito at hindi na nagpakita pa sa kanila.

Pero si Fernanda mismo ang lumalapit sa kaniya, dahil hindi pa tinatanggap ni Algern ang rejection ni Fernanda ay buo pa rin ang bond nila. Kapag nagkukulang ang chosen mate ni Fernanda ay si Algern ang nagpupunan ng pagkukulang na ito, kinukuha nilang opportunity na laging nasa trabaho at mission si Calisto para magkita sila at magamit nila pareho ang pera na pinaghihirapan ni Calisto.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now