CHAPTER: 55 [R18]

404 24 9
                                    

"Tignan mo, makakatikim din sa akin ang babaeng 'yan!" Natatawa na lamang si Damian habang buhat-buhat niya si Elara, inaalalayan niya ito paakyat ng hagdan sa loob ng main house.

"Oo sige maghihiganti tayo sa panget mong stepsister," komento na lamang ni Damian at imbes na dalhin niya si Elara sa kwarto ninto ay pinapasok niya si Elara sa kwarto niya.

"Bakit tayo papasok sa kwarto mo? Ikaw ha, ano na naman binabalak mo?" Tanong ni Elara, halatang lasing na ito dahil pagewang-gewang na ito maglakad.

"Binabalak ko na makasama ka sa malaki-laking kama," komento naman ni Damian dahil sumasakit na ang likod niya tuwing matutulog siya sa kwarto ni Elara, dapat pala nung una pa lang ay pinalitan niya na ng mas malaking kama ang kwarto ni Elara, 'yung makakahiha siya ng ayos lalo na't sobrang likot pala matulog ng Luna niya.

"Hmm... sige papayag akong matulog sa kwarto pero sasabunutan ko muna si Fiona, sandali at matitikman niya rin ang hinahanap niya!" Sagot ni Elara at akmang bababa na naman ng hagdan para magwala pero pinihit ni Damian ang paglalakad ninto papasok sa kwarto niya.

"Bukas na tayo gumanti sa kaniya okay?" Tanong naman ni Damain sabay lock ng pinto. Talagang nag walwal si Elara at hindi niya inaasahan na ganitonpala kakulit ang kaniyang luna kapag nalalasing.

"Nilason ako ng babaeng 'yan eh, tinulak niya pa ako sa hagdan kaya ako nakunan!" Hiyaw ni Elara, agad siyang umupo sa kama at humilata rito.

Kumunot ang noo ni Damian sa kaniyang narinig, hindi niya alam kung papatulan niya ba ang sinabi ni Elara. Kung tunay ba ito o dahilan lang nakalasingan niya.

"Nilason ka niya? Hinulog sa hagdan at nakunan ka?" Tanong ni Damian at tumango naman si Elara nilang sagot.

"Naiinis ako sa kanila, Damian. Tapos inaaway ka pa nila ngayon. Naiinis din ako sasarili ko kasi hinusgahan ko rin kayo noon, akala ko talaga ay masasamang lycans ang Nightraven," reklamo ni Elara habang hindi mapigilan na maging emotional.

Nabigla si Damian nang makita niya ang pag-iyak ni Elara, lagi matapang ang image ni Elara sa mga mata ni Damian pero ngayon ay parang sobrang hina ninto.

Nanlambot ang tuhod ni Damian at binaliwala na ang narinig niya kanina at agad na niyakap ang Luna niya. "Huwag mo na isipin ang bagay na iyon Elara, matagal nang nagbago ang tingin mo sa amin 'di ba? Hindi mo na kami tinitignan bilang mga masama, o ano man binabato sa aming masasamang salita ng iba, kakampi ka na namin kaya huwag ka na makonsensya," sagot ni Damian, hinila niya sa isang mahigpit na yakap si Elara at hinalikan ang noo ninto.

"Pero hinusgahan ko pa rin kayo," sagot ni Elara hindi niya na talaga mapigilan ang emosyon niya dahil na rin sa tama ng alak sa sistema niya.

"Edi bumawi ka na lang sa amin, maging mabuti kang Luna ng pack na 'to," sagot ni Damian sa kaniya. Gusto niyang maalis na sa isip ni Elara ang ano mang guilt sa puso ninto, dahil para sa kay Damian ay wala na ang bagay na iyon.

"Pero pano ako magiging Luna? Hindi mo pa nga ako minamarkahan!" Lumakas ang iyak ni Elara nang maalala niya na hindi rin siya opisyal na Luna kaya lalong nataranta si Damian para mapatahan siya.

"Sandali! Huwag ka na umiyak nang hihina ako! Ayoko makitang umiiyak ka," natatarantang sabi ni Damian at hindi alam pano papakalmahin si Elara.

"Pero gusto ko na maging Luna mo!" Reklamo ni Elara habang hindi pa rin mapigilan ang pagiging emosyonal niya. Alam niyang dulot ito ng alak at ito ang totoong gusto niyang sabihin kay Damian.

"Tama na ang iyak, mahal naman kita eh. Kailangan lang natin mag ingat para hindi ka mapahamak," tugon ni Damian, hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Elara para magtama ang mga mata nila.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now