CHAPTER: 31

402 21 2
                                    

"So, kailan mo itutuloy ang lap dance mo?" Tanong ni Damian, hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi simula nang umalis si Lilian sa opisina niya.

Kinando niya pa talaga ang pinto ng kaniyanh opisina para wala ng manggulo sa kaniya at nag send ng mind link message sa lahat ng mga tauhan niya na walang pupunta sa opsina niya ngayon araw dahil sa busy siya.

"Saka na kapag hindi na mainit ang ulo ko sa'yo," sagot ni Elara kay Damian, hindi pa rin inaalis ni Elara ang tingin niya sa screen ng kaniyang laptop pero nakakunot ang noo niya dahil sa inis.

"Ha? Ano na namang ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni Damian, hindi niya alam kung ano na naman ang nagawa niyang mali para kainisa siya ni Elara ngayon.

"Wala," maikling sagot ni Elara, gusto niyang batuhin ng mga papeles si Damian dahil naiinis siya kay Lilian. Hindi niya alam bakit si Damian ang pinagbubuntungan niya ng galit niya kay Lilian.

"Kausapin mo nga ako, nag seselos ka ba kay Lilian?" Tanong ni Damian at napatayo si Elara sa kaniyang kinauupuan dahil sa galit.

"At bakit naman ako magseselos, aber?" Inis na sagot ni Elara pero halatang halata sa mukha niya ang inis at pagseselos na nagbibigay aliw ngayon kay Damian.

Natutuwa si Damian makita ang side na 'to ni Elara, hindi niya alam na may kakayahan pala ito magselos dahil noon tuwing nakikita niyang pinapaligiran si Elijah ng mga she-wolf, walang imik si Elara. Pero ngayon ay hindi ninto matago ang galit kay Lilian.

"Hahaha, alam ko naman na nagseselos ka. Pagpasensyahan mo na, dapat masanay ka na kasi marami talagang umaaligid na she-wolf sa akin, hindi ko naman sila mapipigilan dahil sino ba naman ako? Masyado akong gwapo at makasalanan," pagyayabang ni Damian kaya medyo napangiwi ang labi ni Elara sa kayabangan ng fated mate niya.

"Kapal ng mukha mo," inis na sagot ni Elara sabay balik sa pagkakaupo, nag focus na lang siya sa trabaho kaysa marinig ang pagyayabang ng Alpha na nasa harapan niya.

"Wag ka mag-alala hindi naman kita pagpapalit," sagot ni Damian kaya lalong nagpintig ang tenga ni Elara. Hindi niya alam saan nakukuha ni Damian ang kahambugan ninto.

"Alam mo mas gwapo nga sa'yo si Calix eh," sagot ni Elara, pero alam niya sa kaniyang sarili na mas attracted siya kay Damian. Alam ni Elara na wala ng mas gagwapo pa sa Alpha niya pero ayaw niya lang itong aminin kay Damian dahil sa kayabangan na pinapakita ninto sa kaniya.

"Ano! Si Calix na naman!" Hinampas ni Damian ang dalawang kamay niya sa table ni Elara kaya napabalikwas ito at napatitig sa mukha ni Damian na nasa harapan niya.

"May gusto ka ba kay Calix?" Seryosong tanong ni Damian, nakatitig siya maigi sa mga emerald na mata ni Elara kaya agad na iniwas ni Elara ang tingin niya sa Alpha dahil pakiramdam niya ay nanlalambot na naman ang mga tuhod niya.

"Wala! Hindi ba pwede magwapuhan sa iba? May iba't iba naman tayong preference pagdating sa mga type natin!" Sagot ni Elara at napakagat sa kaniyang labi si Damian dahil sa inis.

Hindi siya makapaniwala na natalo siya ki Calix sa kagwapuhan. Tapos si Elara pa ang nagsabi ng bagay na 'to sa kaniya.

"Humanda sa 'kin 'yan si Calix," bulong ni Damian.

"Achoo!" Samantala, si Calix naman ay biglang binahing at nakaramdam ng kilabot sa kaniyang buong katawan. Pakiramdam niya ay may darating na delubyo sa kaniya mamaya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now