CHAPTER: 71

253 19 0
                                    

Nakatitig si Francis sa hawak niyang kapirasong papel, galing daw ito kay Fiona pero hindi niya alam ang sulat kamay ni Fiona kaya hindi niya alam kung papaniwalaan niya ba ang omega na nasa kaniyang harapan.

"Andie tama?" Tanong ni Francis at tumango naman si Andie, hindi siya tumitingin sa mga mata ni Francis dahil ayaw niyang mabasa ninto ang tumatakbo sa isipan niya.

Kinakabahan si Andie na baka mahalata ninto na hindi siya kampi kay Fiona at isa sya sa mga tauhan ng bagong Alpha na si Damian. Ilang araw na siyang inuutusan ni Fiona na magbigay ng sulat kay Francis nang patago, hindi kasi siya pinapayagan humawak ng ano mang device para makipag communicate sa labas ng kaniyang silid. Kaya naman ang tanging paraan lang ni Fiona ay ang utusan kiya si Andie na lumabas para sa kaniya.

"Binasa mo ba ang laman ng sulat ni Fiona?" Tanong ni Francis, kakarampot na papel lang ito na nakatupi sa tatlo.

"Hindi po, pinagbabawal ni luna Fiona na basahin ko ang sulat na 'yan," sagot ni Andie, kinuha niya ang buong lakas niya para magsinungaling sa kaniyang Beta.  Kahit kalaban si Francis ay may autoridad pa rin itong hawak sa kanilang pack, hindi pa ito naalis sa posisyon niya kaya naman hindi niya ito pwedeng suwayin.

"Osige, makakalis ka na," sagot naman ni Francis kaya naglakad na si Andie palayo sa kaniya pero hindi inaalis ni Francis ang tingin niya kay Andie, alam niyang may mali sa omega na 'yun at alam niyang wala siyang pwede pagkatiwalaan sa loob ng pack na 'to kundi ang sarili niya, wala ng iba.

"Ano bang iniisip ni Fiona, pano niya pinalabas na anak ni Elijah ang pinagbubuntis niya," tanong ni Francis sa kaniyang sarili, mag isa lang siya sa kaniyang bahay at iniisip kung anong plano ang gagawin niya.

'Sigurado akong atin ang pup na iyon at hindi kay Elijah,' sagot naman ni Lui ang wolf ni Francis sa pamamagitan ng mind link.

Napakunot ang noo ni Francis, alam niyang hindi siya lolokohin ng kaniyang wolf pero hindi siya handa magkaroon ng anak lalo na kung kay Fiona ito. Hindi niya pa nahahanap ang kaniyang fated mate at nais niyang manatiling walang koneksyon sa kahit sino mang she-wolf, gusto niya ng malayang buhay na hindi nakadikit sa ano mang fated bond.

Isa pa, hindi siya makakakilos kung magkakaroon siya ng anak kay Fiona, paniguradong madadamay ang pangalan niya sa krimen na ginawa ni Fiona at Fernanda, mas magiging malayo para sa kaniya ang pangarap niya kung pati siya ay madadamay sa gulong 'to.

"Kailangan natin gumawa ng paraan, hindi pwedeng mabuntis si Fiona," sagot naman ni Francis na kinagulat ng kaniyang wolf.

'Anong binabalak mo? May plano ka bang  saktan ang sarili mong pup? Anak ko rin 'yun kaya huwag mong susubukan na galawin sila Francis,' utos ni Lui kasabay nang malakas na growl ninto.

"Alam mong hihilahin lang tayo ng babae na iyon pababa, hindi natin siya pwedeng pagkatiwalaan at ayoko magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kaniya," galit na hiyaw naman ni Francis, patuloy na nakikipag-usap sa pamamagitan ng mind link.

'Sana naisip mo ang lahat ng iyan bago nangyari ang lahat ng 'to!' Tumalikod si Lui at hindi na nagsalita pa, naramdaman ni Francis na iniwan siya ng wolf niya.

Nasapo na lamang ni Francis ang kaniyang noo, hindi makapaniwala na pati ang wolf niya ay nagawa siyang iwan at talikuran. Isa lang ang maaari niyang gawin para makabalik sa dati, ito ay ang patayin ang buhay na nasa sinapupunan ni Fiona.

❦❦❦

Patuloy naman nararamdaman ni Damian ang paglayo ng loob ni Elara sa kaniya, nag-uusap sila sa mga bagay-bagay tungkol sa trabaho at iba pa pero alam ni Damian na hindi na nais pang pag-usapan ni Elara ang nangyari sa kanila kagabi.

Revenge of a RejectedDär berättelser lever. Upptäck nu