CHAPTER: 35 [R18]

430 19 2
                                    

"Seryoso ka ba? Hindi ba magkakapaltos 'yang paa mo sa kakalakad ng naka-heels?" Nag-aalalang tanong ni Damian pero walang pakialam si Elara dahil abala ito sa paghahanap ng makakain nila.

"Okay lang, hindi naman sobrang taas ng suot ko," sagot ni Elara at nakakita ng mga nagbebenta ng iba't ibang street foods.

"Bili mo ko ice cream, wala akong dala pera ngayon," turo ni Elara kay Damian, napatawa na lang si Damian at sinundan si Elera sa paglalakad.

"Wala rin ata akong dalang cash," sagot ni Damian habang hinahanap ang wallet niya. Buti na lang at may nakaipit na one hundred zeno sa wallet niya at iyon ang ginastos nila sa paggala nila sa central park.

"Seryoso ka ba? Ang Alpha ng Nightraven walang pera? Titipirin natin 'tong one hundred zeno mo?" Reklamo naman ni Elara.

"Kunin mo lahat ng gusto mo, gusto mo bilhin ko pa para sa'yo 'yang mga stores na 'yan," pagmamayabang ni Damian kaya iniwan na lang siya ni Elara dahil alam niyang kaya ni Damian gawin iyon para lang magyabang.

Nagtungo sila sa iba't ibang store at kumain ng samo't saring mga pagkain sa Summergrave, pinagtitinginan pa nga sila lahat ng tao dahil ang suot nila ngayon ay hindi angkop sa lugar kung nasaan sila ngayon.

Pero walang pakialam si Elara ay Damian, parang sila lang dalawa ang tao sa mundo at hindi nagbibigay pakialam sa ano mang sasabihin ng ibang tao.

Pagtapos nila kumain ay ginala ni Damian si Elara sa iba't iba pang lugar sa central city, nanood sila ng mga live performance sa gilid ng daan, at nakisaya sa mga sayawan.

Nang malapit na mag alas dose ng gabi ay inaya na ni Damian si Elara. "Tara, pupuntahan pa tayo," aya ni Damian at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan si Elara.

"Saan? Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong naman ninto dahil ito na ang pinaka late na oras na inabot si Elara sa labas ng pack house nila.

"Basta, makikita mo," sagot ni Damian at kahit nagtataka si Elara ay sumama na lamang siya sa kaniyang mate at nagtiwala na hindi siya ipapahamak ni Damian.

Dumaan sila paakyat ng burol, matarik ang daan pero patag ito, pansin ni Elara na ginagawa pa ang lugar at wala pang katao-tao o kahit ilaw man lang sa daan.

"Hoy! Saan mo ko dadalhin?" Kinakabahan na tanong ni Elara dahil medyo liblib at malayo na sila sa bayan.

"Kumalma ka lang, makikita mo malapit na tayo," sagot ni Damian at patuloy na nag drive paakyat ng burol. Nang makarating sa tuktok ay may parking lot roon, nakita ni Elara na on going nga ang pagsasa-ayos ng lugar.

Maraming nakalagay na caution tape sa ilang bahagi ng lugar pero dare-daretsyo pa ring pumunta roon si Damian.

"Hindi ba tayo makukulong kapag nag trespassing tayo rito?" Tanong ni Elara habang sinusundan ang lakad ni Damian.

"Anong kakaso nila sa'kin? Wag ka mag-alala 'yung pupuntahan natin ay tapos na nilang ayusin," sagot ni Damian at patuloy lang naglakad si Elara sa likuran ninto habang magkahawak sila ng kamay.

Paglagpas nila sa hagdan ay natanaw ni Elara ang view point sa burol, kitang-kita mula rito ang napakagandang tanawin ng night view ng central city, pati ang katapat na royal palace ay kitang-kita rin ni Elara na nagniningning.

Sobrang breath taking ng view, hindi niya inaasahan na may ganitong lugar sa Summergrave.

"Next month ay open na rin 'to para sa iba, free lang ang entrance at mas darayuhin ito dahil dito ilalagay ang ilang tourist attractions ng empire," sagot ni Damian at hindi pa rin makapaniwala si Elara sa nakikita niya.

Sa pack house ay binabalot lang ang paningin niya ng mga puno ng kagubatan, tuwing gabi ay tanging ilaw galing sa buwan ang kaniyang makikita at nagbibigay liwanag sa buong pack.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now