CHAPTER: 50

318 17 1
                                    

"Hinahanap nila ang statement mo tungkol sa issue nitong nakaraan linggo, nagpadala na rin ng emails ilang news network at nagtatanong kung kailan ka raw pwede mainterview," report ni Calix sa kaniyang Alpha, pero wala naman pakialam si Damian sa mga ito.

"Huwag mo na sila pagtuuan ng pansin, hahayaan mo sila d'yan maniwala sa gusto nila paniwalaan," sagot naman ni Damian, alam niya naman na huhupa rin ang usap-usapan tungkol sa kaniya.

Importante lang naman kay Damian ay hindi masama ang issue na binabato nila kay Elara, kung siya lang naman ang naiipit sa issue na ito ay wala na siyang pakialam.

"Sure ka ba Alpha Damian? Pano 'yung mga connections natin at ilan pang pack na kasyoso natin?" Tanong ni Calix, ilan na kasi ang umatras sa mga deals na ponag-usapan ng pack nila dahil sa nangyari kay Damian at Elijah.

"Sanay na ang pack natin na mag-isa, wala naman tumutulong sa atin noon, kaya anonpang bago?" Tanong ni Damian, isa-isa niyang inalis ang sintas ng kaniyang sapatod at hinubad ito.

"May isa pa akong report Alpha," sagot ni Calix. Nasa loob sila ng locker room na malapit sa training ground, nais ni Damian na mag training dahil ilang araw na rin siyang nakahiga sa kama at nagpapahinga.

"Ano 'yun? May iba pa bang problema?" Tanong naman ni Damian, naiinis na siya kasi umagang-umaga pero ang dami niya na kaagad kailangan asikasuhin at isipin.

"Hindi pa rin daw nagigising si Alpha Elijah," sagot ni Calix, kabado siya sa balita na ito dahil paniguradong makakasira ito sa relasyon ng dalawang pack.

Oo, alam niya naman na matagal ng sira ang relasyon ng Nightraven at Forestheart pack pero magkapatid pa rin si Damian at Elijah at kailangan pa rin nila maayos ang samahan nila.

"Ano? Pano nangyari iyon? Sinugurado ko naman na hindi siya mapupuruhan," sagot ni Damian kahit na nabalian niya na ng buto ang kaniyang kuya.

"Sabi nila ay wala naman daw problema sa ulo ni Alpha Elijah, at ang tanging natamo niya lang naman ay bali sa kaniyang braso at binti, pero nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nito dinidilat ang mga mata niya," paliwanag ni Calix. Kinakabahan siya na baka gamitin nila ito laban kay Damian, baka kasuhan nila si Damian o ano pa mang parusa ang ibigay nila.

"Hindi nila tinignan mabuti ang kondisyon ni Elijah, paniguradong may mali sa kaniya," sagot i Damian, napahawak siya sa kaniyang ulo at malalim na nagbuntong hininga.

"Paniguradong si Francis na ang hahawak ng posisyon ni Elijah pasamantala," tugon niya at muling lumapit sa kaniya si Calix kaya napalingon si Damian at tinaas ang isa niyang kilay dahil alam niyang may nais pang sabihin si Calix sa kaniya.

"Don't tell me meron ka pang report? Hanggang ilan ba 'yan? Aabutin ba tayo ng madaling araw d'yan?" Tanong ni Damian, nais niya na magpapawis pero hindi siya makaalis sa harap ni Calix.

"Actually, Alpha Damian. Nais kang makausap ni Alpha Diego, gusto niya dumalo ka sa meeting bukas o kahit tawagan man lang siya dahil may importante siyang sasabihin sa'yo," paliwanag ni Calix kaya lalong kumunot ang noo ni Damian.

"Hindi niya pa sinabi sa'yo kung ano 'yun? Tsk, sakit sa ulo talaga 'yang mga Reed na 'yan," sagot ni Damian kaya napailing na lamang si Calix sabay bulong ng, "Reed ka rin naman kaya sakit ka sa ulo," bulong ninto kaya agad tumingin sa kaniya si Damian nang masama at ngumiti lang si Calix bilang sagot.

"Bahala ka d'yan, kung wala ng iba pang report ay mag tetraining na muna ako," sagot ni Damian at tumango naman si Calix. Lumabas na ng locker room si Damian at sinalubong siya ng iba pang pack members na gustong makipag sparring sa kaniya.

"Alpha Damian, may papakita ako sa'yong bagong moves! Sure ako hindi mo na ako kayang mahabol," pagyayabang ng batang trainee kaya napangiti si Damian.

"Ayaw kitang patulan baka umiyak ka," sagot naman ni Damian kaya napanguso ang batang trainee at masaya na lang pinagmasdan ang kaniyang Alpha.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon