CHAPTER: 60

288 13 1
                                    

"Ngayon na lang ulit kita nakita Elara, kamusta ka na? Mukhang kailangan na kitang tawaging Luna Elara ah," tugon ni May, ang taong pinagkakatiwalaan ni Damian sa loob ng Forestheart pack.

Ngumiti lang si Elara, sa totoo lang ay hindi niya na matandaan kung sino si May o kung nagkita na ba sila noon. Madalas siyang hindi nalabas ng bahay at laging nasa hospital at walang malay kaya madalang talaga siya makatanda ng mga tao sa paligid niya.

"Pasensya na po, hindi ko na kayo matandaan," paliwanag ni Elara habang nahihiyang ngumiti sa harap ni May. Naiintindihan naman ito ni May dahil sa lahat ng member ng Forestheart pack ay siya ang nakakita kung pano labanan ni Elara ang sakit niya noon, kung pano ito mag agaw buhay sa hospital at kung pano ninto nalagpasan ang sitwasyon na iyon.

"Hahaha, ayos lang. Lagi ka rin walang malay tuwing ako ang nurse na tumitingin sa'yo, kaya hindi na ako nagtaka if hindi mo ako natatandaan," tugon ni May sabay hawak sa kamay ni Elara.

"Salamat sa pagtanggap mo kay Alpha Damian, kahit na sobrang daming bad rumors sa kaniya ay naniwala ka pa rin sa kaniya. Mabait na bata 'to, basagulero nga lang," sagot ni May, nahihiya naman si Damian dahil hindi niya maitanggi ang sinasabi ni May. Bata pa lamang si Damian ay lagi na rin siyang nasa hospital dahil sa kakulitan niya, laging may bali at sugat sa katawan dahil sa pagiging malikot at sutil niya.

"Hahaha, salamat din po sa paniniwala sa Alpha ko," sagot ni Elara kaya hindi naman naiwasan ni Damian na magpout.

"Osiya, ako na bahala kay Alpha Elijah, mabuti pang sabihin niyo rin ito kay Diego at alam kong kakampihan kayo nun kahit na mukha siyang kalaban ay mapagkakatiwalaan naman siya kapag pamilya na ang pag-uusapan," sagot ni May at tumango silang dalawa saka nagpaalam at lumabas ng hopsital.

"Tingin mo mapagkakatiwalaan natin si Alpha Diego katulad ng sinabi ni May?" Tanong ni Elara at tumango naman si Damian. Kilala niya ang kaniyang ama, sakim man ito sa kapangyarihan ay iniisip naman ninto kung pano mapapanatiling maayos ang Forestheart pack, hindi hahayaan ni Deigo na maibigay ito sa maling tao.

"Oo, hindi niya hahayaan na may mamatay isa sa mga anak niya, at hindi niya rin hahayaan si Fiona na gawin ang mga gusto niya. Pero ang iniisip ko lang, makikinig kaya ang lahat ng pack members sa sasabihin ni Alpha Diego? Kung sakaling patalsikin nila si Fiona sa pagiging Luna?" Tanong ni Damian dahil hindi ganoon kadali ang bagay na iyon. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang Alpha ng Forestheart, kung madadawit ang pangalan niya sa gulo na ito ay paniguradong hindi siya papanigan at pakikinggan ng mga members ng Forestheart.

"Mananalo pa rin naman ang hustisya Damian, panigurado ako na papanig ang mga pack members nila kay Alpha Diego at syempre kung patunayan na si Fiona nga ang may kagagawan ninto ay mas kakampi sila kay Elijah 'di ba?" Tanong ni Elara at tumango naman si Damian bilang pagsang-ayon.

"Ang problema lang ay pano natin mapapatunayan na si Fiona nga ang gumawa nun? Pano natin siya madidiin sa sitwasyon na 'to?" Tanong ni Damian, naglalakad na sila papunta sa pack house, wala masyadong pack members sa daan na ito kaya nakakapag-usap sila nang maluwag ngunit pabulong.

"Iyon din ang iniisip ko ngayon, masyado pa naman tuso si Fiona at isa pa, mukhang hindi lang si Fernanda ang kakampi niya sa pack na 'to," sagot ni Elara, tinginan pa lang nilang dalawa ay alam na ni Damian kung sino ang tinutukoy ni Elara sa bagay na iyon.

"May kakaiba rin akong napapansin kay Francis, hindi siya active sa mga ganitong bagay pero ngayon ay nakikita kong kumikilos siya sa posisyon bilang Alpha, may iilan na rin na pack members ang nakakapansin ng pagbabago sa kaniya, kung mananatili sa ganitong sitwasyon ay paniguradong makukuha ni Francis ang loob ng buong Forestheart at kakampi ang mga ito sa kaniya bilang bagong Alpha," sagot ni Damian. 

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon