CHAPTER: 44

360 23 7
                                    

Nakatingin si Damian sa kaniyang mga kamay na nakapatong sa lamesa, isa siyang Alpha at kinatatakutan ng lahat pero hindi niya magawang tumingin sa mga mata ni Calisto na ama ng kaniyang Luna.

"Alam mo naman siguro mahina ang pangangatawan ni Elara," pag-uumpisa ni Calisto sa usapan nila. Ngayon na medyo kalmado na ang lahat ay may pagkakataon na siyang kausapin si Damian at pag-usapan kung anong hakbang ang gagawin nila.

"Alam ko po," sagot naman ni Damian, pero hindi siya makaharap ng ayos kay Calisto dahil pakiramdam niya ay nagkulang siya sa pag-aalaga kay Elara. Naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mahawakan ni Elijah si Elara, hindi nuya agad naligtas si Elara sa traumang dinulot ni Elijah.

"Alam mo pero tinanggap mo pa rin siyang luna? Pwede bang pakipaliwanag mo sa akin kung anong nakita mo kay Elera at naisipan mo siyang tanggapin bilang Luna mo," seryosong tanong ni Calisto dahil nais niyang makasigurado na nasa mabuting kamay ang prinsesa niya.

Hindi niya alam kung anong binabalak ni Damian kay Elara, hindi niya alam kung may nalalaman ba ito tungkol sa tunay na pagkatao ni Elara kaya ninto tinanggap ang anak niya.

"Hindi ko pa nalalaman na luna ko siya ay gusto ko na talaga si Elara," nahihiyang sagot ni Damian, gusto niya nang lamunin ng lupa dahil sa pag-amin niya sa harap ni Calisto.

"Ha? Hahaha! Pinapatawa mo ba ako? Gusto mong maniwala ako sa sinasabi mo samantalag kitang-kita ko kung pano mo asarin si Elara noong mga bata pa kayo..." napaisip si Calisto ng mapagtanto niya ang sinabi niya.

Tama naman siya na lagi talagang inaasar ni Damian ang anak niya noon, walang isang araw na lumipas na hindi dumadaan si Damian sa bakuran nila para lang istorbohin si Elara sa bintana ng kwarto niya.

Doon niya na pagtanto, baka torpe lang talaga ang Alpha ag iyon ang paraan ninto ng pagpapakita ng pagtingin niya kay Elara.

"Huwag mong sabihin na dinadaan mo sa pang-aasar 'yang nararamdaman mo sa anak ko noon?" Tanong ni Calisto at gusto niyang upakan si Damian dahil sa kapilyuhan na ginagawa ninto noon sa kaniyang anak.

"Anong magagawa ko, lagi niya rin ako inaaway? Hindi ko masabi sa kaniya 'yung nararamdaman ko kasi lagi siyang nakadikit kay Elijah," inis na sagot ni Damian, alam niyang napaka immature niya noon hanggang ngayon pero malaki na rin ang pinagbago niya at alam niya na kung pano niya iingatan si Elara.

"Alam niyo naman siguro ang reputation ko sa pack na 'to, kinaiinisan ako ng lahat dahil bastardo lang ako at nung namatay ang aking ina ay lalo pang lumala ang masamang tingin nila sa akin. Defense mechanism ko na 'yun para hindi nila ako maliitin," nahihiyang depensa ni Damian, pero totoo naman ang kaniyang sinabi dahil kaya lang maman siya naging bully at panay gulo ang dulo sa pack ay dahil nais niyang makuha ang atensyon ng kaniyang ama at para huwag din siyang maliitin ng pack members nila dahil sa bastardo siya.

"Nagdadahilan ka pa talaga sa akin? Sabihin mo na lang na talagang hindi mo kayang tratuhin ng ayos ang anak ko," sagot ni Calisto, sinusubok niyang maigi kung hanggang saan kakayanin ni Damian ang mga masasakit na salitang binabato niya.

"Alam ko marami akong nagawang pagkakamali noon, hindi ko na maitatama pa 'yung pang bu-bully na ginawa ko kay Elara noon pero gusto ko bumawi sa kaniya noon, gusto ko protektahan siya ngayon dahil siya naman ang dahilan bakit ako nagpalakas ng ganito, kaso kulang pa rin pala, hindi ko pa rin siya maprotektahan ng ayos," sagot ni Damian at ramdam ni Calisto ang lungkot sa boses ng Alpha.

"Galing ako sa mission, inutusan ako ng emperor na magbantay sa Summer Sea kaya nawala kami ng tatlong araw sa pack house, hindi ko alam na kinuha niyo pala siya sa Nightraven at pinilit na bumalik sa pack na 'to," sagot ni Damian, hindi niya maitatago ang inis niya kay Calisto sa pagpilit nitong pabalikin si Elara sa Forestheart.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon