CHAPTER: 68

379 24 6
                                    

Umeeko ang bawat hakbang na ginagawa ni Elara pababa ng hagdan sa malamig at madilim na dungeon ng Foretsheart pack.

Ramdam ni Elara ang init ng panahon na madaling nawala pagpasok niya sa dungeon, binalot ng lamig ang kaniyang braso at binti habang binabaybay ang kahabaan ng mga bakanteng selda.

"Nasa dulong parte pa siya," sagot ni Damian habang hawak ang lampara na ginagamit nila tuwing magpupunta sa lugar na ito.

"Pwede mo na kong iwan dito, ayokong makita mo 'yung panget na side ko," sagot ni Elara kay Damian, napangisi naman ng ngiti si Damian dahil anong side pa ba ni Elara ang hindi niya nakikita? Iniisip niya pa lang ang badass side ng kaniyang Luna ay na e-excite na siya.

"Anong side mo pa ba ang hindi ko nakikita?" Tanong ni Damian saka inabot ang lampara kay Elara.

"Marami pa," mapang-asar naman na sagot ni Elara kaya natawa na lamang si Damian at tumango sa kaniya. "Mag-iintay ako sa hagdan, tawagin mo ko kapag may kailangan ka," sagot ni Damian saka humalik sa noo ni Elara.

"Thank you Damian," tugon naman ni Elara at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa dulong selda kung saan nakakulong si Fernanda. Pinagmasdan lang siya ni Damian hanggang sa palayo na nang palayo ang liwanag na gawa ng lampara na hawak ni Elara.

Kampante naman si Damian na walang mangyayari kay Elara, mas kabado pa nga siya para kay Fernanda dahil alam ni Damian na hindi mapipigilan ni Elara na saktan si Fernanda. Hindi makakapalag si Fernanda kung sakaling saktan siya ng isang omega na kagaya ni Elara, dahil ang kulungan kung saan siya na kakulong ay binabalot ng silver na siyang nagpapahina sa kanilang mga wolf.

Pabor ito kay Elara dahil sa ngayon ay nanatili pa rin siyang wolfless, hindi siya manghihina sa silver at kayang-kaya niyang saktan si Fernanda na walang kalaban-laban sa kaniya.

Nagpatuloy naman si Elara sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa dulong selda kung saan nakita niya si Fernanda na nanghihina na, ang malambot at laging nakakulot na buhok ninto ay sobrang gulo, buhol-buhol at hindi na nasusuklay ng ilang araw, miske ang suot nintong damit ay napakarumi, mabaho at halatang hindi nababasa ng tubig o nakakaligo.

Nakatitig lang si Elara sa imahe ni Fernanda na nasa harapan niya, tinatatak niya ito sa kaniyang isipan at pinapangako na hinding hindi niya kakalimutan ang pagkakataon na ito kung saan siya naman ang nakatingin kay Fernanda nang pababa.

Tandang tanda ni Elara kung pano siya maliitin at tignan nang pababa ni Fernada at Fiona habang nakahandusay soya sa malamig na simento ng hospital, dinudugo at hindi makagalaw. Kitang-kita niya ang mga matang masaya na minamaliit siya, habang siya ay naghihingalo at walang magawa sa pagkawala ng kaniyang anak.

"Mom," tawag ni Elara kay Fernanda at dahan-dahan itong tumingala para tignan siya, nang magtama ang mga paningin ni Elara at Fernanda, agad na ngumiti nang malambing si Elara sa harapan ni Fernanda para ipakita kung gano siya kasaya sa kalagayan ninto ngayon.

"You... you bitch!" Hiyaw ni Fernanda at mabilis na tinangkang hablutin si Elara pero agad nakalayo si Elara sa rehas na pumapagitan sa kanila.

"Bakit mo naman akong tinawag na bitch, Mom? Gusto mo bang malaman ni Dad na hindi ikaw ang perfect stepmom sa buong mundo?" Sarkastikong tanong ni Elara, umaakto pa si Elara na nakakawa at nasasaktan sa sinabi ni Fernanda pero ang totoo ay nais niya lang asarin ito.

"Iyan ba ang tunay na ugali mo?" Tanong ni Elara sabay hawak ng isa niyang kamay sa kaniyang pisngi at sumimangot. Gusto niya makita ang pagkairita sa mukha ni Fernanda, gusto niya galitin pa ito at lalong mainis sa kaniya.

"Akala ko ba you care? Akala ko ba gusto mo na maging okay ang family natin? So why? Why did you do that!" Malakas na hiyaw ni Elara kaya napalunok si Fernanda dahil ramdam niya ang killing intent sa boses na puno ng galit galing kay Elara.

Revenge of a RejectedKde žijí příběhy. Začni objevovat