CHAPTER: 08

529 24 2
                                    

Nakakunot ang noo ni Elijah habang nakaupo sa harap ng mahabang mesa, sa ibabaw nito ay nakahanda ang masasarap na putahe at pagkain galing pa sa iba't ibang pack mula sa Gazina pero ni isa rito ay hindi niya magawang tikman dahil kahapon pa humihilab ang kaniyang tiyan.

"Bwisit na Fiona 'yun, balak niya ba akong lasunin?" Iritableng bulong ni Elijah habang iniintay dumating ang ibang guest at family members niya.

'Siguro ay talagang binili niya iyon para kay Elara, pero binigay sa'yo ni Elara para magustuhan mo ang pamilya niya. Malas mo lang at ikaw ang napahamak,' sagot ni Dexter ang wolf ni Elijah.

'Buti na lang din at ako ang nakakain nun, ano na lang mangyayari kay Elara kung siya ang kumain? Ang hina pa naman ng katawan niya baka hindi na siya makadalo sa party, gusto ko siya ipakilala sa ibang members ng family Reed, paniguradong magagandahan sila kay Elara.' Nais niyang gawing display ang magandang mukha ng nobya niya at ipagmayabang ito, wala naman silang magagawa kahit omega lang si Elara, hindi nila pwede pagsalitaan si Elijah dahil siya na ang Alpha at pwede naman siyang kumuha ng chosen mate at fated mate niya.

"Elijah, nakita mo ba ang mga kapatid mo?" Napalingon si Elijah sa kakadating lang na si Esmeralda, ang Luna ng pack at ang kaniyang ina.

"Hindi ko alam kung darating si Damian, pero si kuya Francis ay nasa taas pa," sagot ni Elijah, nakita niya ang kuya niya na may kasamang tatlong she wolf, mukhang makikipaglaro pa ito sa apoy bago ang dinner party nila.

"Tsk, wala talagang ginawang maganda ang mga kapatid mong iyan, puro sakit sa ulo," sagot ni Esmeralda at umupo sa tabi niya, mayamaya ay dumating na rin ang dating Alpha, ang ama ng tatlong magkakapatid na si Diego Reed.

Binati siya ng ibang quest at ibang pack members, nakipag-usap muna siya sa ilang mga kakilala niya at hindi man lang sinamahan ang asawa niya sa party. Marami pa ring she wolf ang lumalapit kay Diego kahit na may edad na ito at ito ang kinaiinis ni Esmeralda.

"May pinagmanahan talaga ang kuya Francis mo," iiling iling na sagot ni Esmeralda pero walang pakialam si Elijah sa mga sinasabi niya at hinahanap ang scent ni Fiona sa mga bisita, hindi niya maitatanggi na tinatawag siya ng scent na iyon.

At agad niyang nakita si Fiona, nakasuot ito ng low-cut red form-fitting dress with a black heels, ang blonde niyang buhok ay nakapulled up high in a ponytail, mayroon siyang mapulang pisngi at sobrang pulang lipstick, mukha siyang babaeng pwede ng ibenta sa red district.

Napailing si Elijah, hindi niya talaga type ang ganoong porma ng isang babae, masyado itong trying hard para sa paningin niya, kung hindi lang dahil sa wolf scent ni Fiona ay hindi niya na iisipin pang tumingin sa direksyon ninto.

"Ang ganda ng anak ni Fernanda ah, masyado lang makapal ang make up niya pero pwede na," kumento ni Esmeralda sa kaniyang anak, nais niya kasing hiwalayan na ni Elijah ang nobya nitong si Elara dahil isa lamang itong omega.

Agad na napatayo si Elijah nang makita ang papasok na babae sa loob ng party hall, nakasuot ito ng red wine silk cut-out fitted dress na lagpas sa kaniyang tuhod, ang itim na buhok ninto ay nakatali sa isang low messy bun na mas nagpapakita ng maliit at magandang mukha ng dalaga, at ng maputi at makinis nitong leeg at batok, habang may suot itong pearl na earrings at light make up at black designer bag.

"Elara," tumakas ang pangalan ni Elara sa bibig ni Elijah habang nakatitig siya sa inosente yet elegant na nobya. Halos lahat din ng mga bisita ay nakatingin sa dalaga habang galit na galit si Fiona dahil nasapawan siya ng stepsister niya.

"Wow ang ganda naman ng best friend ko, ikaw lang ang nakared dress dito na sobrang tawag pansin, iba talaga ang cut out fitted dress na 'yan bagay na bagay sa magandang hulma ng katawan mo," kumento ni Melody kahit siya naman ang pumili at nag ayos kay Elara para sa gabing ito.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now