CHAPTER: 16

490 20 3
                                    

Sa loob ng pack house ay may inilaan na mga kwarto para sa mga ceremony at iba pang parte ng kagawaran na bumubuo sa Forestheart pack. Ngayon ang kwarto na puno ng mga lycan at werewolf ay ang rejection ceremony hall kung saan gaganapin ang mga rejection request sa loob ng pack. Isa sa listahan ay ang rejection request ni Elara, hindi na sana sila aabot sa ganitong ceremony kung tinggap lang ni Elijah ang gusto niya.

Kapag ang dalawang lycan o werewolf ay nais na maghiwalay o hindi naman kaya ay putulin ang bond na namamagitan sa kanila ay kailangan tanggapin ng both parties ang rejection na iyon, kapag hindi sumangayon ang isa sa kanila ay dito na nila maaring idaan ang rejection request na titignan ng council sa loob ng isang pack.

'Nasaan na si Elara? Wag mong sabihin na umurong na siya sa request niya?' Tanong ni Fernanda sa kaniyang anak na si Fiona sa pamamagitan ng mind link.

'Hindi ko alam, umuwi tayo kahapon sa bahay wala siya 'di ba? Pero nagpaalam naman siya na matutulog siya sa best friend niyang si Melody,' sagot naman ni Fiona habang palingat-lingat at hinahanap ang stepsister niya na miske anino ay wala pa sa ceremony hall.

Nakaupo ang mag ina sa harap ng council at nais nilang mapanood nang malapitan ang pagkakamaling gagawin ni Elara sa buong buhay niya. Iniisip ni Fiona na si Alpha Elijah na nga lang ang magandang nangyari sa buhay ni Elara ay papakawalan niya pa ito, kung hindi ba naman ito tanga at binitawan pa ang pinaka importante sa kaniya.

Pero pabor ang bagay na ito sa kaniya dahil nais ni Fiona na makuha si Alpha Elijah sa kahit anong paraan na makakaya niya. Paniguradong wala ng makakapigil sa kaniya kung papakawalan na ni Elara ang Alpha.

"Asan na ba si Elara," muling banggit ni Fernanda hindi dahil sa nag-aalala siya kay Elara, kundi hindi na siya makapag-intay na masaksihan ang rejection ng dalawa. Alam niya na kung makukuha ng anak niyang si Fiona ang nobyo ni Elara ay mas magiging mataas pa ang tingin ng lahat sa kanila, mas magiging malakas ang koneksyon nila sa kapangyarihan ng mga Reed.

"Mag-uumpisa na ang rejection ceremony, ang dalawang nag nanais ng seremonya na ito ay lumapit sa aming harapan," anunsyo ng isang gamma na nasa tabi ng tatlong elder wolf at ng dating Alpha na si Diego.

Tumayo si Elijah sa kaniyang kinauupuan at pumunta sa taas ng entalado kung saan makikita ng lahat ang rejection na gagawin ng dalawang kampo, nakatingin ang lahat sa kanilang Alpha at takang-taka pa rin sa nangyayari sa magkasintahan.

Apat na taon na magkarelasyon sina Elijah at Elara kaya naman malaking balita ito para sa lahat ng members ng Forestheart pack, hindi lang sa kanilang pack, pati na rin sa nakakakilala kay Elijah at sa mahina at wolfless na si Elara.

"Nasaan na si Elara?" Tanong ng mga saksi sa ceremony.

"Baka hindi niya na gustong matuloy ang rejection ceremony? Natauhan na ata sa mga pinagsasabi niya noong dinner party." Puno ng mga usap-usapan ang loob ng rejection hall at lahat sila ay pinagtatawanan si Elara dahil sa mga ginawa at sinabi ninto nung mga nakaraang gabi.

Tingin nila kay Elara ay isang tanga na nagsasayang ng biyayang hindi niya naman deserve. Para siyang nagtapon ng ginto kung papakawalan niya pa si Elijah na tinitingala nilang lahat.

"May ten minutes pa bago mag start ang ceremony, maaari pa natin intayin ang chosen mate mo, Alpha Elijah," bulong ng gamma at tumango naman si Elijah habang tahimik na nag-iintay.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa sa kaniya nina Elara at Damian kagabi, sobrang sama ng kaniyang loob sa nobya pero hindi niya magawang awayin si Elara dahil mas lalo itong lalayo sa kaniya. Naniniwala kasi si Elijah na may malaki siyang nagawa na nagtrigger sa pagbabago ng ugali ni Elara, kilala niya ang nobya at alam niyang hindi siya matitiis ninto.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon