CHAPTER: 62

286 16 2
                                    

"Oh bakit bumalik kayo? May nakalimutan ba kayong dalawa?" Tanong ni Alpha Deigo kahit na nakakatunog na siya sa kung ano ang pakay ng dalawa sa kaniya. Nakausap niya na si Damian at Ealara kanina, alam niyang mahihirapan siyang papayagin si Damian sa pagiging Alpha ng Forestheart pero alam niya rin na kakagat ito sa plano niya dahil kailangan ni Damian at Elara ang tulong niya.

"May kailangan kaming tanungin," sagot ni Damian habang nasa likod niya si Elara na nag-aalinlangan kung tama ba ang hakbang na gagawin nila.

"Parang alam ko na kung tungkol saan," sagot namani ni Diego. Ngumiti siya sa kaniyang anak na si Damian at ganoon din kay Elara saka ito pinapasok sa kaniyang opisina at pinaupo.

"Alam kong hindi mo kami tutulungan ng walang kapalit, kaya magbibigay din ako ng kondisyon," sagot ni Damian kaya napangiti si Diego habang umiinum ng wine.

"Sige, papakinggan ko kung ano ang kondisyon na iyan," sagot ni Diego saka binaba ang baso ng wine at umupo sa study chair niya nang nakadekwatro ng upo at nakahalukipkip.

"Kukunin ko ang posisyon ng pagiging Alpha ng Forestheart pack kung tutulungan niyo kaming mapaalis si Fernanda at Fiona sa pack, mas mabuti kung mapapakulong natin sila," sagot ni Damian sa kaniyang ama kaya napaismid ito ng ngiti habang nakatitig kay Damian at Elara.

"Pero anong dahilan? Hindi ako pwede magbase lang sa galit ng iyong Luna kay Fernanda at Fiona para patalsikin o ipakulong sila sa Forestheart," sagot ni Diego, kahit na alam niya naman na ang sagot ay nais niyang paikutin ang mga dalawa sa kaniyang mga plano.

Nung nalaman niya kung sino talaga si Elara at kung saan galing na angkan ito ay nag back ground check na siya kay Emely, doon niya nalaman ang lahat ng mga koneksyon ninto at syempre dahil matagal niha na rin kilala si Emely na kaibigan ng kaniyang pangatlong mate na si Daisy ay alam niya ang nakaraan nila kasama si Fernanda.

Hindi niya pinapakialamana ang nalaman niyang impormasyon kay Fernanda dahil alam niyang magagamit niya ito sa mga susunod niyang plano, at tama ang kaniyang hinala dahil pwede niya itong magamit ngayon para lalo pang mapilit ang bunso niyang anak na hawakan ang Forestheart pack.

"Hindi ba't malaking dahilan na ang ginawa nilang paninira sa buhay ko para patalsikin sila? Isa pa, may kutob ako na may kinalaman si Fernanda sa pagkamatay ng aking ina," sagot ni Elera, hindi na siya makapag-intay na malaman ang totoong kwento kaya siya na mismo ang sumagot sa tanong ni Diego.

Kitang-kita ni Diego ang determinasyon sa mga mata ni Elara, tuwing nagkikita sila ni Elara ay lagi siyang binibigla at pinapabilib ninto dahil sa mabilis na pagbabago ng ugali at pinapakita nintong tapang sa kaniyang harapan.

Hindi niya maiwasan maalala si Emely na kaniyang kaaway at kaibigan.

"Hahaha, alam mo kamukhang kamukha mo si Emeley tuwing nagagalit siya," sagot ni Diego at umayos ng upo. Tinukod niya ang kaniyang mga siko sa office table niya at tumingin nang diretsyo kina Damian at Elara.

"Sige, tutulungan ko kayong mapabagsak at maalis si Fernanda sa Forestheart, tutal matagal na rin silang sakit sa ulo," sagot ni Diego at nagsimula na magkwento.

"Magkakilala kami nina Emely at Daisy nung college, hindi kami ganoong close ni Daisy at lagi ko naman kaaway si Emely noon. Pero madalas kami magkakasama sa misyon noon, at galing kami sa iisang pack," pag-uumpisa ni Diego sa pagkukwento sa kanilang nakaraan.

"Noon, nakikita k na 'yan si Fernanda na madalas kasama ni Emely at alam kong best frriend sila nung high school pero mas matagal na magkakilala si Daisy at Emely, madalas din pag-awayan ni Dairy at Emely iyang si Fernanda dahil ayaw ni Daisy kay Fernanda sa hindi ko alam na dahilan, pero mukhang malinaw na sa akin ngayon kung bakit ayaw niya kay Emely na dumidikit kay Fernanda noon." Kumunot ang noo ni Elara habang pinakinggan ang kwento ni Alpha Diego pero it makes sense para sa kaniya, halatang totoo naman ang mga kwento ninto at ang class picture din na nasa kanila ay high school pa.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now