CHAPTER: 64

327 24 2
                                    

Pumuslit si Calisto sa loob ng Herveaux pack, hindi niya inaakala na maluwag lang ang security sa loob ng kanilang pack na lalong nagbibigay sa kaniya na pagtataka.

Hindi kaya isa itong trap? Bakit tila napaka bilis niya naman ata makapasok sa loob ng isang kilalang pack na siyang naka assign para magbantay sa emperor.

Nasa taas ng puno si Calisto, nagtatago sa makakapal na sanga ng puno ng nara. Pansin niyang walang ibang lycan o werewolf ang nag iikot sa pasilidad, maraming mga mortal ang nasa loob, mga katulong at iba pang tauhan sa loob ng manor.

'Open sila sa pagpapatira ng mga mortal sa pack nila?' Tanong ni Calisto sa kaniyang isip.

Ngayon lang diya nakakita ng ganitong set up sa isang pack, halo-halo ang amoy na kaniyang naamoy sa hangin, tila hindi lang mortal ang kasama nila sa loob ng pack na ito. 

"Tito Calisto?" Napalingon si Calisto nang makita niya si Melody, paakyat pa lang ito sa bakod ng manor na malapit sa pinagtataguan niya. Sa dami ng iba't ibang nilalang sa kaniyang paligid, hindi niya namalayan na nasa likod niya si Melody o hindi man naamoy ang wolf scent ninto.

"Anong ginagawa mo rito?" Bulong ni Calisto at tumalon naman si Melody sa kabilang sanga ng puno na pinagtataguan ni Calisto.

Nakasuot si Melody ng black leather pants, white sando at navy green jacket. Wala itong kaarmas-armas sa kaniyang katawan, pero alam ni Calisto na kaya nintong protektahan ang kaniyang sarili dahil alam niyang black belter sa taekwondo at iba pang martial arts si Melody.

"Inutusan ako ni Damian na hanapin si Emmanuel," sagot naman ni Melody at sinuri ang buong paligid. Napansin niya ang mga bagay na napansin ni Calisto sa kaniyang pagmamasid.

"Masyadong maluwag ang security nila sa lugar, halatang wala silang kinatatakutan," sagot ni Melody at napangiti si Calisto dahil katulad ng pack na ito, ganoon din si Melody, walang kahit anong dalang armas dahil wala siyang kinatatakutan.

"Tingin mo dapat dumaretsyo na lang tayo sa main gate?" Tanong ni Calisto pero huli na ang lahat nang maramdaman nila na may nakatuktok na baril sa kanilang direksyon. Pagkaputok ng baril ay umalingawngaw ito sa buong estate na dahilan para lahat ng mga lycan ay maalerto ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtungo sa lugar ng insedente.

Kampante sila na mabilis lang mareresulba kung ano man ang problema na iyon, isa pa napakaraming lycan at iba pang knight ang nasa buong paligid ng estate o ng pack house.

Mabilis naman naiwasan ni Calisto at Melody ang mabilis na bala at tumama ito sa puno, nakita nilang silver bullet ito at talagang ginawa para sa kanilang mga lycan. "Anong pakay niyo rito sa Herveaux?" Tanong ng binata na may hawak ng baril, kalmado ito, bored na nakatingin sa kanila ang kaniyang mapungay na mata na tila inaantok kahit tanghaling tapat.

Nagkatinginan sina Melody at Calisto, alam nilang mas makakabuti kung makikipag-usap sila ng ayos sa mga ito. Kaya unang bumaba ng puno si Calisto at sinundan siya ni Melody na perfect na lumanding sa lupa ang mga paa. Pagbaba ni Melody ay agad na panganga sa kaniyang kagandahan ang binata, para siyang nakakita ng isang secret agent, para sa mga mata niya ay sobrang cool ni Melody.

"Nawala 'yung boredom sa mata niya," bulong naman ni Calisto at natatawa dahil mukhang na love at first site ang mortal na binata kay Melody. Natawa naman si Melody at ginamit niya na itong pagkakataon para makausap ang sino mang head ng house o Alpha na nagmamay-ari ng estate na ito.

"Sorry kung hindi kami dumaan sa main gate, actually tinitignan muna namin ang sitwasyon bago kami magpakita. Andito kami para makausap ang head ng house," sagot ni Melody, hindi niya sinabi na hinahanap nila ang Alpha ng Herveaux dahil baka isang sekreto ang pagiging lycan ng ibang members ng estate na ito.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now