CHAPTER: 40

324 18 1
                                    

"Sinasabi mong nahuli mo si Alpha Elijah na may ibang babae, at bukod pa roon si Fiona na fated mate niya?"Hindi makapaniwala si Calisto nang sabihin ni Elara ang side niya. Hindi niya inaasahan na magagwa ito ni Elijah dahil buong akala niya ay matino ang Alpha nila.

"Hindi alam ni Fiona na fated mate niya si Alpha Elijah dahil hindi pa siya eigthteen, nun nung nakaraang buwan lang nila nakumpirma na si Alpha Elijah nga ang fated mate niya, walang kinalaman si Fiona rito, sweetie," paliwanag naman ni Fernanda kaya wala na nagawa pa si Elara para baluktutin ang kwento at mapapanig niya sa kaniya si Calisto.

"Totoo ba ang sinasabi nila Elara? Sabihin mo sa akin," tanong ni Calisto at nais marinig mismo sa bibig ng kaniyang anak ang katotohanan.

"Opo, Dad. Tinatago ni Elijah na fated mate niya si Fiona habang nobyo ko pa siya, kaya ni reject ko siya at nais nang umalis sa pack na 'to, dahil nalaman ko rin na fated ko naman si Damian," sagot ni Elara.

Nagulat si Caliso sa mga nangyayari, para bang pinaglalaruan ng Moon Goddess ang kaniyang anak.

"Bakit sa lahat ng lycan, si Alpha Damian pa?" Tanong ni Calisto sa kaniyang sarili at wala ng nagawa kung hindi iyuko ang ulo niya at hawakan ito ng kaniyang dalawang kamay.

Nasaktan si Elara sa sinabi ng kaniyang ama, alam niyang panget ang imahe ni Damian sa Forestheart pero hindi ito dahilan para husgahan nila ng ganito si Damian.

Nakita na ng dalawang mata ni Elara kung gano kabait is Damian, kung gano ninto kamahal ang pack niya.

"Mabait si Alpha Damian, hindi niya ako magagawang saktan hindi katulad ni Elijah," sagot ni Elara na nagpapintig ng tenga ni Fiona.

Kinakain na naman ng inggit si Fiona dahil alam niyang totoo ang sinasabi ni Elara, kalat na kalat sa social media ang tungkol kay Damian at kung gano ninto kamahal ang fiancée niyang si Elera.

Hindi katulad ni Elijah na patuloy pa ring nakakulong sa nakaraan at minamahal ang babaeng nag reject sa kaniya.

"Pano mo nasisigurado 'yan Elara? Hindi ba't iniwan niya ang sarili niyang pack para maging tau-tauhan ng emperor?" Tanong ni Calisto, hindi niya kayang pumanig sa isang taksil sa sarili nintong pack.

"Hindi naman myung dahilan bakit umalis si Damian sa Forestheart, Dad," sagot ni Elara, tumayo siya sa kinauupuan niya at nilapitan ang kaniyang ama. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Calisto para iparamdam dito na nagsasabi siya ng totoo.

"Maniwala ka sa'kin, Dad. Kilala ko na si Damian atnagsasabi ako ng totoo. Hindi iyon ang dahilan ni Damian kaya siya umalis ng pack na 'to," mariin na paliwanag ni Elara.

"Ano bang pinakain sa'yo si Alpha Damian at naging ganiyan ang pananaw mo Elara? Hindi mo ba nakakalimutan na madalas ka niya awayin noon? Bully ang batang iyon at pinapatulan niya ang mas mahina sa kaniya," nang maalala ni Calisto ang dating ginagawa ni Damian sa anak niya ah mas kumulo ang kaniyang dugo.

Alam niya naman na away bata lang ang mga iyon noon, hindi rin sinasaktan ni Damian si Elara at parati lng talaga itong inaasar. Pero alam niya na ang mga salitang binabato ni Damian noon sa kaniyang anak ay dahilan rin ng mga sugat sa puso ni Elara ngayon.

"Hindi siya ganun Dad..." hindi alam ni Elara pano maipagtatanggol si Damian sa harap ng kaniyang ama dahil puro kalokohan talaga at sakit ng ulo ang ginagawa ninto sa pack nila noon.

"Hindi ka na babalik doon, iyon na ang desisyon ko," sagot ni Calisto at tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

"Teka Sweetie, hindi pwede manatili si Elara rito," sagot naman ni Fernanda. Hindi inaasahan ni Elara ang turn of events pero kung sabagay ay nais naman talaga siyang mawala ni Fernanda sa landas nila.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now