CHAPTER: 36

387 17 3
                                    

"Nagpunta kami sa beach, sobrang ganda ng dagat tapos 'yung buhangin, sobrang puti at pino, ang ganda talaga! Ang init ng klima pero kapag naligo ka na ang lamig naman ng tubig, basta ang saya-saya ko nung nakapunta ulit ako sa summer sea. Alam mo naman siguro na ang huling punta ko pa roon ay nung buhay pa si mama," walang prenong kwento ni Elara sa best friend niyang si Melody na bored na nakatitig sa kaniya.

"Oo alam ko na masaya ka. Pero ang tanong, sa tatlong araw na magkasama kayo ni Alpha Damian, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya namamarkahan?" Mariin na tanong ni Melody dahil siya na ang napu-frustrate sa best friend niya.

Napaikling tuloy ng ulo si Elara, nag loloading pa ang utak niya dahil ang atensyon niya ay nakatutok lang sa bakasyon nila at hindi sa plano niya.

"Bestie naman, alam ko naman na ilang beses kayong nag sex ni Alpha Damian dahil amoy na amoy ko ang wolf scent niya sa katawan mo, and given the fact na lycans tayo at nature na talaga natin magparami pero hello? Nakailang beses kayo pero wala ka pa ring mark? Hindi ka pa rin Luna? Samantalang 'yang bruha mong stepsister ay naghahari-harian na sa Forestheart!" Gigil na gigil na sermon ni Melody, parang siya ang apektado sa mga nangyayari kung magwala siya sa galit.

Gusto niyang matauhan ang best friend niya na walang ginawa kundi magkwento kung gano kasaya gumawa ng sand castle at magtampisaw sa dagat.

"Oo nga no," napagtanto ni Elara na tama ang best friend niya, ilang beses na silang nagtalik ng Alpha pero hindi pa rin siya minamarkahan ninto bilang luna niya.

"Oh di ba nagising ka rin sa katangahan mo, pagkakataon mo na 'yun! Three days niyong solo ang isa't isa tapos uuwi kayo na parang wala lang nangyari? Well okay alam kong may improvement sa relationship niyong dalawa pero kailangan ka magkakaroon ng panghahawakan kay Alpha Damian? Pano kung mabuntis ka?" Tanong ni Melody dahil ayaw niyang mangyari kay Elara ang nangyayari s ajbang omega na pagtapos mabuntis ay iiwan na lamang.

Kahit alam ni Melody kung gano kamahal ni Damian si Elara, nais niya pa rin makasigurado na nasa mabuting kamay ang best friend niya. Dahil kagaya nga ng sinabi ni Elara— isa pa rinb Reed si Damian.

"Nawala talaga sa isip ko, masyado kaming nag enjoy sa dagat..." hindi alam ni Elara kung ano ang sasabihin niya ky Melody.

Pano niya sasabihin na hindi lang ang dagat ang ka-enjoy-enjoy sa three days vacation na iyon? Dahil alam niya at aminado siya na nalulong siya sa katawan ni Damian at sa galing ninto sa kama?

"Anong iniisip mong bruha ka? Namumula 'yung mga pisngi mo! Siguro iniisip mo na naman 'yang katawan ni Alpha Damian," pang-aasar ni Melody, dahil aaminin niya natatawa siya sa kinikilos ni Elara ngayon, halatang halata na masaya ito at busog na busog ang sex life niya ngayon.

"Anong iniisip! Hindi ah, masyado lang talagang mainit ngayon," sagot ni Elara habanag pinapaypayan ng kaniyang kamay ang kaniyang mukha.

"Wag mo na i-deny, dahil hindi lang ikaw ang ganiyan ang reaction," sagot ni Melody at napapailing na lamang nang maaalala niya ang mukha ng kaniyang Alpha kaninang umaga bago siya magturo.

Nakasalubong niya si Damian sa hall ng pack house, sumisipol pa ito at pangiti-ngiti sa hangin na parang buang.

"Ano nga 'yun Mel?" Kinakain ng kuryusidad si Elara dahil ayaw sabihin ni Melody ang mga napapansin niya sa Alpha at Luna niya.

"Wala! Atupagin mo na 'yang plano na'tin dahil ayokong nasasapawan ka ni Fiona, balita ko ay minarkahan na siya ni Elijah at ganap ng Luna ng Forestheart pack," kwento ni Melody dahil ayon sa mga kaibigan niya sa Forestheart ay lumipat na raw sa pack house sina Fiona at Fernanda.

Sabi nila ay kitang-kita raw kung gano kamahal ni Alpha Elijah si Fiona dahil daw halos araw-araw ay binibilihan ito ng mga bagaong damit at alahas, puno raw ng shopping bags ang kwarto ni Fiona at madalas din daw silang kumain sa mga mamahaling restaurant.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon