CHAPTER: 52

309 20 2
                                    

Nakatanggap ng tawag kagabi si Damian mula kay Diego, balak nitong dumalaw sa Nightraven para personal na kausapin si Damian, ubos na kasi ang pasensya ni Diego dahil ilang beses na siyang iniiwasan ni Damian. Ni hindi ninto sinasagot ng mga text message at email niya, kaya wala na siyang iba pang sulosyon kung hindi puntahan ito ng personal sa Nightraven pack.

"Anong karapatan niyang pumunta rito ng hindi invited? Huwag niyong papasukin ang matandang 'yan sa loob ng pack house," sagot ni Damian kay Calix na kakauwi lang din galing mission.

"Hindi maari Alpha Damian, baka may mahalata pa siya sa atin kung hindi natin siya papaunlakan, saka tatay mo pa rin naman si Alpha Diego," tugon ni Calix, ayaw niya nang palakihin pa ang issue na umiikot sa Alpha niya dahil sa pagiging mailap ninto sa pamilya ng mga Reed.

"Kasama niya pa si Francis, baka mamaya mahalata pa nila ang tinatago natin tungkol kay Elara," mahinang sagot ni Damian, iniingatan niya ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig lalo na ngayon na pakiramdam niya ay unti-unting lumalabas ang tunay na lakas ni Elara.

Pansin niya kasi nitong mga nakaraang araw ay lumalakas ang pakiramdam ni Elara ganoon na rin ang pangdinig ninto. Parang nagiging normal na lycan na si Elara at mabilis niyang na aadapt ang bagay na iyon.

"Mag ingat ka na lang sa mga sasabihin mo Alpha, kailangan natin maingatan ang totoong pagkatao ni Luna Elara," sagot naman ni Calix, malapit niya na rin kasi maungkat ang totoong pagkatao ni Elara, may lead na siya kung nasaan nagtatago ang tiyuhin ninto na si Emmanuel.

Tumango si Damian at tumahimik dahil ramdam niya na paparating na si Elara sa office niya, lumabas muna si Calix para paghandaan ang pagdating ni Alpha Diego, nakasalubong ni Elara si Calix palabas ng pinto.

"Magandnag umaga Luna Elara," bati ni Calix kay ELara.

"Tapos ka na mag report?" Tanong naman ni Elara kaya tumango si Calix bilang sagot.

Pansin ni Calix ang hindi mapakaling mga daliri ni Elara, nilalaro ninto ang bawat isa at mukha may nais itong itanong sa kaniya.

"Hmm... pwede magtanong?" Nahihiyang sagot ni Elara kaya tumango si Calix. Hindi maiwasan ni Calix na makonsensya dahil may pagkakataon talaga na hindi pa rin komportable si Elara sa paligid niya.

"Kahit ano Luna," sagot naman ni Calix saka ngumiti para maramdaman ni Elara na ayos lang ang bagay na ito.

"Ah, kasi busy silang lahat sa baba, iniisip ko kung may bisita ba? Saka nakita mo ba si Melody? Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita at hindi rin siya sumasagot sa mga call and text ko, medyo nag-aalala na ako," tanong ni Elara.

Nahihiya siyang alamin ang ipang detalye sa pack house, kinakabahan siya na baka hindi niya naman karapatan na makialam, pero tuwing maiisip niya na isa siyang Luna, ay tinitibayan niya ang loob niya para magampanan ng maayos ang tungkulin niya.

"Ah, bibisiya raw si Alpha Diego dito mamaya, kaya nagpalinis lang ako ng kaunti para naman hindi nila isipin na bastos tayo sa ating mga bisita," sagot ni Calix at muling nag isip.

"Tungkol naman kay Camille, may mission pa rin siya pero dont worry okay naman siya dahil hindi naman nawawala 'yung connection niya kay Alpha Damian," sagot ni Calix kaya nakahinga nang maluwag si Elara dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya kung hindi niya malaman na nasa mabuting kalagayan ang best friend niya.

"Thank you Calix."

"Walang anuman Luna," sagot ni Calix at naglakad na palayo kay Elara, mabuti na rin at sa kaniya nagtatanong si Elara dahil kung kay Damian ito nagtanong ay paniguradong mahihirapan ito magsinungaling.

Totoong nasa mission naman si Melody, pero ang mission na iyon ang tungkol sa totoong pagkatao ni Elara. Katulong niya si Melody sa pag baback ground check sa tunay na pinang galingan ng lakas ni Elara at kung pano nila ito makokontrol.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon