CHAPTER: 22

491 23 2
                                    

Manghang-mangha si Elara sa ganda ng tanawin na kaniyang nakikita. Kinakabahan siya dahil unang beses niyang makasakay sa helicopter, buong buhay niya ay nakakulong lang siya sa pack house nila at mas madalas sa loob ng kwarto niya, kaya ang mga ganitong experience ay bago lang sa kaniya.

Akala niya nga ay sasakay lang sila sa tren, last time na nakasakay kasi siya sa tren ay noong buhay pa ang kaniyang ina, kaya naman ngayon na nararanasan niya ang mga bagong bagay na ganito ay hindi niya alam kung saan ilalagay ang kasiyahan niya.

"Tignan mo! Kitang-kita ang royal palace sa parteng 'to," turo ni Elara habang hinihila niya ang damit ni Damian, hindi niya nga namamalayan na kanina niya pa nahahampas dahil sa excitement ang Alpha niya.

"Mukhang maliit na mapa na lang ang buong Empire kapag nasa taas ka na no?" Tanong ni Damian at masaya naman na tumango-tango si Elara bilang sagot.

Nakatingin lang si Damian sa kaniya habang si Elara naman ay tuwang tuwa sa nakikita niya. Sumalumbaba si Damian habang nakapatong ang kaniyang siko sa kaniyang isang binti, nakatingin siya sa masayang mukha ni Elara at nakikinig sa mga kwento ninto.

Alam ni Damian ang dinanas ni Elara dahil sa kakaibang sakit ninto at sa mga pack members ng Forestheart pack, bata pa lamang sila ay nakita niya na kung pano ihiwalay ng pack members nila si Elara sa lahat ng bagay dahil lang sa wolfless siya at isang mahinang omega.

Alam niya rin na madalas na nakakulong si Elara sa kaniyang kwarto dahil sa sakit na nagpapahirap sa katawan niya. Kaya noon ay sa bintana niya lang nasisilayan si Elara, nakasilip sa kanila habang masaya sila nagtatakbuhan at naglalaro sa arawan.

"Ano pang gusto mong gawin?" Tanong ni Damian kay Elara at napalingon naman si Elara sa kaniya na may pagtataka sa kaniyang mukha.

"Ha? May sinabi ka ba?" Tanong ni Elara at napangiti lang si Damian sabay iling.

"Wala, ang sabi ko lang ay mas marami pa tayong gagawin na exciting at hindi mo pa nararanasan," sagot ni Damian at natawa siya dahil iba ata ang pagkakaintindi ni Elara sa mga sinabi niya. Nakakunot na kasi kaagad ang noo ni Elara at tinitignan siya nang masama, double meaning din pala iyon kaya hindi na siya nagtataka kung ma-misunderstood siya ni Elara.

"What I mean is makakagala ka sa iba't ibang parte ng Gazina, mag tatravel tayo kapag wala akong gaanong trabaho, kakain sa iba't ibang restaurant na may iba't ibang pagkain mula sa iba't ibang lugar, makakakilala ka pa ng mas maraming tao at ibang uri ng nilalang, dahil hindi ka na makukulong sa lugar na pupuntahan mo," paliwanag ni Damian pero malungkot na ngiti ang pinakita sa kaniya ni Elara.

"Hindi mo sigurado ang bagay na 'yan, sakitin ako at kahit mukha akong okay ngayon, hindi natin alam kung kailan babalik ang sakit ko. Isa pa, marami ka pang hindi nalalaman sa akin Damian, marami ka pang bagay na pag-iisipan kung ako ba talaga ang magiging luna mo," sagot ni Elara.

Masyado ng manhid ang puso niya sa dami ng panloloko na dinanas niya, hirap na siya magtiwala sa iba at hindi niya alam kung kaya niya pa ba magmahal ng katulad nang inosente at totoong pagmamahal na naibigay niya kay Elijah.

"Marami pa naman tayong time para makilala ang isa't isa, hindi naman ako namamadali sa bagay na 'yan. Saka isa pa, marami ka pang utang sa akin, kaya hindi kita pwede pakawalan hahaha," sagot ni Damian at dinaan niya na lang sa pang-aasar ang pag-uusap nila para hindi na gaanong mag overthink pa si Elara dahil para kay Damian ay sigurado at seryoso na siya sa pagpili niya kay Elara bilang Luna niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon